Monday, February 22, 2010
Dingdong-Marian, umaatikabong lambingan ang ginawa sa Madrid
ANG pakikipaglaban sa malamig na panahon sa Madrid ang maituturing ni Dingdong Dantes na isa sa mga memorable moments nila ni Marian Rivera.
Nahiya lang si Dingdong na magdetalye sa kung anong ibig sabihin niya sa pakikipaglaban nila ni Marian sa lamig. Pero, napangiti at kinilig siya nu’ng sabihin namin na katakut-takot na yapakan at lambingan ang ginagawa nila ni Marian sa Madrid.
Pero, sundot na biro ni Dingdong, hindi raw umubra ang mainit na pagmamahalan nila ni Marian sa malamig na panahon sa Madrid.
“Hindi umubra. Hindi kinaya. Siyempre, nakakagulat sa umpisa. Pero kailangang labanan. Sayang din naman kung hindi ka lalabas. Very-very fun. Magandang experience,” say ni Dingdong.
Sa lahat daw ng mga pinuntahang bansa nila ni Marian, hindi nila malilimutan ang Madrid, dahil doon nagkakilala ang mga pamilya nila.
“‘Yung iba kasi, trabaho pero wala doon ang pamilya or relatives naming na sasadyain mo talaga. Kaya unique itong last trip namin,” say pa ni Dong.
Anyway, nadiskubre raw ni Dingdong na minana ni Marian sa kanyang daddy ang pagiging down to earth, at hilig sa pagluluto.
“Although, ang mommy niya magaling ding magluto.Nakikita ko kung saan nanggaling ang kalahati niya.”
Bagama’t wala raw ibinigay na souvenir ang tatay ni Marian sa kanilang dalawa, sobra-sobra na raw ang ibinigay nitong pag-aasikaso sa kanila.
Hindi makakalimutan ni Dingdong ang ginawang paga-asikaso ng tatay ni Marian sa kanilang accommodation kaya naging kumportable sila sa kanilang tinuluyan.
Balak din ba ng tatay ni Marian na magpunta ng Pilipinas?
“Nasabi niya. And we hope that when the time comes, kami naman ang magpapakita sa kanya ng isang goodtime,” say ng aktor.
Sa tantiya ni Dingdong, tanggap daw siya ng tatay ni Marian. Sabi nga ni Dong, napakabuting tao ng tatay ni Marian.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment