Sunday, April 11, 2010
“Ang sarap pala na binabastos-bastos ka!” -- Eugene Domingo
GRABE sa sunud-sunod or rather, sabay-sabay na shows meron si Eugene Domingo ngayon. Sa GMA-7 na lang, bukod sa pang-teen show na First Time at Comedy Bar, heto at reunited muli sila ng director na si Joyce Bernal para sa kiddie show na Wachamakulit.
First time raw ni Uge na mag-host ng game show na pambata.
“So, talagang pigil ako sa mga words, sa mga sasabihin ko dahil mga bata ang kasama ko, eh. Iba-iba rin ang moods nila, may kanya-kanyang drama pero nakakatuwa. Kapag nakita na nila ko, para na silang nakakita ng Santa Claus.“Pero maganda kasi, parang napaka-fresh naman this time ng ginagawa ko. Kumbaga, mga bagets-bagets naman,” sabi ni Uge.
Tawa nang tawa si Uge dahil puro bagets daw talaga ang nakapaligid sa kanya. Mula sa totoong “batang” bagets, mga “binatang” bagets naman ang kasama niya sa Comedy Bar, tulad nina Wendell Ramos at Brazilian Hunk na si Fabio Idel.
“Nakakahaba talaga ng hair! Kumukulot nang kumukulot ang buhok ko. Hindi lang sila mga guwapo, may sense of humor pa.”
Teka, ‘yung Hot Mama na show niya, sa lakas daw nito, parang gusto pang i-extend ng management, anong sey niya?
“Oo nga! Natutuwa nga ako. Parang dumami ang mga fans kong lalaki at masama ang tingin nila sa akin. ‘Yung tingin nila sa akin ngayon, Hot Mama! Ang sarap pala na paminsan-minsan, nababastos ka,” natatawa niyang sabi.
So, nararamdaman niyang may pagnanasa na sa kanya ang mga kalalakihan ngayon?
“Nararamdaman ko! Ang mga karpintero ngayon, iba na ang tingin sa akin. ‘Yung mga set man, panay na ang alalay sa akin. Ha! Ha! Ha!”
Sa sobrang busy raw ni Uge ngayon, wala na raw siya lalong time na asikasuhin ang lovelife niya. Hirit niya, ang schedule na raw niya ngayon ay trabaho, tulog, bangko.
“Trabaho, tulog, bangko and then, pautang, ah hindi, pamigay! Ha! Ha! Ha!”
So, paano na nga ang lovelife niya?
“Alam ng Diyos ang pangangailangan ng bawat isa at alam din niya kung kalian ibibigay. Siguro ngayon, ang pangangailangan ko talaga ay ibigay ang pangangailangan ng mga naghihintay ng entertainment at ng susunod kong ipapakita. So, doon tayo mag-focus. Tutal, binigyan naman tayo ng pagkakataon na aliwin ang manonood. Aaliwin ko po kayo. Doon na lang muna,” say na lang ni Uge.
Labels:
Eugene Domingo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment