Your Ad Here

Thursday, February 18, 2010

Iza Calzado welcomes "wholesome" change after playing mature role in her last soap


Proud si Iza Calzado na matapos niyang makasama bilang leading lady ni Bong Revilla sa Ang Panday, ang topgrosser ng 2009 Metro Manila Film Festival, ay kasama na naman siya sa spin-off nito sa TV na Panday Kids, na mapapanood na simula sa Lunes, February 22, sa GMA Telebabad.



"I'm actually quite honored that from all the cast members, kami ni Buboy [Villar] ay napasama pa rin dito sa Panday Kids. I'm playing a special role in a way dahil I don't know if it's going to be a regular role," sambit ni Iza nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng Panday Kids noong February 16 sa Studio 5 ng GMA Network Center.



Gusto ring ipaalam ni Iza na ang role niyang Maria sa pelikula at Maria Makiling naman sa TV ay iisa lamang at hindi magkaiba.



"Alam ko namang tatanungin n'yo ito. Actually, hindi siya iba kasi iisa lang siya, si Maria Makiling. Kaya pumayag ako when it was offered to me kasi it just makes sense, I am playing the same role. Iba lang ang treatment dito sa TV. Dito kasi mas na-established na Maria Makiling is the protector of nature. Ipinapakita niya yung powers niya," paliwanag niya.



Sa movie kasi ay hindi naipakita ang background ng character ni Iza kaya natural lang na isipin ng mga tao na magkaiba ang ginagampanan niya sa movie at TV. Ano ang paliwanag niya rito?



"That's why we keep on saying before na she's a mystical character. She wasn't a princess. She actually has powers. She knew that Panday was the chosen one. Hindi masyadong na-establish yun sa movie. If you remember, kaya siya gustong pakasalan ni Lizardo [Ang Panday's main villain] because of her powers. Gusto ni Lizardo na lumakas pa siya. Siguro sa Part 2 ng Ang Panday ie-establish siya or something para mas makikilala na ng mga tao si Maria," saad ni Iza.



Ano ang mae-expect ng mga manonood sa kanya sa TV series?



"Hopefully, magkaroon ako ng fight scenes. Pero hindi pa ako sure kasi, like I said, I don't know yet if it's a regular character. As of now, we have yet to make certain kung talagang dito ako. Kasi in the beginning I was contacted for a special role. Pero yun nga, I don't know if my role will get bigger or not."



Dahil ba baka may ibang engkatanda role na naghihintay sa kanya sa muling pagbabalik ng Encantadia?



"Posible rin yun, di ba?" nakangiting sabi ni Iza. "But I think whatever it is, I'm just happy to be part of this. It's such a wholesome show. Siyempre, ako, coming from an afternoon slot [Sine Novela Presents Kaya Kong Abutin Ang Langit] of GMA with a much mature theme, it's good to be in a wholesome show naman. At saka iba talaga yung TV sa movie. Mas marami kasing batang nakakapanood sa TV dahil it's free, di ba?"



A HAPPY VALENTINE. Kumusta naman ang Valentine's Day niya?



"Okay naman. Mabuti naman. Nung Valentine's Day, ako ay nagtatrabaho sa StarStruck at saka tumanggap ako ng raket sa Chinese New Year, Kung Hei Fat Choi!" sabi ng StarStruck Council member.



Hindi ba sila nag-dinner ng businessman boyfriend niyang si Atticus King?



"Kung anuman ang naganap nung Valentine, hindi ko na yata dapat pang pag-usapan pa at isiwalat pa sa lahat 'yon," iwas ni Iza.



Pero masasabi niya bang happy ang puso niya?



"Yes, very happy!" sagot naman niya.



STARSTRUCK V. Sa Sunday, February 21, ang Final Judgment Night ng StarStruck V sa Araneta Coliseum. Ano ba ang aabangan ng mga tao sa gabing 'yon?



"Hindi ko alam what the show has in store for them because I'm only a judge and I'm not part of the production. But I know it's going to be a very big thing, special night."



Sa tingin ba niya ay deserving ang napiling Final 5 na sina Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Steven Silva, Enzo Pineda, at Rocco Nacino?



"Yes, they deserve to be in the finals, all of them. Not [only] for working hard for the challenges, some of them really had that X-factor that people love. Hindi mo talaga maintindihan that people love them and vote for them. So, they really deserve to be there," sabi niya.

Hindi na ba siya nagulat na natanggal si Nina Kodaka?



"She was one of them, like two or three na we were expecting na matatanggal. Kasi ano, e, she actually made it pretty far. Because bago pa lang siya, sinasabihan siyang 'low bat' at walang energy. But she has this certain charm like in the way she would answer. Personality niya yun, e. Low bat man, nakakatuwa siya.



"I keep telling them, all 14 [finalists] of them, have one foot on the door. Some of them will go through the door, not meaning they would shine as bright as the other StarStruck. Some of them might even surpass the Final 2."



Any fearless forecast?



"No fearless forecast. I'd like to keep it to myself until the Final Judgment," sabi ni Iza.

0 comments:

Post a Comment