Your Ad Here

Monday, February 15, 2010

Luis Manzano not discouraged by Angel Locsin's statement


Sa huling interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel Locsin ay marami ang nagulat nang sabihin nito na pinahihinto na niya ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano sa sobrang pag-e-effort na manligaw ulit dahil masaya na raw siya bilang single ngayon.



Pinagtakhan ng iba ang biglang pagbabago ng isip ng dalaga. Dati kasi ay sinasabi nitong naa-appreciate niya at ayaw niyang balewalain ang effort ni Luis para magkaayos silang dalawa at hindi siya nagsasara ng pinto for a reconciliation.



Upang makuha ang reaksiyon ni Luis sa sinabi ni Angel ay minabuti ng PEP na kausapin ang TV host-actor sa ASAP XV kahapon, February 14.



"Ang kay Angel lang naman, ang sabi niya, huwag akong sumobra-sobra ng effort and that's perfectly understandable. Basta ako, ang masasabi ko lang, I'm trying to work things out, I'm trying to win her back, and I'm trying to fix things between us," sabi ni Luis.



Hindi ba siya nasaktan o na-discourage sa sinabi ng kanyang ex-girlfriend?



"Pag gusto mo ang ginagawa mo, bakit ka mapapagod?" balik-tanong niya. "If you really want to pursue something, kahit na ano pa humarang sa iyo, you go for it. Basta ako, if I want to do something, gagawin ko."



Sa biglang pagbabago ng isip ni Angel, hindi kaya napagod na ang aktres dahil kahit wala na sila ni Luis ay away-bati pa rin ang nangyayari sa kanila?



"May mga instances na ganun na minsan away-bati kami," pag-amin ni Luis. "Maybe that's one factor kung bakit nagkaganito kami. But for clarity on that issue, siya na lang ang tanungin ninyo coz I can't speak on her behalf."



Sa interview ni Angel ay nagsalita din ito na iniingatan lang daw niya ang kanyang sarili na huwag nang masaktan muli. Aminado naman si Luis na may mga pagkakataon na nasaktan at nagkulang talaga siya kay Angel.



"That's for her to say, siguro it's about how we will understand it. Gaya nga ng sinabi ko, it's really up to her to clarify that issue. But if that's the case, siguro naman kahit papaano, we can't blame her o kahit na sino pa man taking care of one's heart.



"Alam ko na nasaktan ko siya kaya nga sinabi ko sa E-Live, gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko. There were instances na nasaktan ko talaga si Angel, pinagsisihan ko yun at alam niya yun. When you work hard for something and you lose it, you will work harder to get it back. You'll appreciate it so much more than the first time around," saad ni Luis.



Nali-link ngayon si Angel sa vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at sa CNN Hero na si Efren PeƱaflorida. Ayon kay Luis, hindi siya nakakaramdam ng selos o nate-threaten sa mga ito.



"Hindi," sagot ni Luis. "Kasi kahit nung kami pa ni Angel, nakakasama namin si Chito. And si Efren naman, nakasama na rin siya. Ayokong isipin ang ganung mga bagay because nagiging too cerebral, thinking of so many factors. Nawawala yung purity ng intentions mo."



CAMPAIGN AD. Lumalabas na ngayon sa TV ang campaign ad ng stepfather ni Luis na si Ralph Recto na tumatakbo ulit bilang senador. Dito ay kasama si Luis at ang mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos at ang half-brother niyang si Ryan Christian Recto. Ang tanong tuloy ng marami, paano na ang ama ni Luis na si Edu Manzano na tumatakbo namang vice president?



"My Dad will come up with his own very soon and naghihintay lang ako ng tawag kung kailan gagawin. Wala namang whim kung willing ako o hindi. Gagawin ko talaga yun as support for my dad," pagtiyak ni Luis.



PILIPINAS GOT TALENT. Bukod sa ASAP XV ay abala rin si Luis sa upcoming talent show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent. Kasama niya rito si Billy Crawford as co-host.



"Kagagaling lang namin in Batangas for Pilipinas Got Talent," banggit ni Luis. "Napakainit ng pagtanggap ng mga BatangueƱo. And regarding the audition, lagi naming sinasabi ni Billy na expect the unexepected. When you least expect it, kung sinuman ang taong yun, they will blow you away sa galing nila. At the same time, yung iba talaga, walang ginawa kundi magpatawa lang on stage."

0 comments:

Post a Comment