Your Ad Here

Monday, February 15, 2010

Kris Aquino surprised by her sisters with a song number at her birthday celebration on The Buzz


Espesyal ang naging birthday celebration ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino sa programa nilang The Buzz kahapon, February 14, lalo sa pagdating ng kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky at Viel. Kris turned 39 on Valentine's day.



Nakaupo kasama ang mga anak na sina Baby James at Joshua, ikinatuwa ni Kris ang ginawang sorpresa ng kanyang mga kapatid nang kantahan siya ng mga ito ng "I Will Be Here," kasama ang favorite singers ni Kris na sina Jed Madela at Rhap Salazar, gayundin ang mga celebrity friends nitong sina Kim Chiu at Pokwang.



"That was actually the cutest!" bulalas ni Kris after ng song number. "Alam mo, Boy, they keep on telling me last night na, 'Mom will make sure na hindi ka iiyak.' So, na-laugh trip talaga ako because I could see na kayong tatlo nanginginig talaga. But that was the cutest."



Ayon kay Ballsy, "Kasi Krissy, we didn't want you to cry. Talagang sinabi namin, gawin na namin para matawa naman si Kris."



"That's really the cutest. Thank you, thank you. Don't worry next year, 40 na ako, so awat na ang mga celebration. This is the first and last time you ever have to do this," sabi ni Kris, na ipinagpasalamat naman ng mga Aquino sisters.



Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Kris sina Kim at Pokwang na kasamang kumanta ng kanyang mga sisters.



"I just have to say this. Kimmy, alam mo naman yung bonding natin talaga nabubuo sa Kung Tayo'y Magkakalayo. And I'm so proud to know you because you inspire me kasi ang bait-bait mong kapatid talaga. So, dahil sa iyo, gusto ko ring maging mabait din sa kanila. Maraming-maraming salamat talaga for being such a joy to work with. It's my pleasure to be your mom.



"Pokie, mukha kang reyna at mukha kang mayaman na mayaman talaga. Ate and all of us here, we can really say thank you to her. Love, love, love talaga."



Sumunod na pinasalamatan ni Kris sina Rhap at Jed.



"Alam mo, parang hindi talaga kumpleto ang birthday ko kung wala si Rhap at si Jed. Dahil sa iyo ang basehan ko sa magandang boses. Talagang I'm so proud of how far Rhap has come already. We're only looking forward to better things. And Jed, alam mo naman na ako ang number one fan, defender at tagataguyod ng The Voice [tawag kay Jed]."



BIRTHDAY WISHES. Tinanong naman ng co-hosts ni Kris na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez kung ano ang mga wish ng magkakapatid para sa sister nilang si Kris.



Viel: "I hope you get healthier kasi grabe yung schedule mo, sunud-sunod. So, sana na lang everyone can keep up with your busy schedule. Happy birthday."



Pinky: "Like I said to you last night, kung pagdududahan mo pa na love ka namin, suntukin na kita! For us to sing in public that proves enough we love you. So, I really wish you all the best sa home life and in your career. I love you."



Ballsy: "And sana Krissy, habang buhay mo ipagpatuloy mo pa ang pagpapasaya sa mga tao. Kasi alam naman namin na yun ang number one sa iyo, ang magpasaya ng mga tao."



NOYNOY NO-SHOW. Hindi naman napigilan ni Kris na maging emosyonal dahil sa absence ng kanyang brother na si Noynoy sa birthday celebration niya. Hindi nakapunta si Noynoy dahil na nga sa regulasyon ng Comelec kaugnay ng TV exposures ng mga kandidatong tumatakbo sa May 2010 elections, lalo na nga't nagsimula na ang campaign period.



"Can I just say this...We tried our best po talaga na hindi ako matanggal sa trabaho kaya nakita n'yo naman kung sino lang ang bumati sa akin. So, sana po kung nanonood ho kayo ngayon, ang wish ko lang... I can't broadcast my birthday wish kasi lalo akong matatanggalan ng trabaho. Pero tulungan n'yo na lang po kami. Kasi ang hangarin lang naman po namin, e, lalong mapabuti ang bayan," pahayag ni Kris na umani ng sigawan at palakpakan sa mga tao sa studio.



Ito ang first birthday ni Kris na wala sa piling nila ang kanilang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino. Masakit man ay buong tapang na pinaninindigan nina Kris ang pangako nilang magkakapatid sa kanilang ina—ang habambuhay na pagmamahalan, magdamayan at magbigay-lakas sa bawat isa.



"This is for you, Mom," sabi ni Kris. "Kasi nakikita mo naman na how much we love each other talaga. And I think that's the best thing that the four of us can do... the five of us actually is to just really be here kasi wala ka na. No matter how sad it is na wala ka, at least, Mom, alam mo you brought us up well to be here for each other."



JAMES' LOVE MESSAGE. Hindi rin nakadalo sa selebrasyon ang asawa ni Kris na si James Yap dahil nagkataong may basketball game ito sa PBA kahapon. Kaya through VTR na lang nagbigay ng kanyang mensahe si James.



Naging espesyal ang pagbati na ito ni James dahil kamakailan lang ay muling dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang samahan bilang mag-asawa. Pero muli silang nagkaayos at nagsama ulit matapos ng sandaling paghihiwalay.

"Sobrang mabait at maalagain. Hindi lang ako, pati sina Josh at Baby James, talagang sobrang mahal na mahal niya," paglalarawan ni James kay Kris.



Ibinuko naman ni James na sa kanilang mag-asawa ay mas sweet siya kaysa kay Kris.



"Ako nga ang parating nangyayakap sa kanya, e. Alam mo na yun, Babe, ha, yakapin mo ako parati. Mas sweet ako, oo, sobra. Siya yung hindi masyado, pakipot effect."



Nagpapasalamat naman si James na sa kabila ng mga problema ay buo pa rin ang samahan nila ni Kris.



"Siyempre I thank God na binigyan kami ng strength mag-asawa. Dahil sa dami-daming trials na napagdaanan namin, wala talagang gumive-up sa amin. Kasama na rin ang Mom [Cory] doon. Hanggang ngayon nagga-guide pa rin sa amin bilang mag-asawa."



Sa huli ay inihayag na ni James ang kanyang pagmamahal sa asawa.



"Babe, pasensiya ka na hindi mo maririnig ngayon yung aking magandang boses dahil alam mo naman pag birthday mo talagang kumakanta ako sa birthday mo. Kasi may game tayo. At saka malaman mo na mahal na mahal kita. Sana love, love, love na. Sana patuloy natin yung love, love, love. God bless sa iyo and happy birthday!"



Narito naman ang naging mesnahe ni Kris kay James:



"I would just say na I cannot do this work kung hindi po ako binibigyan ng 100 percent understanding at support ng asawa ko. That's the biggest gift that he has given me this year. Thank you, Babe. Thank you, James, for allowing me to act, to host, to do SNN, to do The Buzz. Maraming-maraming salamat. And dati inaaway mo ako dahil sa trabaho kong ito. Pero ngayon minahal mo na rin ang trabaho ko kaya maraming-maraming salamat sa iyo."



Bagama't kasama ni Kris sa studio ang mga anak na sina Baby James at Joshua ay bumati rin ang mga ito sa VTR para ipahayag ang pagmamahal nila sa kanilang Mama.



Kabilang din sa mga bumati sa birthday ni Kris through VTR ang iba pang celebrity friends ni Kris na sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto, at Ted Failon.



Nagbigay rin ng birthday message kay Kris ang executives ng Kapamilya Network na kinabibilangan nina ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Channel Head Cory Vidanes, former Chairman Freddie Garcia, Business Unit Heads Deo Endrinal, Lui Andrada, at Alou Almaden.



NO POLITICS. Labis na nagpasalamat si Kris sa mga bumati sa kanya sa VTR, lalo na sa kanyang mga bosses sa ABS-CBN dahil sa malaking suporta sa kanyang kaarawan. Iniingatan kasi nila ni Kris na magkaroon ng bahid-pulitika ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa The Buzz matapos magpalabas ng regulasyon ang Comelec na dapat daw mag-leave sa trabaho ang mga celebrities na nag-e-endorso ng mga pulitiko. Lalo pa kay Kris na kapatid ni presidentiable Noynoy Aquino.



"Thank you, kasi importante na nakikita ng mga boss mo at mga nagpapatakbo ng programa mo kung ano ang ibinibigay mo para mabuo ang programa. Gusto ko rin ho sanang pasalamatan kayong lahat kasi nga tama yung sinabi ni Lui na for almost 15 years, you've given me the chance to be with you every day. That is really one of the biggest blessings in my life. Thank you for accepting me for all that I am and all that I'm not.



"So, to my bosses, maraming salamat kasi alam ko what it takes para lumabas kayo on cam. Alam ko na dapat talagang careful tayo na hindi mabahiran ng kahit anumang pulitika. Pero maraming-maraming salamat po at pinahalagahan n'yo po ako bilang Kris at parang isinantabi po natin kung anuman ang nagaganap ngayon at pinahalagahan n'yo po ako. Kaya maraming-maraming salamat po."



Maging sa umpisa pa lang ng The Buzz ay nanawagan na si Kris sa Comelec, lalo na't nagsuot siya ng gown na kulay dilaw, ang official color na ginagamit ni Noynoy.



"Comelec, pagbigyan n'yo na ako. Birthday ko naman, e. Huwag n'yo naman akong ikulong dahil ito po yung isinuot ko," saad niya.



CONTINUING CORY'S LEGACY. Bilang paggunita sa alaala ng kanyang namayapang inang si Cory Aquino, patuloy raw na isinasabuhay ni Kris ang isa sa pinakamakahulugang aral na pamana ng kanyang minamahal na ina, ang pagtulong at pamamahagi ng biyaya sa iba.



Unang nakadama ng taus-pusong pag-reach out ni Kris ang mga batang scholars ng World Vision, isang non-government organization na nagpapaaral sa libu-libong mahihirap na mga bata. Isa itong pagpapatuloy sa mithiin ng kanyang ina na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga bawat bata sa bansa.



Sa anim na taong involvement ni Kris sa World Vision, umabot na raw sa 319 kids ang tinutulungan niya para makapag-aral. Dahil dito ay kinilala at binigyan pa ng award si Kris ng World Vision dahil sa pagiging most generous and most number of sponsored children.



Nagpaabot din ng greeting cards na ginawa mismo ng mga batang tinutulungan ni Kris para sa birthday ng aktres.



Na-touch naman si Kris dito at nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong at pagsuporta sa World Vision.



Kabilang din sa mga tinutulungan ni Kris ang Boy Scouts na taga-Tondo at ang Philippine National Red Cross.

0 comments:

Post a Comment