Thursday, March 18, 2010
Lahi ni Ramon Revilla Sr., iisa ang hulmahan
ANG pa-meeting ni Mother Lily sa mga showbiz reporters for Bong Revilla na kandidato for another term sa senado nu’ng Martes nang gabi ang itinuturing kong pinakamasayang meeting namin with the Revillas. Kumpleto kasi ang pamilya (minus Ramon Sr. siyempre), na mula sa mga pamangkin ko hanggang apo sa tuhod.
Nanduon ang pamangkin kong si Bong, ang mga apo kong sina Bryan at Jolo at apo sa tuhod na si Gab.
Bagay na bagay kay Gab (na apo namin ni Osang Roces) ang pangalan niya dahil he’s a gab talaga - madaldal.
And he knows everybody. Sa tanong ko kung sino si Bong, sagot niya, “lolo ko”. At si Jolo? Daddy raw niya. Si Bryan? Uncle raw. Eh, si Ram? Uncle din daw. Eh si Rosanna? Lola raw.
Nakita ni Gab ang palawit kong Tiger at hiningi niya. “Sa akin na lang ‘yan, Tiger kasi ako,” ani ng cute na cute na si Gab.
“Hinde, Dragon ka,” paalala ng sister ni Jolo.
“Sige, huwag na,” sambit naman ni Gab.
But just the same, hiningi na nu’ng bata at tinanggal ko na sa leeg ko at give ko na kay Gab ang 3D ng Tiger.
I reminded Jolo na hindi puwedeng pagsabayin ang love and career. Look mo, wala kang girlfriend ngayon kaya nag-improve ang acting mo kaya ang galing-galing mo sa “Agimat” at lumevel ka na sa akting ni Coco Martin. Natawa lang ang junior playboy.
Bong Revilla has never changed a bit since his age as Jolo’s. Matandain din siya.
“Si Tito Alfie ang nag-initiate sa pagbabati namin ni Tita Cristy,” ani Bong sa mga reporters na nakapaligid sa amin ni Mercy Lejarde.
Kinuwento ko sa mga reporters na sinabihan ko ang mga suki kong Muslim ng pirated DVD na para hindi na sila maya’t maya ay nire-raid ni Bong, eh, iboto nila si Bong sa senado ng mapalayas na sa OMB.
Which they did hanggang Mindanao kaya until now number one pa rin sa survey sa senado si Bong.
Eh papaano namang mae-elect ang pumalit sa kanya sa OMB na si Edu Manzano eh siya na mismo ang nag-resign at ibinigay na kay Ronnie Ricketts (na napakatahimik naman) ang pagiging OMB chairman.
Inunahan pa niya kasi ang mga botante, eh! ‘Yan ang nangyayari sa hindi kumukunsulta sa opinyon ng mas nakakaalam, eh! Hahahaha!
Kaya win or lose daw, ayaw na sa showbiz ni Eduardo! Ows?
Babalik na siya sa US Army? At kay Rina Samson?
Napapansin ko na siguro nga Donita na agaw-eksena ako sa mga preskons ‘pag ako ang pinagsalita.
Kasi ang mga hiningan ng munting anekdota tungkol kay Bong Revilla eh ang mga Cassandras-come-lately lang. Unlike us na mula sa history ni Ramon Revilla Sr., ay updated ako mula sa pagkakaroon ni Ramon Sr., ng isang bar sa Angeles City, Pampanga noon hanggang sa nagsama na sila ng dating artistang si Azucena Mortel na wala isa man sa mga reporters na nanduon sa presscon na `yon ang nakaalala na artista dati ang mommy ni Bong under the screen name of Aurora Ortiz yata? That is if my memory still serves me right.
Nakita ba ng mga reporters na ‘yan (including Lolita Solis) ang kabataan ni Bong Revilla mula pa sa “Inday Garutay” ni Trixia Gomez bago pa ang naalala ni Mother Lily na crush daw ni Bong si Maricel Soriano kaya madalas sa bakuran ng Regal ang tsinitong pogi noon.
Surely, ‘pag ako ang nagsalita eh tiyak na ako ang bida at matatapos ang preskon eh hindi pa ako tapos sa ikukuwento ko. Kulang na raw sa space si Donita kaya bukas ko itutuloy ang iba pang Bong Revilla revelations! At ang pagiging iisang hulmahan ng lahi nila!
Labels:
Ramon Revilla Sr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment