Your Ad Here

Wednesday, April 7, 2010

Juday at Claudine, tuloy ang bombahan!


Initial telecast ng dramaserye ni Claudine Barretto sa GMA7 sa Sabado na ang unang kapareha niya sa tapusang episodes ay mismong mister niyang si Raymart Santiago. Pero dahil sa pagmamahal ni Gret­chen Barretto sa sister niya ay sasabayan niya ito ng MMK naman niyang kabit ng isang pari ang role niya.


Well, magtapatan man ang magkapatid na Barretto, sigurado namang isang victory for the Barretto clan ito dahil na-conquer ng magkapatid ang dalawang mag­kalabang network na GMA7 at ABS-CBN.

Na bihirang mangyari at ngayon lang mangyayari sa year 2010.


Marami naman ang nagtaka at nagulat kung bakit nanduon daw kami sa presscon ng Claudine? Bakit naman hindi? Eh suki naman ako ng lahat ng GMA presscons. Bakit maiiba pa ang kay Claudine? In fact, alas-kuwatro pa lang ng hapon ay nanduon na ako sa I-Republik where I had a meeting with Dindo Fernando’s widow Cory na sabik na akong makita uli after almost ten years na ‘di kami nagkita.

Doon namin pinalipas ang oras hanggang sa umabot kami ng 7:00 pm at naglakad na lang ako patungo sa Events 55 place kung saan idinaos ang solo presscon ni Claudine.


Nu’ng araw na ‘yun ay lumabas sa mga pahinang ito ang tungkol sa magkapatid na Barretto at ang hiyaw ng isang Juday fan na tantanan na ng mga Barretto si Juday. Akala pala ni Claudine ang presence ko doon ay may war freak stand. Ninerbyos daw si Claudine nu’ng makita ako. I was out smoking nu’ng pasalamatan daw ako ni Claudine over the microphone kaya ‘di ko nadinig ang mga sinabi niya.


Well, my presence sa presscon ni Claudine was nothing special except to prove to our colleagues in the writing field that nothing is ever personal sa mga birada namin sa mga artista kundi isang paalala ‘yun na its up to them kung pakikinggan nila o hindi.


Sundin man nila ang mga payo namin o hindi, it does serve others na ‘di namin pinatutungkulan pero nakagawa ng katulad na pagkakamali and thus repent and mend their ways.


Nu’ng mainterbyu naman ako with came­ras na nakatutok sa amin ni Claudine, ipinaliwa­nag ko namang alaga ko noon ang sister niyang si Gretchen nu’ng maliliit pa sina Claudine at Marjorie Barretto.

Kami ng mommy Inday nila at daddy Mike ang magkatsika.


Binanggit ko pa nga na nakasabay ko sa airport sina Inday at Mike Barretto nu’ng papunta kami ng London at madalas kaming magkita ni Mike sa Subic Bay International Hotel during the time na may business pa siya doon till 2007.

When I saw Claudine’s dad ay masigla na ito and healthy mula sa pagkakasakit niya.


Kahit ang mga fans ni Claudine desires to fight with Juday’s fans, I know na natural lang ‘yun sa mga fans, ang ipagtanggol ang idolo nila at ipag­yabang. Nangyayari din ‘yan sa tunay na buhay sa mga lalaking may kanya-kanyang syota na gusto eh mas maganda ang isa kesa doon sa syota ng bes­pren.


Ako naman ay tumanda na sa piling ng nagbabangayang mga fans mula pa kina Nida Blanca vs. Gloria Romero, Amalia vs. Susan, Nora vs. Vilma, Maricel vs. Sharon, hanggang kay Juday.


Natural lang sa local showbiz na dapat may katapat o kalaban ang isang artista para pag-usapan, pagtalunan, pag-awayan para mas sumikat at manatili sa public attention. The more na pinag-uusapan at pinag­tsismisan ay lalong nananatili sa public eye. Kundi na pinag-uusapan at pinagkukumpara, ‘yun ang panahong nakakatakot na dahil araw ng pag­lubog na ng buwan!


Nanduon si Raymart Santiago na sorpresa pala ang presence dahil nang tanungin ko si Claudine kung nasan si Raymart eh sinagot niyang nasa bahay raw at nagbebeybi sit. ‘Yun pala eh may surprise appearance si mister kasama ng mga anak nilang sina Sabina at Santino.


Nilapitan kami ni Ray­mart na komo la­king-showbiz ay hindi namersonal sa anumang isinulat namin laban sa misis niya. Raymart also grew under our very eyes dahil kaibigan namin ang ama niyang si direk Pablo Santiago at ka-mahjong namin ang mother niyang si Celing (Cielito Legaspi na dating artista ng Larry Santiago Productions, Larry being the brother of Pablo), so may malalim na pinagsama­han din kami ng mga Santiago.


Si Randy Santiago nu’ng nag-aaral pa ay nainterbyu din ako sa first talk show kong “Star Ka!” nu’ng 1980 na kaila­ngan daw sa isang subject niya in school. At si Ro­well naman ay naging alaga rin namin during his romance with Sharon Cuneta sa Viva Films. So what is there to fight about? I know where Juday stands at kung saan ang lugar naman ni Claudine.


Sorpresa rin pala ang message ni Juday for Claudine, eh nabanggit ko agad kay Claudine kaya ‘di na ito nagulat, pero ina­bangan niya ang sinabi ni Juday. So, all is well that ends well ba? Hindi pa. Active pa sina Juday at Claudine kaya wala pang katahimikan sa paligid at magpapa­tuloy pa rin ang bombahan.


Sa lahat ng mga presscons na dinaluhan ko, that was the only time na kami na lang nina Claudine at mga bossing ng GMA7 ang naiwan sa venue. Kahit na presscons pa ni Juday ay maaga akong tumatakas. First time lang ako hindi kinati ang mga paa para tumakas na. I even told Claudine na ‘yung mga floral arrangements na iniuwi ko ay iaalay ko sa altar ni Sto. NiƱo at Nazareno para ang dramaserye niya ay ma­ging toprater ng GMA. It will only happen kung susuportahan din ni Claudine ng dasal ‘yun para mas ma­ging epektibo ang alay namin sa ating Panginoong Diyos!


Oh ano, mas epek­tibo ba ang drama namin kesa Claudine dramaserye ng gabing ‘yun? Kaya abangan sa Sabado ng gabi ang pagsisimula ng bagong kabanata sa buhay-artista ni Claudine Barretto sa GMA.

Okay ba kai?

0 comments:

Post a Comment