Your Ad Here

Saturday, January 30, 2010

Gladys Reyes tells Judy Ann Santos what it takes to have a baby


Agaw-pansin ang suot na Chanel pearl necklace at earrings ni Gladys Reyes sa presscon ng bagong teleseryeng pinagbibidahan ni Judy Ann Santos sa Primetime Bida ng ABS-CBN na magsisimula sa Lunes, February 1, ang Habang May Buhay.



"Ah, eto? Ano, siyempre si Christopher [Roxas], pasalubong," eksplika agad ni Gladys.



Bukod sa Chanel necklace at earrings, suot din ni Gladys ang isang diamond-studded Bulgari watch. Kaya biniro siya ng mga taga-press na ang yaman naman ng mister niya.



"Hindi naman mayaman. Pasalubong ng asawa ko 'yan. Pinaghirapan ng asawa ko 'yan. Kami ay nasa sixth year na namin etong January 23. Pero all in all, hmm, 17 years na kami together. Eto na ang gifts niya sa akin," pagmamalaki ni Gladys.



Habol pa niya, "'Tsaka yung wallet ko. Binili niya ako ng, yun ang nag-iisang Louis Vuitton ko na wallet."



HUBBY BLINGS HOME THE BACON. Nanggaling si Christoper sa Tokyo, Japan kung saan nagtrabaho siya for two months. Baka raw inubos ni Christopher ang kinita niya abroad sa pagbili ng pasalubong sa misis.



"Hindi. Siguro naawa dahil nabaha nga kami," natatawang sabi ni Gladys na isa sa mga nasalanta ng bagong Ondoy noong Setyembre.



"Pero tanungin mo naman kung ano ang regalo ko sa kanya?"



Ano?



"E, di yung ano, kanyang dream car na vintage na ano, parang si Bumblebee sa Transformers. Kasi matagal na niyang gusto. Hindi yun brand new. Pero alam mo yung mga vintage? Mahilig kasi yun sa mga vintage car. 'Tsaka yun nga, parang ano nga, dream car niya yun. Isa yun sa dream car niya, Camaro 1977. So, ito po yung napapanod ninyo sa Transformers.



"Umuwi siya nung November 25," kuwento pa ni Gladys. "Two months lang talaga siya. Nagpunta siya ng Tokyo dahil unang-una, ang tita niya talaga doon na naka-base. May sariling resto, may sariling establishment doon. Kinuha siya ng tita niya para, ano lang, special participation kasi may bagong tinayo. So, parang kinuha rin siya at the same time bilang manager. Pero special ano lang yun, kumbaga, two months lang. Kaya umuwi siya. Umalis nung September."



END OF GEORGE AND CECIL. Nakapag-last taping na ang George and Cecil, ang series ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kung saan tampok din sina Gladys at Christopher.



Bakit matatapos na ang show?



"Unang-una, nakakalito, kasi best of friends kami doon tapos nagkyo-kyompalan kami sa Habang May Buhay, e, di kalituhan naman yun. 'Tsaka baka mamaya mawala na kumbaga yung pagkaano ng tao sa amin, 'Ay, nag-aaway talaga 'yan.' Or, 'Naku, hindi totoo 'yan kasi sa George and Cecil best of friends sila."



Hindi naman dahil mababa ang rating ng show kaya mawawala na ito sa ere?



"Ay, hindi! As a matter of fact, o! The irony of that, mataas nga raw po. Ang huli, binalita sa amin nina Direk Joey [Reyes] and Ms. LT [Linggit Tan, ABS-CBN executive], mas napaaga yung timeslot namin, mas maraming bata ang nakapanood. Mas maraming pamilya ang naka-relate. Kumbaga, yung exit namin graceful exit.



"Na-extend pa nga yun, e. Ang alam namin 13 weeks. Pero dahil sa feedback, lalo na nalaman ng tao nag-asawa na sina Judy Ann at Ryan sa totoong buhay, hinabaan nila nang hinabaan. Malay mo biglang magka-baby na sa totoong buhay sina Ryan at Judy Ann? Mukhang naririnig ko, sana parang gusto nilang ibalik. Part II ng George and Cecil. This time with baby na."



BABY TALK. Speaking of baby, ano naman ang tulong na ibinabahagi niya kay Judy Ann para magkaroon na sila ng anak ni Ryan? Tinuturuan ba niya ito ng teknik para magka-baby?



"Hindi siyempre. Tinuturo ko sa kanya, unang-una, siyempre kami ang babae, sa amin ipupunla 'yan kumbaga. Kaya dapat ang kahandaan niyan unang-una yung katawan mo. Handa dapat una yung katawan mo. Dapat healthy lifestyle. E, walang question naman about that [kina Ryan at Judy Ann].



"Ang isa pa siguro, kasi ako rin naman hindi basta-basta magbuntis, prayers din. Hindi ba nga nakunan ako nung una? Ako after that, natakot ako baka makukunan na naman. Di ba 'pag ganun repetition ang kunan, baka tuluyan hindi ka na magkaanak. So ako, may halong panalangin talaga.
"Sabi ko naman sa kanya, everything is timing. Parang itong Habang May Buhay, timing ang pagpapalabas din. Yung malay mo yung pag-anak nila, in God's perfect time darating talaga 'yan, lalo na na pareho naman walang diperensya ang katawan nila. Kasi rin naman sa rami ng trabaho nilang mag-asawa," tapos ni Gladys.

0 comments:

Post a Comment