Your Ad Here

Wednesday, February 10, 2010

Jake Cuenca says he doesn't believe in courtship even though Melissa Ricks revealed he's courting her


Very challenging para kay Jake Cuenca ang role niya sa upcoming primetime series ng ABS-CBN, ang Rubi, na magsisimula na sa February 15. Bilang Alejandro, kakaiba raw ito sa mga usual roles na naibibigay sa kanya.



"I'll be playing the role of Alejandro, isang simpleng tao na walang hinangad kung hindi ang maibangon ang aking pamilya. Mahanap ang tunay na mamahalin kong babae. Pagdating dito, yun nga lang ang nag-iisang flaw ko kaya hindi kami nagkatuluyan ni Rubi [Angelica Panganiban] dito dahil simple at mahirap lang ako.



"First time kong mag-portray ng ganitong role na simple, walang bahid, walang kayabang-yabang. It's very challenging. E, at the same time, usually ang character na pino-portray ko, mayabang, gray. So, first time kong mag-portray ng character na sobrang pure, sobrang simple," paglalarawan ni Jake sa kanyang role.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) si Jake sa grand launch ng Rubi last Monday night, February 8, sa Eastwood Tent, Libis, Quezon City.



ANGELICA PANGANIBAN. Si Angelica Panganiban naman ang gumaganap sa title role at siyang love interest ni Jake sa serye. There was a time na nagkagusto si Jake kay Angelica. Kapag nagkikita o magkaeksena sila, ano ang nararamdaman ni Jake?



"Siyempre, kapag nasa set ako, in character ako. So, ang lumalabas, parang in love na in love ako kay Angel. At saka hindi naman mahirap i-portray yun, kasi nga, sa pinanggalingan namin noon.



"At the same time, ano ba ang hindi maganda kay Angel? Sobrang sexy, sobrang galing umarte. Sobrang bait na tao. So, kumbaga, ang daling mag-adjust. Ang daling i-portray ang role kasi nga matagal na matagal na kaming magkakilala at marami na kaming pinagdaanan," sagot ni Jake.



Minsan daw ay hindi rin maiiwasang nagkakabiruan sila sa set.



"Naglolokohan kami. Minsan, nagkakalaglagan kaming dalawa. Lalo na si Angel, mahilig makipagbiruan 'yan. Pero siyempre, katuwaan lang naman yun. Pinagtatawanan lang namin ang mga bagay na 'yan."



MELISSA RICKS. Kumusta naman ang relationship nila ni Melissa Ricks?



"Ano naman kami, kapag lumalabas kami, grupo kaming lumalabas. Hindi ko naman itinatanggi na lumalabas kami. Pero usually, kadalasan, may mga iba kaming kasama. Hindi naman masama yun, di ba? We have similar friends. Minsan nagsasama-sama kaming lahat."



May nakakita raw sa kanilang magkasamang magsimba? (CLICK HERE to read related story.)



Tumawa muna si Jake bago sumagot. Aniya, "Sa Sanctuario... Well, ano lang, hindi naman masamang magsimba, di ba? Siyempre, kung naiimpluwensiyahan mo naman ang isang tao na maging relihiyoso, hindi naman masama yun, di ba?"



Pero pinalagan ni Jake ang isyu na kesyo nakikita raw silang nagpi-PDA or public display of affection.



"Baka naman OA na yun. Unang-una, hindi naman ma-PDA na tao si Melissa. Pangalawa, ang sa akin naman, wala pa rin naman sa level na yun. Ang sa akin naman, baka naman dagdag na yun sa write-up. Ako naman, umaamin ako, lumalabas kami, group date, sa simbahan. Hindi naman masama," saad niya.



Pero nililigawan nga ba niya si Melissa?



"Tulad ng sinabi ko before, hindi ako naniniwala sa panliligaw," sagot ni Jake. "Gusto ko magkaibigan at sana magka-debelopan. At least, sa ganoong paraan, mas kilala niyo ang isa't isa."



Pero bakit sa interviews ni Melissa ay sinasabi nitong nanliligaw siya?



"Sa akin naman, klaro naman kaming dalawa. Hindi naman ako magsisinungaling. I admire her. She's a very beautiful lady. Yung panliligaw kasi, I don't believe that. I believe on being friends and then, sana magka-debelopan, di ba? So, at least, hindi kayo nagmamadali," paliwanag niya.



At this time, ano na ang status ng relasyon nilang dalawa?

"For me, we're very good friends. At the same time, focus kami sa trabaho," maikling tugon ni Jake.



May ibang ka-loveteam si Melissa in the person of Matt Evans. Sa ilang fans ng loveteam ng dalawa, puwedeng kontrabida ang dating ni Jake. So, ano ang message niya sa mga ito?



"Isa rin naman ako sa fans ni Matt at Melissa," aniya. "Isa rin naman ako sa tumatangkilik sa loveteam nila. At kung anuman ang proyekto, hindi ako mang-aagaw. Kumbaga, magkaibigan kami ni Matt. Siyempre sa akin, tulad ng MMK [Maalaala Mo Kaya], nanood ako, sobrang ganda. So, congratulations to the both of them."



SAM PINTO. Bukod kay Melissa, isa pang lumalabas na isyu kay Jake ay yung tungkol sa dating housemate ng Pinoy Big Brother Double Up na si Sam Pinto. Sa paglabas ni Sam ng Bahay ni Kuya ay sinabi nitong nanligaw sa kanya noon si Jake, pero hindi raw nito itinuloy.



Ano ang naging reaksiyon dito ni Jake?



"With Sam, nagkausap kami. Nag-apologize pa nga siya. Sabi niya, 'Uy, sorry, lumabas sa TV.' Sabi ko naman, 'It's no problem with me. Kasama sa industry 'yan. So, it's something that we have to get used to.' Tapos, nag-usap kami at sinabi ko naman sa kanya that I'm happy to see her again outside the PBB house. At the same time, masaya ako sa naa-accomplish niya at sana makatrabaho ko siya very soon, di ba? I like talking to her, seeing her. It's a breath of fresh air."



Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Sam?



"We dated...nag-date naman kami," pag-amin niya. "Lumabas naman kami ng ilang beses and we had a good time. Kumbaga, ang sa akin, nag-share din naman kami ni Sam ng something na hindi ko makakalimutan. At kapag nakikita ko siya, masaya naman."



Ilang araw na lang ay Valentine's Day na. May plano na ba si Jake para sa araw na ito?



"Naku, wala pa akong plano. Tuloy-tuloy po ang trabaho. Pero malayo-layo pa rin naman ang Valentine's Day, so tingnan natin," sabi niya.

0 comments:

Post a Comment