Your Ad Here

Wednesday, March 10, 2010

PACQUIAO AYAW MAGTIWALA


Buo ang kumpyansa ni world’s pound-for-pound king Manny Pacquiao sa kanyang sarili, pero ayaw niyang magtiwala sa maaaring ibigay na laban sa kanya ni African Joshua Clottey sa kanilang paghaharap sa ‘The Event’ sa Marso 13 (Marso 14 sa Manila) sa Dallas Cowboys Stadium dito.


Masaya at puno ng kumpyansang dumating dito si Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, trainer na si Freddie Roach at marami pang miyembro ng Team Pacquiao sakay ng chartered plane bandang alas-diyes ng gabi.


Handang-handa na ang boksingero sa kanyang laban. Pero, mas pinaghahandaan umano niya ang ginawang ensayo ni Clottey, na makikita pa lamang niya sa sandali ng kanilang laban.


“Ako, walang duda, kundisyon na ako, handa na sa laban, ilang araw na lang, bakbakan na,” wika ni Pacquiao. “Pero, hindi ko alam kung anong laban ang ibigay ni Clottey sa akin, kaya ‘yun ang aaba­ngan ko.”


Kung pagbabasehan ang pustahan para sa kanilang laban, lalong lumalaki ang bentahe ni Pacquiao sa pagi­ging liyamado, at noong Linggo, umabot na sa -800 na pabor sa Filipino ring icon ang odds, kumpara sa +550 para kay Clottey.


Ibig sabihin, ang pustang $800 kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100, habang ang $100 na pusta kay Clottey ay kakabig ng $550.


“Kahit naman liyamado ako sa laban, hindi ako nagkukumpiyansa, boksing ‘yan, susuntok ang kalaban, naghanda rin ang kalaban, kaya mahirap magpabaya,” sambit pa ng 32 anyos na pambato mula sa GenSan.


Idagdag pa rito ang umano’y mahilig na pang­he-headbutt ni Clottey sa bawat laban, gaya ng ginawa kay Miguel Cotto.


“Kaya kailangan kong mag-ingat, iba kasi kapag me putok ka sa laban, parang nag-iiba ang galaw mo, pati fight plan nababago, kaya dapat ingat,” dagdag pa ni Pacquiao.


Kabaligtaran naman ito ng kanyang trainer na si Freddie Roach, na hindi binibigyan ng tsansa si Clottey laban kay Pacquiao.


Sinabi ni Clottey sa isang panayam, na matibay ang kanyang panga kaya’t hindi pa siya nakakatikim ng knockout , bagama’t may ilang talo na siya.


Pero, para kay Roach, kahit matibay ang panga ni Clottey, mahina naman aniya ang bodega nito.


“Yeah, he has a hard chin, that’s why we studied and look for his body as target,” komento ni Roach.


Ayon pa kay Roach, walang bagay na ginagawa o ginawa si Clottey sa ensayo nito na maaaring tumakot kay Pacquiao.


“Nope, [he doesn’t scare us]. He’s very predictable. We know every move he makes. We’ve studied him for the last month. I’m tired of watching Clottey, but I’ll maybe watch a bit more so I don’t miss nothing,” wika pa ni Roach sa isang boxing website.

0 comments:

Post a Comment