Wednesday, March 17, 2010
Arnel Pineda nag-apologize!
Sa susunod, dapat ang National Historical Institute (NHI) na lang ang mag-suggest ng kakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Manny Pacquiao. Or siguro, magkaroon sila ng audition. Sila ang screening committee para tama at walang salto kung sinuman ang mapipili nila. Pero kailangan nilang makipag-coordinate kay Pacquiao dahil ito mismo ang namimili ng kakanta sa kanyang laban.
Habit na kasing pintasan at punahin ng NHI ang kahit sinong kumanta sa Lupang Hinirang sa boxing fight ni Pacman. Routine na kumbaga.
Pagkatapos na pagkatapos ng laban, ayan na. May story na agad na nagagalit sila dahil mali ang pagkakanta.
Kasi kung gusto talaga nilang pagsabihan na mali ang pagkakanta, sabihin nila na hindi na sa TV. Puwede naman silang tumanggi sa mga TV interviews.
Hindi nakalusot sa ganitong sistema ng NHI ang vocalist ng Journey na si Arnel Pineda. Mali raw ang pagkakanta niya last Sunday (Manila time).
Ganito rin ang nangyari kay Martin Nievera noong kumanta sa laban ni Pacman.
Nag-sorry noon si Martin na ginawa kahapon ni Arnel.
Sa interview ng abs-cbnNEWS.com nag-apologize si Arnel : “I apologize for my dissatisfactory performance sa fight ni Pacquiao and Clottey sa Dallas, Texas, according to their standards. What can I do? I’m just doing my job. But then again, hindi ako sorry kasi artistic freedom ko yun. It doesn’t make me less of a Filipino dahil sa nabago ang pagkakanta.
“Ano ba ang bago? ‘Yong traditional na pagkanta ng Lupang Hinirang ang gusto nilang marinig. On my part, I’m just doing my artistic freedom. I was there as Filipino representing Pacquiao and the Philippines. ‘Yun ang importante.
“Alam ko naman na nag-flat ako kasi ang parte na yon na nagsimulang magsigawan ang tao. Wala akong ear monitor. Hindi ko na marinig ang sarili ko noong pumapasok ako sa line na ‘lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta.’ Sumisigaw na sila, highlight ng melody ng kanta ‘yon sa unti-unti hindi ko naririnig,” sabi ni Arnel sa nasabing interview.
Kung sabagay hindi lang si Arnel ang nasita ng NHI sa sinasabi nilang hindi tamang pagkakakanta ng Lupang Hinirang na malinaw umanong paglabag sa Republic Act (RA) 8491.
Labels:
Arnel Pineda
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment