Your Ad Here

Monday, February 15, 2010

LJ Reyes defends Paulo Avelino on gay rumor


Ipinagtanggol ni LJ Reyes ang nababalitang manliligaw niya na si Paulo Avelino sa pagkukuwestiyon sa pagkalalake nito.



"Hindi naman, wala naman akong naririnig na ganyan ngayon. Lahat naman siguro ng lalake nasabihan na ng ganyan. Kung meron mang nakakilala kay Pau, ako yun," sabi ni LJ sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Paano niya napatunayan na lalaking-lalaki nga si Paulo?



"Siyempre kapag nakilala mo naman yung tao, mararamdaman mo naman," sagot niya. "Kapag nagsa-shopping ako, hindi siya yung, 'Uy maganda 'yan, ito suotin mo.' Hindi naman siya ganun."



Ayaw naman lagyan ni LJ ng label kung anuman ang meron sa kanila ni Paulo ngayon.



"I think naman na meron naman kaming understanding, bakit kailangan ng label? Huwag na nating lagyan ng label. Alam n'yo naman kunwari may dalawang tao na taga-showbiz na nagkakaroon ng something, mas maganda kung kunwari silang dalawa na lang muna ang may alam," seryosong sabi niya.



Bukod sa espesyal na closeness nila, magkasama rin sa trabaho sina LJ at Paulo. Pareho silang nasa cast ng Sine Novela Presents Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ng GMA-7.



Ano naman ang pinagkaiba ni Paulo sa ibang guys na naging espesyal sa buhay ni LJ noon, tulad nina Mike Tan at Alfred Vargas?



"Ang na-realize ko nung nakilala kong mabuti si Paulo, mature siyang mag-isip para sa age niya. Si Alfred naman kasi sa age niya, dapat talaga mature na siya. Si Mike naman, immature naman siya talaga noon kasi bata pa kami. Ngayon naman, improved na siya. Si Paulo kasi nung time na naging close kami, yung time na pareho na kaming mature," sabi ng dalaga.



Tinanong ng PEP si LJ, susuportahan niya ba si Alfred na tatakbong konsehal sa District 2 sa Quezon City?



"Hindi naman niya ako kinokontak, e," sagot niya. "At ganito naman ang sa akin...ayokong mag-endorse ng kahit na sinong pulitiko unless meron kaming same belief. So, if ever man tatanungin niya ako kung ie-endorse ko siya, siyempre, pag-uusapan muna namin kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa Q.C. if kunwari ma-elect man siya. Pero kunwari tulong lang, like kunwari perform ka lang sa mga kampanya niya, e, why not? Okay lang naman."

0 comments:

Post a Comment