Your Ad Here

Thursday, January 28, 2010

GMA-7 executive Wilma Galvante denies report that she is transferring to TV5


Nilinaw na ng GMA-7 executive na si Wilma Galvante ang ilang linggo nang usap-usapan tungkol sa umano'y balak niyang paglipat ng TV network.



Lumabas kamakailan sa ilang tabloid report, at noong January 25 sa "Cocktales"column ni Vic Agustin sa Manila Standard Today, na lilisanin na raw ng Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA-7 ang Kapuso Network upang maging consultant ng TV5.



Upang alamin kung may katotohanan ang report na ito, nakausap ng editorial director ng Summit Media na si Jo-Ann Maglipon si Ms. Galvante mismo sa isang phone interview kahapon, Jan. 27.



"There is no truth to that," mariing pahayag ni Ms. Galvante. "We just came from a management summit conference, where we consolidated our plans for GMA-7, where we did strong planning for the network. Personally, I'm surprised that this has come out because there is no such talk within the network."



Matatandaan na ang TV5 ay agresibo ngayon sa paghahanap ng mga opisyal, tauhan, at artista para sa mas malawak na plano para sa network. Nagsimula ang pagpaplano nang mapasailalim ang network sa bagong pamumuno ng kilalang businessman na si Manny V. Pangilinan.



Iyon ang isang dahilan na nakikita ni Ms. Galvante kung bakit may lumalabas na ganitong usap-usapan tungkol sa kanya.



Aniya, "Siguro 'yang speculations tungkol sa transfer ng mga tao ay dahil offers were made to officers and talents to make transfer. But I am not one of them who will move out of my network. I will not transfer. I have unfinished business here. I have invested too much in this network for me to leave now.



"I'm surprised na maraming speculations as though people were in the know about what's going on in the network. In fact, we have no releases to that effect. We have no internal issues. We are solid, we are organized. We've just come from a management conference where we consolidated."



Pahayag pa ni Ms. Galvante, imposible rin na galing mismo sa kanya ang mga impormasyong lumabas sa ilang artikulo dahil walang sinuman siyang nakausap tungkol dito.



"Doon sa mga lumalabas na speculations sa tabloids, may quote pa ako! " nagtataka niyang sabi. "Wala naman akong kinakausap at wala namang kumakausap sa akin. Wala naman akong pinagkuwentuhan, so hindi ko alam. Wala 'yan, wala 'yan. Itong huli [Vic Agustin's column], wala namang tumatawag. Itong huling nagsulat ng column na ito, hindi naman tumawag 'yan."



Bukod sa mga balitang paglipat ng network, may mga hinuha rin na kung sakaling umalis si Ms. Galvante sa GMA-7, papalitan siya ni Ms. Annette Gozon-Abrogar, GMA Films President at anak ni GMA-7 Chairman, President and CEO Felipe L. Gozon.



"Annette Gozon has always been involved in how we produce the shows," maikling pahayag ni Ms. Galvante ukol dito.



Kaugnay ng isinulat Mr. Agustin sa kanyang column, nagpadala ng sulat sa kanya ang Corporate Communications head ng GMA-7 na si Butch Raquel upang pabulaanan ang report. Wala rin daw basehan ang isinulat niyang papalitan ni Ms. Gozon-Abrogar si Ms. Galvante.

0 comments:

Post a Comment