Your Ad Here

Wednesday, February 10, 2010

Ara Mina answers criticisms about her political interview with Mo Twister


Nitong mga nakaraang araw ay kumalat through YouTube at Facebook accounts ang video clip ng live guesting ng aktres at kandidato para sa pagkonsehal sa 2nd district ng Quezon City na si Ara Mina sa show ni Mo Twister sa ANC na I.M.O. (In My Opinion) noong January 12.



Sa video, ipinakita ang pagsagot ni Ara sa mga ibinatong tanong ni Mo. (CLICK HERE to watch video). Hindi naging maganda ang reaksiyon ng mga nakapanood ng video dahil sa mga sagot ni Ara.



Sa gitna ng patuloy na pag-circulate ng video at pagdami ng opinyon tungkol kay Ara, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara ng kanyang reaksiyon hinggil dito.



Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, sinagot ni Ara ang mga batikos sa kanya.



May mga hindi paborableng reaksyon mula sa mga nakapanood ng video ng interview mo with Mo. May mga hindi magandang opinyon na rin tungkol sa iyo dahil dito. Na kesyo sa hindi mo raw pagsagot nang malinaw sa mga ibang tanong sa iyo, nagpapakita lang daw na wala kang alam sa mga national issues.



"Thanks for giving me the chance to answer the issue kasi at the rate it's going, naging viral campaign na against me, which is unfair kasi nai-influence ang mga tao based on a video that has been re-edited.



"Una, I will not claim and I have never claimed na napakagaling ko or that I know everything about national issues. Kung ang tanong is that may alam ba ako? Oo. But in an interview na rapidfire ang pagtatanong, siyempre nag-iisip pa ako, bumabalanse at nag-a-assess kung ano [ang] implication ng sagot ko.



"For example: Am I for or against pre-marital sex? Ask me again and I will still give the same answer—Against. Bakit? Maraming kabataan na ang nakatingin sa akin ngayon, who will follow my example, who will take my answer seriously. Tama bang sabihin ko na yes, I am for pre-marital sex? Hindi. Kalat na kalat ngayon ang issue ng pagdami ng may HIV at AIDS na kabataan tapos sasagot ako na parang kino-condone ko pa?



"Susunod, are you for or against private armies? I said 'for' but sasabihin ko yung totoong nasa loob ko. Realistically po, kaya ba natin maalis ang private armies? Even dito sa bagong commission na tinatag nila, tingin mo po mawawala yung mga politiko o tao na natatakot ma-ambush o mapatay? Hindi. Alam niyo po, yung problema kasi during the interview, ang dami kong tinitimbang sa isip ko. At kahit sinong guest siguro dumadaan sa ganito—'tama ba o hindi?' 'Ok ba o hindi?' Hindi ibig sabihin noon, wala akong alam o wala akong pakialam.



"Ang problema ko lang po, hindi ako sanay sa political interviews. Pero yung husgahan ako na parang ang sama-sama ko na, ang sakit naman. Sana natanong ako sa issue ng [2nd] district like palupa, patubig o ano pa, para napakita ko [kung] ano yung alam ko. Ang sama ng loob ko is, kung bakit after almost one month after ko nag-guest, 'tsaka nilalabas ito? Obviously, may gustong manira sa akin. Imagine, halos isang oras yung show tapos nilalabas is a 3 or 5-minute video kung saan naka-highlight yung supposed pagkakamali ko.



"Alam niyo po, mapapansin naman sa video na nag-iisip ako, I was weighing my answers. Mabilis lang yung tanong at lalong naging mabilis tingnan when they re-edited the video. Grabe, kung hindi demolition job ito, ewan ko na. Nagtiyaga sila i-edit yung video, i-upload at ikalat kung saan-saan. Sana pinakita nila [yung] buong interview.



"Sana po naisip rin nila na mahirap masalang sa isang political interview lalo na't ingat na ingat ako na baka may masagasaan ako o matamaan ako."



May sama ka ba ng loob kay Mo o may pagsisisi sa paglabas mo sa show ni Mo?


"Regarding Mo, may nagsabi sa akin na days after the interview, nag-apologize siya sa radio program niya for helping me. Hindi ko alam kung anong tulong [ang] sinasabi niya. Pero di ba dapat lang, bilang host at ako bilang bisita niya, na alalayan niya ako at hindi lituhin? Bisita ako doon, tama lang na maging gracious o polite siya sa akin. Anyway, ayokong makipag-away sa kanya dahil useless naman, di ba? Pero sana yung mga nanglalait sa 'kin, sana isipin niyo, paano kung kayo ang nakaupo doon? Paano kung kayo ang nag-iisip pa lang pero may kasunod nang tanong? Madali humusga, pero paano kung kayo ang nakasalang?



"Hindi tama at hindi dapat na maging basis ang iisang interview para malaman kung magiging mabuting public servant ba ang isang tao. We all have off days, we all make mistakes. Wala namang perpekto. Pero yung husgahan ako, yung ikalat ang video na pinutol-putol after a month, yung i-upload at gawing campaign against me... Di ba, mali naman? Di ba, unfair naman? Again, di ko sinabi na napakatalino o napakagaling ko, pero alam ko ang ginagawa ko, malinis ang hangarin ko at kung isyu at isyu lang, may sagot ako."



Sa tingin mo, makakaapekto ba sa kandidatura mo ang isyung ito?


"Ang objective ng mga kalaban ko ay siraan talaga ako. In the last survey kasi, number one or two ako, kahit sa survey ng kalaban. May mga tao na gagawin lahat para pabagsakin ako. Pero kilala ako ng mga taga-district two. Simula pa noong 2001, nandiyan na ako, umiikot. Alam ko ang mga issue, alam ko kung ano [ang] nangyayari sa buhay-buhay nila. Alam ko din na hindi sila basta maniniwala sa paninira o sa isang tsinop-chop na video.



"To fix it, I will continue working hard. I will continue studying more, dahil alam kong marami pa akong matututunan and I will remain humble kahit ano pang batikos nila. Ipinapasa-Diyos ko na lang."



Ano ang mensahe mo sa mga taong tumutuligsa sa iyo dahil sa paglabas ng video mong ito?



"Sa mga naninira sa akin, sana hindi mangyari sa inyo ang ginagawa sa akin ngayon. Kung kayo po ang nasa posisyon ko, ano po kaya ang mararamdaman niyo? God bless pa rin po sa kanila."



Sa pagtatapos ni Ara sa kanyang mensahe, humingi siya ng paumanhin sa mahaba niyang pagsagot at inulit na "demolition job" talaga ang ginawa sa kanya, na ikinasasama niya ng loob.



HEARING IT FROM MO. Nauna nang nakausap ng PEP ang host ng show na si Mo Twister. Tinanong namin siya kung ano ang nangyari sa kanila ni Ara after the show.



"I made sure na okay siya after the show. Make sure she's fine," simulang kuwento ni Mo. "We talked about it a little bit on my radio show dahil ang dami ngang tumatawag sa akin. Pero it was just one of those things... You know, I don't know her mind, I don't know kung kinabahan siya dahil live or she was expecting to talk about showbiz and politics, and then nung ginawa naming national issues, medyo nabigla lang. I don't know..."



Pero hindi ba siya kinumpronta ni Ara after the show? Hindi ba ito nagtanong sa kanya kung bakit mga national issues ang tinanong niya rito?



"Why wouldn't I? You're running for public office, I'm not asking her about her sex life. I'm asking her about national issues that most politicians would have an opinion on. And I have not even met most of them. Ninety-nine percent of politicians I think would have an opinion on Martial Law and Maguindanao, or the Reproductive Health Bill, or the Visiting Forces Agreement. I think most people naman will have an opinion about that if you're running for public office. So, malay ko na she would not like to talk about that," paliwanag ng TV host-DJ.



Bago magpaalam, nag-suggest si Mo na ilabas muna ng PEP ang video, hayaang makita ito ni Ara at mag-react siya. 'Saka na lang daw siya sasagot pagkatapos magsalita ni Ara at kung may sasabihin nga ito tungkol sa kanya.

0 comments:

Post a Comment