Saturday, January 30, 2010
Christian Bautista gets offer to topbill soap opera in Indonesia
Tuloy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ni Christian Bautista. Simula nang lumipat siya ng recording company at ni-release ang kanyang Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan last November, halos pulos tagumpay na ang natatamasa niya.
Wala pang three months nang pag-release ay nag-double platinum ang Romance Revisited.
Kasabay nito ang pagpasok ng iba't ibang endorsements, the latest being ang Ink All-You Can. "Dream come true," ang turing ng mga may-ari ng ink refilling franchise sa kanilang first celebrity endorser.
Para kay Christian, isang paraan daw ito ng pagtulong niya sa kapwa Pilipino niya.
"Ako kasi, I'm using the product. It saves me and my family as well dahil mas cheaper, unlimited pa. So sabi ko, in whatever I do, I want to be of help sa mga Filipino. Sa panahon ngayon na ang hirap na ng buhay. So, kung makakatulong ako as endorser, sabi ko, tamang-tama because this is one product I can endorse to help them."
MAKING IT IN ASIA. Isa pang goal niya sa taong ito ay ang magtagumpay sa Asian scene, na mukhang nakakasatuparan na.
Masasabing isang household name na siya sa Indonesia. Sa katunayan ay inalok na siya ng isang TV outfit na maging lead sa isang teleserye doon.
"Hindi pa naman sure na sure yung soap na yun. Pero, nag-meet kami ng isang company. Yung company is Cinemark, yun ang pangalan nila. Cinemark has done 5,000 teleserye, 20 movies, so, talagang one of the leading production outfit sila.
"I'm excited kasi noong nag-promote ako sa maraming TV shows dun, parang they offered me, they wanted to meet with me. Pero yun nga, ang kondisyon, dapat marunong muna akong mag-Bahasa [ang lengguwahe sa Indonesia]...
"Ayoko rin naman na mag-teleserye ako run, tapos, buckle ako nang buckle, hindi ako sigurado. So, it's up to me kung gaano ako kabilis matuto."
Nagsisimula na raw siyang mag-aral ng Bahasa.
"Noong nandun ako, tanong na ko nang tanong. Unti-unti, minsan nagpo-form na ako ng words."
May idea na ba siya kung anong klaseng teleserye ito?
"Ang palaging gusto naman nila romantic teleserye. At gusto nila, dapat singer rin ako. Para hindi mawala yung identity ko as a singer. Kasi, dun naman talaga, kilala na ako as a singer. Kilala yung name ko, my songs... not so much face kasi hindi naman ako lumalabas sa TV run, more on my music talaga."
INTERNATIONAL ACTOR. Natawa si Christian nang sabihin namin na sa nangyayari, mukhang sa Indonesia pa yata matutupad ang pangarap niyang maging actor.
"Why not? It's a better offer. They pay well. And I'm an international artist there. Just the same kung sila ang pupunta rito, siyempre, mas malaki ang bayad, di ba?"
Magandang umpisa na nga ang Indonesia sa balak niyang ma-conquer ang Asian market. At three hundred million, third or fourth daw ito sa mundo sa laki ng populasyon
Pero kung sakaling meron ding mga opportunities sa kanya dito sa bansa, tatanggapin pa niya ang chance sa Indonesia ?
"Well, in business, who gave the first opportunity... get it if it's good. So, since wala pa namang offer, and someone's offering, very good, you go for it."
Dahil sa past relationship niya with Rachelle Ann Go, hindi rin nakaiwas si Christian na tanungin siya tungkol sa isyung sina Rachelle at Kian Cipriano na raw ay nagde-date.
Sey na lang ni Christian, "I've been gone for two weeks. Tatanungin ko siguro siya pagdating ko sa ASAP."
SPREADING LOVE IN INDONESIA. Wala naman daw siyempreng problema kung totoong the two are an item na.
"We're friends naman and I support her naman kung anuman ang ginagawa niya."
Idinepensa din ni Christian si Rachelle sa intrigang siya ang dahilan kung bakit nakipag-break si Kian sa girlfriend nitong si Arci Muñoz.
Ayon kay Christian, "Hindi siya ganun. Hindi siya basta-basta makikipag-break sa isang lalaki for another guy. Hindi siya ganun. At yung nang-aagaw, hindi rin po totoo yun, hindi siya nang-aagaw."
Binabase ito ni Christian sa pagkakakilala niya kay Rachelle noong mag-on pa sila, pero "right now, we don't really talk about the private stuff masyado kasi, it's weird," natatawa niyang sabi.
Weird din na hanggang ngayon ay si Rachelle pa rin ang tinatanong sa kanya, even though two years na silang wala. Wala pa kasi siyang naging sumunod na relasyon after Rachelle.
"I'm not like any other guy na maghahanap na lang ng kapalit. So, kung maghahanap man ako ng kapalit, yung seryoso palagi. Pangkasalan na yun," nakangiti niyang sabi.
Itong darating na Valentine's Day ay magko-concert siya sa Indonesia kasama ang Indonesian singer na si Bunga Citra Lestari.
Given the chance daw, puwede rin siyang ma-in love sa isang Indonesian.
Labels:
Christian Bautista
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment