Your Ad Here

Wednesday, February 24, 2010

Nancy, mistulang katulong sa Canada


SEKSING-SEKSI at parang hindi nanganak sa kambal na lalake si Nancy Castiglione. Isa nga si Nancy sa naging special host ng Starstruck V: The Final Judgment last Sunday sa Araneta Colisuem.


Si Nancy kasi ang original host ng unang season ng Starstruck kunsaan kasama niya si Dingdong Dantes.


Magwa-one year old na nga this year ang kanyang twin boys na sina Matteo at Joaquin. Malilikot na raw sila at tuwang-tuwa si Nancy pati na ang kanyang mister na si Nacho Dominguez.


“It’s so fun to be a pa­rent, lalo if your kids are so cute and very bibo. My twins, they run around a lot. Nakakatuwa silang habulin. Kaya siguro hindi ako tumaba kasi I have no time to eat at hands-on ako sa pag-alaga sa kanila.


“Wala kaming maids or yayas sa Canada kaya I do lots of chores like cooking, doing the laundry, cleaning the house and taking care of twin boys na sobrang cute at makukulit.


“But no regrets, this is the life that I chose and I am enjoying motherhood so much. Akala ko noong una mahirap, oo mahirap pero masarap siyang gawin kasi you see your kids growing up and learning so many things,” kuwento ni Nancy.


Matagal na palang nasa Pilipinas si Nancy at ang kanyang pamilya at dito na nga sila naka-base. Kaya naman unti-unti raw siyang magbabalik sa showbiz.


“But of course, priority ko pa rin ang aking mga babies. Kapag kailangan nila ako, sila ang uunahin ko.”


Nagkita na ba sila ng ex-boyfriend niyang si Paolo Contis na magkakaroon na rin ng sarili niyang pamilya?


“Hindi pa nga kami nagkikita or accidentally na nagkakasalubong. But I am happy for the news na magkakaroon na siya ng baby niya and I heard it’s a baby girl.


“I know that Paolo will be a good father. Mabait siyang tao and I know na he will be okay as a dad and husband.


“Siguro kapag nagkita kami, ang pag-uusapan na lang namin ay tungkol sa mga anak namin. And I want our kids to be good friends kasi halos magkakasing-edad lang sila, ‘di ba? That would be so nice!” say na lang ni Nancy.

0 comments:

Post a Comment