Monday, April 12, 2010
Sige Gretchen, talbugan mo ang akting ni Claudine!
TINUTUKAN namin ang premiere telecast ng Claudine ni Claudine Barretto last Saturday at mas nauna itong umere kesa sa episode ni sister Gretchen sa Maalaala Mo Kaya?
Gayundin ang paglabas ng teen housemates sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother. For lack of better things to do on a Saturday night dahil maaga ang lakad namin kahapon, Linggo.
Sa eksenang nanliligaw na si Jomari Yllana sa role niyang pari na na-in love sa may dalawa nang anak na ginampanan ni La Greta ang inabutan namin sa MMK nang maglipat kami. Sa kabuuan, mas mahaba ang MMK kumpara sa Claudine na mahigit isang oras lang tumagal.
Aling drama ang mas maganda? Sino ang mas magaling sa Barretto sisters? Hmmm… Hindi kami critic pero kahit paano, may mas angat sa dalawang shows pero pagdating sa aktingan, magkaiba ng atake ang sisters, huh!Pagdating sa production values, obvious ang angat ng MMK. Hindi tinipid pagdating sa locations. Marami ring supporting cast at kahit kay Greta nakasentro ang kuwento, may nga conflicts pa rin in between kaya kahit luma na ang kuwento tungkol sa babaeng na-in love sa isang pari, nabigyan naman ito ng bagong twist nang i-harass ni Jom ang anak na bagets ni Gretchen na sa bandang huli, pinatawad ng huli upang magkaroon ng katahimikan ang anak na nilapastangan.
Hindi man ipinakitang nagbigti si Jom, naloka lang kami sa eksenang ‘yon dahil parang paa ng babae ang nakabitin, huh! Hindi naman si Gretchen ‘yon dahil siya ang nagbasa ng iniwang sulat ng nag-suicide na asawa, huh!
Sa part na ‘yon nakulangan kami sa Claudine. Kokonti lang kasi ang cast kaya iilang tao ang nakikita sa bawat eksena. Kung hindi sina Claudine at Raymart, sina Isabel at Raymart o Isabel at Claudine ang nasa frame. Eh, si Matet de Leon na friend ni Claudine, ang role ay pasulput-sulpot lang!
Pagdating sa kuwento, very predictable dahil tungkol sa minahal na asawang nagkaroon ng sakit na Alzheimer ang kuwento! So ganoon lang ‘yon. Tumatak lang sa amin ang dayalog ni Claudine sa mother in law niyang si Isabel na, “Siya (Raymart) lang ang nakalimot, ako hindi!”
Limitado nga lang ang kuwento at konti lang ang conflicts. Ang naging feeling lang namin after watching it, ginawang drama ang version ng 50 First Dates nina Adam Sandler at Drew Barrymore! Sa halip kasi na gawing komedi ‘yung mga eksena, drinama ito at sa halip na videos ang ginamit ni Claudine sa pagpapaalala kay Raymart ng happy moments nila, mga pictures ng masasayang araw nila!
Pagdating sa aktingan, mas suwabe ang atake ni Claudine sa role. Kumbaga, restrained ang acting niya na very Nora Aunor, huh! Hindi naman kasi kailangan ng hysteria dahil limitado ang role niya.
Hindi kagaya ni La Greta na demanding ang role niya. Hysterical at restrained acting ang ipinamalas niya at may moments din siyang epektibo, huh! Hirap nga lang siya sa ilang Tagalog dayalog dahil hindi niya ito nasasabi nang tuwid.
Unlike Claudine na effortless sa madadramang dayalog, huh! Mas madali nga lang matandaan ang acting ni Gretchen dahil binigyan talaga siya ng maraming eksena na kailangan ng aktingan. Para bang gustong iparating ng nasa likod ng MMK na, “Sige, Gretchen, talbugan mo ang acting ng iyong younger sister! Last chance mo na itong MMK! ” Ha! Ha! Ha!
Hayan, hindi talaga napigilan ang sabong ng Barretto sisters nu’ng Sabado pero patikim pa lang ang nangyari nu’ng Sabado. Mas lamang nga lang si Claudine dahil 26 weeks tatakbo ang anthology niya habang si Gretchen, hindi pa alam kung kelan ipalalabas ang kanyang teleserye!
Labels:
Claudine Barreto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment