Wednesday, April 7, 2010
Nora ayaw nang umuwi ng 'Pinas
Patagal nang patagal ang inaasahang pagbabalik ni Nora Aunor sa Pilipinas para sa promosyon ng kumpanya na nagbigay sa kanya ng make-over. Napakalaki ng pagbabago na naibigay ng make-over sa superstar. Talagang nagmukha siyang 10 years younger na hinihinala ng marami na siyang dahilan kaya na-boost ang confidence ni Nora. All of a sudden, kaliwa’t kanan ang tinatanggap niyang shows, at hindi lamang sa US at Canada. May mga pinag-aaralan pa siyang offers from other countries. Dahil dito, na-move na naman ang nakatakda niyang pag-uwi sa buwan ng Mayo na birthday month niya. Kung hindi June ay baka sa July na siya makapunta rito. Kailangang tapusin pa muna niya ang mga shows na tinanggap niya.
Naririnig ko ba ang buntong hininga ng mga Noranians? Matagal na silang naghihintay. Simula pa nung mga panahong naghahanap pa ng paraan ang mga anak niya kung paano siya mako-contact.
Bago pa naganap ang make-over at bago pa ito plinano, narinig na nila ang gagawing pag-uwi ng kanilang idolo mula sa mga taong tinawagan nito ng personal sa telepono, para lamang sabihin na nagbabalak siyang umuwi. Narinig din nila ito kay Kuya Germs (German Moreno) who said he met the superstar in the US and she expressed a desire to come home. Ganito rin humigi’t kumulang ang sinabi ni Lotlot de Leon who stayed with her in the US nang pumunta ito run para ma-meet ang kanyang biological father.
Now, here comes her son, Ian de Leon na sinamahan ang kanyang ina sa kanyang pagpapaganda sa Japan. Sinabi nitong di pa makakauwi ang kanyang “mama.” Marami raw itong commitments na dapat unahin. Baka mga isa o dalawang buwan pa bago ito makauwi.
Di ba obvious na parang ayaw umuwi ni Nora? Puwede naman siyang pumunta rito at pagkatapos ay umalis kaagad. Kung mga dalawa o tatlong araw ay maaari na niyang matantiya kung meron siyang makukuhang proyekto rito, bukod pa sa gagawin niyang pagdalo sa pormal na pasinaya ng Japanese aesthetic center. Eh ‘di umalis siya agad para hindi maipit sa kanyang mga commitments. Saka na lamang siya bumalik kapag na-fulfill na niya ang mga concerts na natanguan niya sa US at Canada.
Labels:
Nora Aunor
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment