
TODO-HANDA na si Toni Gonzaga sa kanyang nalalapit na concert, ang Love is…Toni Gonzaga, sa Feb. 26 at 27 sa Music Museum. At kahit hindi naman niya first time mag-concert, sobrang excited pa rin ang hitad, ha!
“Excited ako, kasi ngayon lang ulit ako magku-concert. Nu’ng nakaraan kasi, nag- concentrate ako sa movies and hosting. Kaya ngayong nabigyan ako ng chance na mag-concert ulit, todo-todo talaga ang paghahanda. Na-miss ko rin kasi ang magkaroon ng isang solo concert, `yung ako talaga ang bida sa stage. At saka, ayokong mapahiya sa mga fans ko,” say pa ni Toni.
Sige nga, tingnan nga natin kung bongga talaga ‘yang concert na `yan ni Toni.
0 comments:
Post a Comment