Friday, March 12, 2010
Pacman shoes, mabibili sa halagang US$1100
Ikinuwento ng isa nating kababayan mula sa Arlington, Texas na mainit ang pagtanggap ng audience kay Manny Pacquiao nang dumating ito sa malawak na The Dallas Cowboy Stadium noong Miyerkules nang hapon (Thursday morning sa Pilipinas) para sa presscon ng laban nila ni Joshua Clottey.
Mula sa LA, lumipad si Manny sa Dallas noong Lunes at dahil sa kanyang hectic schedule, idinaos ang send-off party sa private terminal na malapit sa international airport ng Los Angeles. Isang chartered plane na may nakalagay na Pacquiao 1 ang sinakyan ni Manny at ng kanyang entourage, papunta sa Texas.
Meanwhile, available na sa Nike stores sa Amerika ang limited edition ng Manny Pacquiao training shoes.
Tumawag kami kahapon sa Wilshire Beverly Hills branch ng Niketown para alamin ang presyo ng Pacman shoes. Sinabi ng Niketown personnel na mabibili sa halagang US$1100 ang Pacman training shoes at US$80 ang selling price ng Pacquiao jackets.
May pitong stars ang Pacman shoes dahil nire-represent nito ang pitong boxing title ni Manny.
Tulad ng nakagawian pagkatapos ng mga laban niya, magkakaroon si Manny ng after-fight party at kakanta uli siya, kasama ang kanyang banda.
Sa presscon ng laban nila ni Clottey, nagkuwento si Manny tungkol sa kanyang kandidatura, singing career, at ang band rehearsals nila para sa after-fight party.
Ikinuwento ng isang eyewitness na kalmante at puno ng kumpiyansa sa sarili si Manny sa presscon na kapwa nila dinaluhan ni Clottey.
Labels:
Manny Pacquiao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment