Saturday, March 20, 2010
Raymond noon pa 'di boto kay John Lloyd
Cute ang dating sa amin ng tanong ni Raymond Gutierrez na “Will I get into trouble?” sa comment niyang “I think she can do with someone so much better” na patungkol sa naging relasyon ng kapatid niyang si Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz.
Hirit pa ni Raymond, hindi siya in favor sa naging relasyon ng kapatid sa aktor, pero ngayon lang siya nagsalita na wala na ang dalawa.
“Before, ’di ako nag-react because I want them to have space and I respect my sister’s decision at ayokong makialam. Ngayong wala na sila, I can talk na, pero will I get into trouble?” ulit nitong tanong.
Smile lang si Raymond nang sabihin naming magre-react ang mga fans ni JLC, pero si Ruffa, ang sagot ay “I have to respect my brother’s opinion. Dati, ako ang mahigpit sa kanila ni Richard, ngayon, sila na ang over protective sa akin,” sabi ni Ruffa.
Anyway, ibinalita ni Raymond na nag-shoot sila ni Richard ng OBB for Party Pilipinas, he’ll be hosting at baka mag-try na rin siyang kumanta. Every Friday, lumalabas sa The Philippine Star ang column niyang The Dialogue at excited siya sa dalawang bago niyang trabaho.
Labels:
Raymond Gutierrez
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment