Tuesday, February 23, 2010
Starstruck The Final Judgment
SINA Steven Silva at Sarah Lahbati ang Ultimate Male and Female Survivors, respectively ng Starstruck V. First Prince si Enzo Pineda at 1st Princess si Hyacinth Diva Montelaba. Second Prince si Rocco Nacino na sumali na noon sa MYX VJ Hunt bilang Nico Nacino pero hindi pinalad na manalo.
Ang Araneta Coliseum ang venue ng Final Judgment Night, at dahil sa dami ng mga supporter ng Final V, napuno ng audience ang big dome.
Si Rommel Gacho ang nasa likod ng successful at highly-entertaining finale night ng Starstruck V. Mabilis ang pacing ng show, nakakaaliw ang mga production number kaya hindi nainip ang audience, kahit may kahabaan ang mga commercial gap.
Pinakagusto namin ang production number ng siyam na Starstruck Avengers at ng kanilang mga mentor. Brilliant idea ni Rommel na bigyan ng moment ang Starstruck mentors na sina Gina Alajar, Douglas Nieras, Abbygale Arenas, Barrbi Chan at Jai Sabas.
Nagmistulang winners din ang Avengers dahil tumatak sa audience ang production number nila.
Kung magiging kasing-ganda ng Final Judgment Night ng Starstruck V ang SOP, makakahabol at mapapantayan ng Sunday noontime show ng GMA 7 ang ASAP. Bakit hindi subukan ng GMA 7 na pahawakan kay Rommel ang SOP?
Mas matindi ang rivalry sa male finalists ng Starstruck V kumpara sa competition sa pagitan nina Sarah at Diva. Ang malalakas na cheer ng fans nina Enzo, Rocco at Steven ang nagpasigla sa atmosphere sa loob ng Araneta Coliseum.
Dahil si Steven ang Ultimate Male Survivor, huminto na ang mga intriga na si Enzo ang mananalo dahil mayaman ang kanyang pamilya, at anak siya ni Eric Pineda, ang business manager ni Manny Pacquiao.
Hindi man niya nakuha ang title, panalo pa rin si Enzo dahil mayaman pa rin ang kanyang pamilya. Biktima man siya ng paninira, lamang pa rin si Enzo dahil sa mata ng mga tao at staff ng Starstruck, siya ang pinakamabait, humble at may breeding.
Isang staff member ng show ang nagpakuha ng litrato na kasama si Enzo sa huling gabi ng Starstruck para may souvenir siya. Hindi raw niya makakalimutan ang natural na kabaitan at pagiging down-to-earth ni Enzo na pinagkaisahan ng ibang Starstruck male contestants.
***
Pagkatapos ng show, binigyan ng pagkakataon ang entertainment writers na makausap sa press room ang Final V. Malaki ang nagawa kina Sarah at Steven ng kanilang tagumpay dahil bigla silang nagkaroon ng star aura nang pumasok sa press room.
Nakinig kami sa pakikipag-usap nila sa mga reporter pero hindi kami nag-aksaya ng panahon na magtanong. Kung tatanungin namin ang mga natalo sa kanilang naging pakiramdam at sasagot sila ng “Okey lang po, tanggap namin ang resulta ng contest,” hindi kami matutuwa.
Tiyak na iiiral ang aming pagkamalisyoso dahil malalim na ang gabi para makipagbolahan.
Makukuntento at bibilib kami sa mga loser kung magpapakatotoo sila at sasagot ng “Nalulungkot po ako dahil uuwi ako na luhaan. Ayoko pong magpakaplastik. Hindi okey! Bakit ko sasabihin na natutuwa ako eh sumali nga ako sa Starstruck dahil gusto kong manalo at maging instant millionaire?”
Labels:
Starstruck Final
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment