Your Ad Here

Wednesday, March 17, 2010

Eula, type pa ring maghubad sa edad na 45!


SA 10th year anniversary ng FHM ay isa nga si Eula Valdez sa umani ng malakas na palakpak mula sa mga barako. Hindi nga makapaniwala si Eula na ganun kainit ang magiging pagtanggap sa kanya ng mga kalalakihan.


‘Yun nga lang, may iba na pinintasan ang outfit ni Eula. Sabi, mukha raw itong galing opisina at dumaan lang sa party ng FHM.


Pero katuwiran ni Eula, gusto niyang maiba sa gabing `yon, kaya ganun ang outfit niya. Alam daw niyang may mga lalaki na ang gusto sa mga babae ay `yung tipong nakabalot ang buong katawan. Kaya dedma na lang daw siya sa mga namimintas.


Anyway, tatlo o apat na taon pa bago mapapayag muli si Eula na mag-pose ng seksi sa FHM.

Tinanggihan na nga niya ang alok ng FHM na mag-pose uli ng seksi.


Sabi ng mahusay na aktres, papayag lang siyang magpa-sexy ulit sa magazine kapag 45-years old na siya. Eh, 41 pa lang siya ngayon, kaya maghihintay pa raw ng apat na taon.


Sabi ni Eula, gusto niyang subukan ang sarili na kung sa edad na 45 ay mami-maintain pa rin niya ang magandang hubog ng katawan at itsura. Kapag seksi at mukha pa rin daw siyang bata sa mga panahon na `yon ay hindi siya mag-aalinlangan na magpa-sexy sa magazine.


Hindi ba siya napi-pressure na mapanatiling bata ang kanyang itsura, at maging seksi sa paningin ng mga tao?


“Walang pressure at all. Ang aging naman is a war na walang puwedeng manalo. So, huwag mo na lang patulan. Magpakasaya ka na lang. Tatanda ka pang masaya, mag-i-age ka gracefully, kesa naman kung anu-anong pinagagawa mo sa mukha mo na hindi na gumagalaw. Hahahahaha!


“Hindi ba, accept na lang natin ‘yan. Yung pagtitina ng buhok kailangan yun. Hahahaha!” masaya niyang pahayag.


Ibinalita nga pala ni Eula na matutuloy na ang pagpasok sa showbiz ng boyfriend niyang si Rocky Salumbides. Nakipag-meeting na raw ito sa mga executives ng Kapamilya Network.


Siyempre, nabanggit muli ang kumalat na nude picture ni Rocky sa internet. Iginiit ni Eula na hindi siya napikon sa isyung `yon.


“Hindi ako napikon! Bahala sila kung ano ang perception nila. Basta alam ko kung saan galing ang photo na ‘yun at bahala sila kung ano ang gusto nilang palabasin sa ginawa nilang ‘yun. Kung ako ‘yun magiging proud ako na kasama ko siya roon sa book na ‘yun,” esplika ni Eula.


“Kung gustong palabasin ng kung sinumang naglabas ng picture na `yon eh i-put down ang kapwa Pilipino nila at namimintas pa, hindi maganda yun. Bahala sila sa buhay nila,” dugtong na sambit pa ng magaling na aktres.


Itinanggi ni Eula na iniyakan niya ang isyung `yon kay Rocky. Pero, si Rocky raw ang naapektuhan nang husto sa paglabas ng nude picture na `yon.


“Tinatanong niya ako kung ikinahihiya ko siya. Sabi ko, bakit naman kita ikahihiya? Eh, for a cause ‘yun. Korek, di ba? Sana ilabas nila rito ‘yung libro na ‘yun.” nangingiting pahayag pa ni Eula.


Ipinagdiinan din ni Eula na hindi sila nag-away ni Tito Alfie Lorenzo nang dahil sa picture na `yon. Sabi kasi, sumama raw ang loob ni Eula kay Tito Alfie dahil sa ginawa nitong pagpapakita ng nude picture ni Rocky sa mismong presscon ng The Last Prince.


“Hindi naman. Naglo­lokohan nga kami ni (Tito Alfie) nu’ng rumarampa kami sa presscon. Kabisado ko naman siya, eh. Hayaan na natin. Alam mo naman si Tito Alfie, ganun lang ‘yon. Kasiyahan na niya ‘yon. Hahahaha!” natatawang say pa ni Eula.


Samantala, natapos na ni Eula ang pelikulang Working Girls, na kung saan ay kasama niya sina Cristine Reyes, Ruffa Gutierrez at Eugene Domingo. Napapanood pa rin siya sa The Last Prince.

0 comments:

Post a Comment