Your Ad Here

Wednesday, December 23, 2009

Annabelle Rama and son Richard Gutierrez consider DOJ decision on case vs. PEP as early Christmas gift


Isang maagang Pamasko para sa mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez ang resolution na inilabas ni Justice Secretary Agnes Devanadera, kung saan ni-reverse nito ang pagkaka-dismiss ni Associate Prosecution Attorney Mary Jane Sytat sa libel complaint na isinampa ni Richard laban sa editors at isang writer ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang ibig sabihin nito ay maaari nang isampa ng Makati City Prosecutor ang libel case kina PEP Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon, Managing Editor Karen Pagsolingan, at Staff Writer Ferdinand Godinez.

Sa magkahiwalay na panayam kina Richard at Annabelle sa Showbiz Central ay ipinahayag nila ang kanilang kasiyahan sa naging desisyon na ito ng Department of Justice (DOJ).

"EARLY CHRISTMAS GIFT." Sa taped interview kay Richard, sinabi nito: "Finally, nasa tamang lugar na yung kaso and parang early Christmas gift na rin sa akin dahil nga sa dami ng pinagdaanan ko, pati na sa mga kaso against PEP... I've been shoved and pushed around too much. Now, finally, mabibigyan ng tamang daan iyong kaso."



Inaasahan naman daw ni Richard ang pagpa-file ng PEP ng motion for reconsideration sa panibagong desisyon na ito ng DOJ.



"It's not a surprise to us that they're going to try every single move they can to get away from the case," sabi niya. "Pero ngayon, masaya na ako na finally nakita ng DOJ na may probable cause 'yong ginawa ng PEP sa akin. So, I'm very happy and I'm thankful sa DOJ dahil yun nga, nasa tamang lugar na iyong kaso.



"Ngayon kasi, parang biglaan ang decision. Kakarating lang din sa amin 'yong decision, so hindi pa napag-uusapan ang bagay na 'yan. As of now, kung ano ang nangyayari sa court, 'yon muna ang hakbang namin."



"PINAKAMAGANDANG REGALO NG DOJ." Hindi naman mapagsidlan ang kaligayahan ni Annabelle sa live interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central kaninang hapon, December 13.



"Alam mo, Pia, hindi ako makatulog mula noong Friday [Dec. 11]," simula ng Gutierrez matriarch. "Ang pamilya ko, haping-happy kami. Ito na ang pinakamasaya kong Pasko at ito ang pinakamaganda kong regalo, sa amin, ng DOJ. Maraming-maraming salamat na-review ang aming kaso.

"Talaga naman mananalo kami, alam ko dahil talaga namang iyong istoryang ginawa nila [PEP], imbento naman talaga 'yon. Walang nangyaring tutukan, walang nangyaring gulo, anak ko nakaupo lang sa party. So, talagang puro imbento ang kuwentong iyon at nagso-sorry naman sila, pero sorry nila hindi direct doon sa istorya nila.

"Kasi sabi ko naman sa kanila na mag-public apology lang, sabihin na nagkamali ang writer sa pagsulat, wala talagang demandang mangyayari... Ayos na, walang demandahan na mangyayari, ayos na. Madali akong kausap, 'day. Alam mo naman mga Bisaya, mababait naman kausap, di ba?

"E, hindi nila ginawa 'yon kaya nagalit ang anak ko," patuloy ni Annabelle. "Sabi ni Richard na masyado na naapakan na naman ang kanyang pagkatao niya, iyon talagang sobrang pag-imbento. At besides that, hindi pa sila tumitigil kakasira kay Richard at ang dami nilang kuwentong hindi maganda, ang dami nilang mga kuwentong imbentong kuwento na hindi ko na lang sinasagot para hindi lumaki ang issue. Kaya wala akong sinasagot.

"Ngayon nagpapasalamat ako sa DOJ, sa desisyon na ginagawa nila. Maraming-maraming salamat."

Tinanong ni Pia si Annabelle tungkol sa planong pagpa-file ng motion for reconsideration ng PEP.

"Bahala na lawyer ko diyan, 'day. Mahirap magsalita tungkol sa mga ganyang kaso-kaso. Wala akong alam, mamaya ako pa mala-libel, e," sagot ng ina ni Richard.

ANNABELLE'S "CONSPIRACY THEORY." Ayon kay Pia, marami na raw ang "naka-offend" kay Annabelle at nagkaayos naman sila ng mga ito eventually. Pero bakit raw sa kaso nilang ito sa PEP ay hindi sila nagkaayos?

Sagot ni Annabelle, "Si Jo-Ann Maglipon kasi at saka si Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7] magkabarkada, mag-best friend. Silang dalawa ang may kagagawan pabagsakin si Richard. Kakampi naman ni Richard ang Sto. NiƱo ko sa Cebu. Kakadasal ko araw-araw, sabi ko na 'wag hayaan si Richard, huwag sana pagbigyan iyong mga tao sa likod na gusto [siyang] pabagsakin, huwag maging successful. Itong regalo ay binigay sa akin ng Diyos ngayon.

"Kaya alam mo, Jo-Ann, nanonood ka sa akin ngayon, magkaibigan tayo. Ako bilib sa iyo, 'day. Mabait ka, maka-Diyos ka. Hindi ko alam bakit nagbago ugali mo bigla. Naging devil ka na rin tulad ni Wilma Galvante, 'day. Kaya sabi ko na, Paskong-Pasko, Jo-Ann, dapat pagsisihan mo lahat ang mga ginagawa mo sa anak ko na hindi totoo. Pati buong pamilya ko, sinisiraan mo sa PEP. Wala kaming kalaban-laban sa inyo, e. Wala kaming kalaban-laban. Hawak mo yung Internet na 'yan!"

Singit ni Pia, "A, Tita, kay Jo-Ann Maglipon lang tayo at sa PEP muna, ha?

Buwelta naman ni Annabelle kay Pia: "Takot ka ba kay Wilma Galvante?"
Sagot ni Pia: "Hindi naman, Tita Annabelle. Nasa GMA naman po tayo."



"Kaya nga sinasabi ko lang ang totoo," sabi naman ni Annabelle.



"PEACEFUL AKONG TAO." Pagkatapos nito ay binanggit ni Pia kay Annabelle ang sinabi ng kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez sa umpisa ng Showbiz Central. Ang wish daw ni Raymond ngayong Pasko ay maging "peaceful" na ang magkabilang kampo, pero kailangang mag-apologize ang PEP.



Tanong ni Pia kay Annabelle: "Maybe you should reiterate kung paano masu-solve ito at magiging peaceful ang lahat ng kampo sa issue na ito."



"Ako, Pia, peaceful akong tao, Pia, e," sagot ni Annabelle. "Ako, hindi ako nag-umpisa ng laban, e, hindi. Never pa sa buong buhay ko na nag-umpisa ako ng away... Ako talaga, wala akong ginawang umpisang kaaway. Sila nag-umpisa sa akin. Ako naman, sumasagot lang naman sa mga binabato nila sa akin.



"Hindi kami magkaaway ni Wilma Galvante, siya nag-umpisa sa akin. Dinemanda niya ako, ako'y sumasagot lang naman, Pia, e. Hindi kami magkaaway ni Jo-Ann Maglipon, siniraan niya anak ko. Talagang sira na below the belt, na talagang anak ko hindi na makaka-accept sa ganoong klaseng paninira kaya siya nag-file ng demanda."



Paano kung mag-public apology ang PEP o si Jo-Ann Maglipon, payag ba silang iurong ang P25-million libel case na isinampa ni Richard?



"Hindi ako makapagdesisyon niyan. Dapat buong pamilya ang tatanungin tungkol diyan dahil damage has been done. Sobrang paninira na below the belt na ang ginagawa nila at wala silang katigil-tigil. Kaya pag-uusapan ng buong pamilya 'yan. At saka si Richard ang magdedesisyon, hindi ako," aniya.

Tinanong ni Pia si Annabelle kung wala bang effort mula sa kampo ng PEP na makipagbati?

"Wala naman din. Kaya as of now, tuloy ang laban," sagot niya.

0 comments:

Post a Comment