Your Ad Here

Wednesday, February 24, 2010

Professional gaka, umeksena sa ‘Yes’ party!



May guest list ang event, mahigpit ang security pero nakalusot pa rin ang mga gatecrasher. Isang lalake na malakas ang loob ang lumapit sa media registration table at nagpakilala na member siya ng media.


Nang magtanong kami kung saan siya konektado, buong ningning na sinabi ng lalake na empleyado siya ng GMA 7. Sinabi namin sa mystery gatecrasher na hindi namin siya kilala at wala kaming natatandaan na inimbitahan namin siya.


Nanindigan ang lalake. Taga-GMA 7 siya at empleyado ng Artist Center, sabay pakita sa amin ng kanyang Artist Center ID.


“Hindi kita kilala. Hindi kita nakikita sa Artist Center,” ang aming sagot.


Nagkataon na malapit sa aming puwesto si Gen Magno, isa sa mga senior staff member ng Artist Center. Tinawag namin si Gen at ipinaalam sa kanya ang sitwasyon.


“Taga-Artist Center po ako pero hindi ko kayo kilala,” ang sabi ni Gen sa makulit na unwanted guest.


Muling ipinakita ng lalake ang kanyang ID at dahil ayaw niya na magpaawat, tinawag na ang security people para palabasin siya. Kinuha rin ng security men ang fake Ar­tist Center ID ng lalake.


Ayon sa mga photographer na nakiusyoso sa insidente, professional gatecrasher ang lalake na nagngangalang Manny at sa tuwing nakakalusot ito sa mga showbiz event, nagbabalot siya ng mga pagkain mula sa buffet table. Ang mga litrato ng gatecrasher na kuha ng mga photographer ang ebidensya.


Hindi si Manny ang u­nang tao na nagpanggap na empleyado ng Artist Center. Several months back, ipinakita sa Imbestigador ang kaso ng isang talent scout na nagpanggap na empleyado ng Artist Center at nambiktima ng mga aspiring star. Hiningan ng pera at laptop ng impostor na talent scout ang mga applicant at dahil sa rami ng reklamo laban sa kanya, sinampahan siya ng mga kaso at ikinulong.

0 comments:

Post a Comment