Your Ad Here

Thursday, January 28, 2010

Melissa Ricks wants to tackle different roles


From her bida-kontrabida role in the early primetime series Tanging Yaman to her role as Gerald Anderson's ex-girlfriend in Star Cinema's Paano Na Kaya?, marami ang nakakapansin na mukhang nalilinya sa villain roles ang young actress na si Melissa Ricks.



Pero nilinaw naman ito ni Melissa nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Aniya, "Actually pag napanood nila ang Tanging Yaman, malalaman nila kung bakit ganun ang character ko. Gusto niyang mapasaya ang nanay niya. Lahat ng sabihin ng nanay niya sinusunod niya, pero deep inside her, nasasaktan na siya. Gusto niya ng normal na buhay, parang nagiging defense mechanism lang niya ang pagiging maldita niya. Actually, nakakaawa nga yung role niya.



"Dito naman sa Paano Na Kaya?, hindi siya kontrabida at all. Nagkataon lang na she fell out of love and then she wanted to love again the same person. Actually, I enjoy playing kontrabida roles and ako naman, ayokong ma-stuck with nakakakaawa na roles lagi. Gusto ko may action, may pagkakontrabida, iba-iba para hindi naman magsawa ang audience sa akin."



Nagbubunga naman ang pagiging open ni Melissa sa mga ganitong klaseng roles. Balita na humahataw sa takilya ang Paano Na Kaya?, na nagbukas sa mga sinehan kahapon, January 27. Consistent din ang mataas na ratings ng Tanging Yaman at ganun din ang Pepeng Agimat nila ni Jolo Revilla, base sa nationwide ratings ng TNS.



"I heard nga na malakas daw yung Paano na Kaya? and I'm so thankful and happy na sinusuportahan kami ng publiko. I must admit when I accepted the role, may pressure sa akin coz this is my first movie under Star Cinema. First time na kinuha nila ako, binigyan nila ako ng magandang role and I'm very thankful to them. Nakatakot din kasi sina Kim [Chiu] and Gerald ang kasama ko dito, magagaling silang mga artista. Sana patuloy nilang panoorin at suportahan ang Paano na Kaya?.



"Actually, in Tanging Yaman, the rating is getting higher. So I'm very thankful also na yung mga shows na napapasama kami ni Matt [Evans], e, nagiging successful. Pero pressure din on our part coz for each show, kailangang pagbutihan talaga namin.



"With Pepeng Agimat naman, nag-last taping na kami nung isang araw. Nakakalungkot pero masaya na all throughout Agimat, mataas ang ratings namin. I must admit nung una kinabahan ako for Pepeng Agimat, it's my first Ramon Revilla remake, so mataas ang expectations ng tao. Hindi ko inaasahan pero ang taas ng ratings namin, so I'm very thankful. Actually, na-extend na nga kami, may Book 2 na. So dapat naman sumunod na sila Coco [Martin] and Jake [Cuenca] and I'm sure magiging mataas din ang ratings nila. First of all, magaling ang director namin. Ikalawa, ang gagaling ng mga artista," saad ni Melissa.

0 comments:

Post a Comment