Tuesday, January 26, 2010
Pilipinas Got Talent co-host Billy Crawford shrugs off comparison with other talent shows
Sa mainit na pagtanggap at tagumpay na tinatamasa ngayon ng Showtime, hindi kataka-taka na isa uling talent program ang hinahanda ng ABS-CBN. Ito ay ang Pilipinas Got Talent, ang Philippine franchise ng Got Talent series na nagsimula sa Great Britain.
Hindi pa man naipalalabas ang Pilipinas Got Talent ay ikinukumpara na agad ito sa Showtime. Ang pangamba nga ng iba ay baka kahit nasa iisang istasyon ang dalawang talent shows ay magkaroon ng kumpetisyon at sapawan sa pagitan ng mga ito.
Pero ayon sa isa mga host ng programa na si Billy Crawford, iba raw ang Pilipinas Got Talent sa Showtime (hosted by Anne Curtis, Vhong Navarro, and Kim Atienza).
"Iba ang Showtime," simula ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Showtime is group, 10 to 25 members. Sa amin kasi, puwede kang maging soloist, duo, trio, puwede kang pamilya, whatever, basta may talent ka. Yun ang kailangang ipakita mo sa buong mundo. May tatlo rin kaming judges—sina Kris Aquino, Ms. Ai-Ai [delas Alas], and Mr. Freddie Garcia. And those judges, all throughout sila the whole show."
Dagdag niya, "This is also a franchise from British Got Talent of England. So kung anuman ang ginagawa sa Showtime, opposite ng gagawin ng Pilipinas Got Talent. Sa amin, kung kaya mong kumain ng bubog, ng apoy, or kahit na ano, puwede."
Ikinukumpara rin ang Pilipinas Got Talent sa Talentadong Pinoy ng TV5. May mga nagsasabi na iba pa rin daw ang original at mukhang ginaya lang daw ng Pilipinas Got Talent ang konspetong sinimulan ng Talentadong Pinoy, na hinu-host ni Ryan Agoncillo.
Ano ang masasabi ni Billy rito?
"Wala pa naman akong naririnig na ganun," sabi ng international Filipino singer. "But when that time comes naman, I don't think na magsasalita sila ng ganun. Nasa industriya naman tayo for a long time, no one will start naman ng mga away-away. Same concept kasi, but just like I've said, this is a franchise from British Got Talent.
"Lahat naman ng talent shows iko-compare naman 'yan, kahit ano ang gawin mo basta nagpapakita ng talent. Ito, worldwide ito. Maipapakita ito sa TFC [The Filipino Channel] and two million pesos ang mauuwi ng contestant na mananalo dito."
LUIS MANZANO. Kasama ni Billy sa Pilipinas Got Talent ang kaibigan at kasamahan niya sa Kanto Boyz na si Luis Manzano. Panay papuri ang ibinigay ni Billy kay Luis.
"Si Luis is one of the most talented hosts here," sabi niya. "Luis is a great host and he's a good friend of mine. Wala akong masamang masasabi sa kanya and I'm really happy na mag-i-start na kami. After namin sa Cebu, Bacolod and Baguio kami for Pilipinas Got Talent."
Mainit ding tinatanggap ng publiko ang grupo nina Billy at Luis, kasama sina John Lloyd Cruz at Vhong Navarro na Kanto Boyz. Tuloy ba ang pelikula o sitcom na nabalitang gagawin nila before?
"I think pinag-uusapan yung movie namin," sabi ni Billy. "Sina Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN head] yata ang may pinag-uusapan for a movie this year. Pero depende pa rin kasi lahat kami may sked. Kami ni Luis, we have Got Talent. Si Lloydie may movie with Bea [Alonzo[ and a teleserye. Si Vhong may Kokey, so malabo pa talagang magkasama-sama, lalo na yung sitcom. Yung Cebu namin, gustong dalhin sa States, pero hindi naman kakayanin ng sked namin."
Labels:
Billy Crawford
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment