Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

Richard, sobrang nag-enjoy kina Rhian, Lovi, Jennylyn at Sarah!


Bilang bahagi ng 60th anniversary celebration ng GMA7, isang matagum­pay at bonggang-bonggang trade party ang naganap noong Huwbes ng gabi upang ipakilala ang mga bagong programa nila na patuloy na pupukaw sa puso ng maraming mga Pinoy.


Ang trade launch na ginawa sa SMX Convention Center ay pinangunahan ng pinakabago, pinakaengrande at pinaka-hip na party event sa telebisyon at mapapanood ngayong Linggo sa Party Pilipinas.


Ang espesyal na selebrasyon na ito ay pinangunahan ng mga top executives ng GMA 7 na sina GMA Chairman, President and CEO Felipe L. Gozon,Executive Vice President & Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, GMA Marketing and Productions, Inc. President and COO Lizelle G. Maralag, Senior Vice President for Entertainment TV Wilma V. Galvante at Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa L. Flores.


Ang bonggang trade party ay sinimulan ng magagandang mga production numbers hatid ng Party Pilipinas members na sina Kyla at Jay-R, Mark Bautista, Aljur Abrenica, Frencheska Farr, Geoff Taylor, Kris Lawrence, Mark Herras, Sarah Labahti, Steven Silva, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Julie Ann San Jose, Barbie Forteza, Bea Binene at ang pinakabatang rapper ngayon na si Elmo Magalona, ang anak ng namayapang Master Rapper Francis M.


Mas lalong naging makulay ang kasiyahan sa pagdating ng cast ng top-rating at first-ever reality sitcom na Pepito Manaloto sa pangunguna ni Michael V kasama sina Carmina Villarroel, Manilyn Reynes at Joshua Pineda.


Humataw rin sa stage ang ace comedians na sina Allan K at Eugene Domingo na mga hosts ng pinaka­bagong late-night Saturday program na Comedy Bar. Nagkaroon naman ng da­ting game sa trade party sa pangunguna ni Jay-R para sa bagong programa niyang Take Me Out.


At matapos ang pamamayagpag ng mga primetime shows ng GMA7 sa unang bahagi ng taon, ipinakilala naman ang mga bagong de-kalidad na programang tututukan ng milyun-milyong manonood kabilang na ang Pinoy adaptation ng Korean series na Endless Love starring Marian Rivera at Dingdong Dantes.


Ang iba pang bagong programa na dapat aba­ngan sa GMA Telebabad ay ang Pilyang Kerubin, Langit Sa Piling Mo at Odessa, The Legend of the Swan Princess.


First time dumalo ni Claudine sa trade launch ng GMA, at mukha namang kumportable na ito sa mga taga-Siyete.Samantala, ipinakilala naman ng News and Public Affairs ang kanilang mga bagong programa tulad ng Aha! hosted by Drew Arellano at ang pinakaaabangang pagbabalik ng reality-based Survivor Philippines na pangungunahan ng Kapuso primetime actor na si Richard Gutierrez. At speaking of Richard, aba, abot-tenga ang ngiti niya sa production number niya dahil pinaligiran siya ng mga seksing girls na sina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Rhian Ramos at Sarah Lahbati. Kitang-kita nga sa smile ni Chard na nag-enjoy siya sa apat na girls, ha!


Idinagdag pa ng News and Public Affairs ang kanilang patuloy na paghahatid ng serbisyong totoo lalo na sa darating na presidential election sa pamamagitan ng Eleksyon 2010.


Ang Q Channel 11 naman na sister station ng GMA Network, ay nagpakilala rin ng kanilang mga pinakabagong programa tulad ng I Laugh Sabado, Sus Naman! May Solusyon Yan! at Tonight with Arnold Clavio.


Lalo pang nagpatingkad sa trade party ang production number na ginawa nina Marian at Dingdong na bukod sa pagkakaroon ng bagong primetime show ay bida rin sa pinaka­bagong offering ng GMA Films, ang You To Me Are Everything.


Mas lalong nadagdagan ang saya ng mga dumalo sa nasabing trade show dahil sa mga raffle prizes kabilang na ang IPADs, PSPs, iba pang electronic gadgets at ang dalawang brand new Mistubish Lancer na napanalunan nila Christina de Guzman-Lao ng Golden Arches Development Corporation at Rommel Pentinio of Starcom Mediavest Group.


Naging makulay rin ang buong SMX Convention Center dahil sa mga magagarang booths na punung-puno ng mga activities at mga artista hatid ng iba’t ibang programa.

0 comments:

Post a Comment