Tuesday, January 26, 2010
Willie Revillame saddened by no-show of his children at his birthday celebration
Pahinga for one week ang regalo ng controversial host na si Willie Revillame para sa sarili pagkatapos ng birthday celebration niya sa kanyang programa na Wowowee noong Sabado, January 23 (January 27 ang tunay niyang birthday).
Kahapon, January 25, nagsimula na ang bakasyon ni Willie mula sa kanyang programa. At ayon sa ilang source, pupunta raw sa Boracay ang paalam ni Willie para sa kanyang five-day vacation.
"Gusto ko lang magpapahinga, kasi yung boses ko... Pagod na ako, e," simula ni Willie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago ito nagbakasyon.
Sa selebrasyon ni Willie, pawang malalapit na kaibigan niya ang bumati sa kanya through VTR. At karamihan sa kanila, pawang dinadasal na maging malusog ang katawan ni Willie.
"E, di ba yung sa puso ko, barado nga?" sabay himas ni Willie sa kanyang dibdib.
NO LOVELIFE. Nilinaw naman ni Willie ang lumabas na balita na meron siyang bagong girlfriend ngayon na non-showbiz.
"Wala," kibit-balikat ni Willie. "Ni walang bumati sa akin. Sasabihin ko sa inyo ang tototo. Kung meron, meron. Pero wala talaga, e. Hindi totoo yung nababalita na may nag-i-email na may girlfriend ako. Gawa-gawa lang nila 'yan. Hindi totoo 'yan. Wala akong girlfriend."
Feeling ni Willie, hindi na bagay sa kanya ang magsalita pa about his lovelife sa edad niya ngayon.
"Yung ginagawa ko na lang na tulong ang isulat natin... Huwag na yung lovelife ko. Ang tanda ko na, 49 na ako. Wala na akong lovelife. Wala akong girlfriend. E, kung meron, di sana sinurprise na nila ako."
MISSING HIS KIDS. Kung meron man daw siyang nami-miss ay yun ang pagbati ng kanyang mga anak.
"Oo, siyempre. E, dapat sila ang kasama ko," himutok ni Willie.
"Hindi ba niya ni-request sa staff niya na kunan ng mensahe ang kanyang mga anak
"Pangit, ayoko," malungkot na sabi ni Willie.
Even his eldest daughter na si Meryll Soriano ay hindi rin nagparamdam sa birthday celebration ni Willie sa Wowowee.
"Wala rin."
May tampuhan ba sila ng kanyang panganay?
"Wala rin. Hindi ko nga alam. Pero ang birthday ko sa 27 pa, e. Baka doon nila ako batiin."
Naging emosyonal naman si Willie habang umaawit kasama ang child sensation na si Zaijin Jaranilla o mas kilala bilang si Santino sa malaganap na teleseryeng May Bukas Pa.
"Parang ang tingin ko kay Santino, anak ko siya, e. Ang ganda ng mata nung bata."
Noong mga sandaling 'yon, na-wish niya bang sana ay kasama niya sa stage ang bunsong anak niya sa kanyang ex-wife na si Liz Almoro.
"Huwag na nating banggitin, nasa korte yun, e. Basta matagal ko na siyang hindi nakikita. At basta mga anak ko, huwag na nating pag-usapan kasi hindi ko na alam, e...kung ano ang gusto nila."
MERYLL AND JOEM. Balitang-balita na boyfriend ngayon ni Meryll ang aktor na si Joem Bascon.
"E, di mabuti naman kung may lovelife siya. Basta kung saan siya masaya, di ba? Hindi naman ako ang makikisama. Sila naman ang magsasama, di ba? Mahirap, ano 'yan, mahirap pakialaman ang kaligayahan ng isang tao."
Sa tuwa ni Willie kay Zaijian, na-wish niya na makatrabaho sana ang child sensation kahit sa Maalaala Mo Kaya.
"Oo naman. Pero hindi...pelikula, maganda," bawi ni Willie. "Depende, pero gusto ko 'yung drama. Kasama rin namin si Dolphy. Kaya lang sa Star Cinema 'ata siya nakakontrata. Pero parang gusto kong gawin namin kakaiba. Iba kasi ang batang yun, e. Iba ang dating."
MOST TRUSTED PERSONALITY. Kasabay ng selebrasyon ni Willie sa Wowowee last Saturday ay ang pagbigay sa kanya ng Triple Platinum record award para sa kanyang Ikaw Na Nga album. A week before ng birthday celebration niya, lumabas naman sa isang broadsheet na number three siya sa survey na ginawa para sa "Most Trusted Personality" ng bansa.
"Ha?!! Ha-ha-ha! Surprise!" sabay tawa ulit ni Willie. "Siyempre natuwa ako. Magkaroon ka ng positive 20 percent na pinagkakatiwalan ka, malaking bagay na yun. Di ba, sa YES Magazine, 'Most Powerful Celebrity' ako? 'Tapos itong album mo, number one. Yun na yun, e. Eto na, di ba? Sobra na kasi [ang Ikaw Na Nga). Ang lakas talaga."
Dahil sa sunud-sunod na recognition na natanggap ni Willie at sa iba pa niyang achievements—successful show, maraming properties at isang napakalaking negosyo na tinatayo—walang duda na nasa rurok na siya ng tagumpay. Pero may kasabihan na, "When you're up, there's no other way but down." Anong masasabi niya rito?
"Wala ka pa doon, e. Ibig kong sabihin, ito ba [sabay turo niya sa kanyang hitsura] nasa top? Tingnan ninyo nga, mumurahin lang ang mga damit ko. Pero ano, kayo ang makakapagsabi niyan. Ako ba, nakita ninyo ginamit ko yung power, ginamit ko yung lahat?
"Kasi nga hindi ganun ang pagkatao ko. Kung prangka man ako, totoo ako, hindi ibig sabihin na mayabang. Totoo ka, e. Dapat totoo ka sa harap at likod ng kamera. Kasi kapag nasa harap ka lang, niloloko mo ang sarili mo, niloloko mo ang tao.
"Anong gagawin ko sa buhay ko para makipagbiruan? Makipaglokohan?
"Ang pagbibigay mo ng tulong sa tao, sinsero 'yan," pagtatapos ni Willie.
Labels:
Willie Revillame
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment