Your Ad Here

Sunday, January 10, 2010

GMA-7 reportedly offering Ryan Agoncillo four shows in exchange for leaving TV5's Talentadong Pinoy


Iba't ibang pangalan ang nabanggit sa mga report tungkol sa offer ng GMA-7 para sa pag-host ng Season 3 ng Survivor Philippines.



Nabanggit sina Chris Tiu, JC Tiuseco, Paolo Abrera, at Dingdong Dantes sa diumano'y kinukunsidera bilang kapalit ni Paolo Bediones to host Survivor Philippines Season 3. Lumipat na kasi si Paolo sa TV 5 kung saan bukod sa paglabas sa TV ay may managerial position din ito sa naturang network.



Hindi nababanggit si Ryan Agoncillo as one of those being considered to replace Paolo gayong siya ang alam naming pormal na binigyan ng offer to host Survivor Philippines Season 3. In fact, isa lang ang naturang reality show sa maraming offers kay Ryan once pumayag siyang pumirma ng one-year exclusive contract sa Kapuso network.



Sa pagkakaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), in-offer din kay Ryan ang role na Andrew sa Pinoy adaptation ng Endless Love: Autumn In My Heart, na balik-tambalan nina Marian Rivera bilang Jenny at Dingdong Dantes bilang Johnny.



Kasama rin sa offer ng GMA-7 kay Ryan ang isang regular weekend News & Public Affairs program at isang game show.



Lahat ng offers ay matamang pinag-iisipan at pinag-aaralan ni Ryan. Ang kapalit nito'y iwanan niya ang top-rating talent show na Talentadong Pinoy ng TV5, na alam ng lahat na kasabay niyang nagsimula.



Tama kayang iwan ni Ryan ang Talentadong Pinoy kapalit ang four shows na in-offer sa kanya ng GMA-7 at exclusive contract for one year? Hindi ba siya lalabas na walang utang na loob sa TV5 dahil mas nakilala ang husay niyang mag-host nang kunin siyang host Philippine Idol at Talentadong Pinoy, at ngayon ay posibleng iwan niya para bumalik sa GMA-7?



In fairness, bagay kay Ryan ang title na "Pinoy TV's Crossover King" dahil siya lang ang bukod-tanging nakakapagtrabaho ngayon sa tatlong networks: ABS-CBN (George and Cecil), TV5 (Talentadong Pinoy), at GMA-7 (Eat Bulaga!).



Siguradong marami ang magre-react na si Ryan ang gusto ng GMA-7 na gumanap sa role ni Andrew sa Endless Love dahil wala rin siya sa list ng Kapuso viewers na gusto nila sa nasabing role. Ang pangalan nina Mark Anthony Fernandez, Wendell Ramos, at pati si Diether Ocampo ang sina-suggest ng viewers. Pero pare-parehong hindi puwede ang tatlo, lalo na si Diether na isang ABS-CBN exclusive talent.



Ang hindi alam ng fans, hindi ang Autumn In My Heart ang unang soap na in-offer kay Ryan. Kinunsidera rin siya sa isang mahalagang papel sa Captain Barbell dati.



Tingnan natin kung this time, matutuloy na ang pagbabalik ni Ryan sa Kapuso network.

1 comments:

Unknown said...

ryan agoncillo as pinoy tvs crossover king... interesting. pinoy tv is so dynamic. says the walking tvs :) http://bit.ly/bOhJQl

Post a Comment