Your Ad Here

Monday, February 22, 2010

Ruffa, ‘binastos-binaboy’ sa text messages!


NAPILITAN si Ruffa Gutierrez na magpalit ng cellphone number dahil sa mga nasty text message na kanyang natatanggap. Hindi masabi ni Ruffa ang mga text message na ipinadala sa kanya dahil masyado itong bastos at baboy.

Walang binanggit na pangalan si Ruffa pero tiniyak niya na babae ang nanggugulo sa kanya.
“Vulgar ang text messages. It came to a point na I had to change my phone. Talagang itinapon ko na ‘yung sim card ko na ‘yon. Kumuha ako ng bagong line kasi ayo­kong naha-harass ako.
“Whenever I receive messages, nasisira ‘yung araw ko. It’s either patulan mo ‘yon and then, magiging low-life ka naman kung patulan mo,” ang pagtatapat ni Ruffa.Tatlong linggo nang nakakatanggap si Ruffa ng mga text message ng paninira. Nagkaroon siya ng idea sa katauhan ng sender dahil iisang tao ang topic nito.

“May idea na ako. It’s strange, ‘yung topic na ipinadadala niya sa akin about this certain topic.
“The whole last year naman, wala akong natanggap na bad text messages. In three weeks time, ang dami kong nakukuha na mga nasty text messages regarding this topic,” ani Ruffa.
May mensahe si Ruffa para sa tao na kanyang tinutukoy, ang tigilan na ang pagpapadala sa kanya ng mga malalaswang text message.

“Hindi ‘yon galing kung kani-kanino eh, kasi kokonti lang ang tao na nakakaalam sa number ng phone ko.
“Sana doon sa mga nagpapadala ng text messages, whoever you are, sana tigilan mo na. Small world (ang showbiz). It’s a small industry. I believe people should still peacefully co-exist.
“Wala akong sinasabing name. Basta, alam na niya kung sino siya. Kung hindi naman siya, si­guro ‘yung mga kasamahan niya, mga alalay niya.

“Alam na rin ng mga tao na nasa paligid ko. Alam na rin ng mommy ko. Alam na rin ng mga kapatid ko. Mabuti na lang, ‘wag kong patulan so nagpalit na lang ako ng number.”
Walang maisip na dahilan si Ruffa para guluhin siya ng suspect.

“Hindi ko talaga alam. Ayoko na lang patulan. Super cheap.
“Basta ako, Im doing my job. I’m taking care of my kids. I really told myself, ang mantra ko for 2010 is to work and alagaan ‘yung mga anak ko.Wala munang pag-ibig whatsoever dahil nakakasira lang ‘yon sa concentration ng gusto kong marating sa buhay ko. It’s all about work.

“For me, ang gusto ko lang talaga peace. Huwag naman akong i-harass dahil hindi naman ako papatol kasi I choose my battle. When I choose my battle, they’re for the right reasons.”

0 comments:

Post a Comment