Your Ad Here

Saturday, February 27, 2010

Bong, biktima ng audio recording scandal!


ITINANGGI na ni Senator Bong Revilla na boses niya ang naririnig sa 45-second audio recording na ginawan ng video, kalat na kalat sa Internet at mapapanood din sa Youtube.


Sa report ni Jun Lalin ng Abante Tonite, sinabi ni Bong na paninira ang voice clip dahil sa mga kandidatura sa Cavite ng kanyang kapatid na si Strike Revilla at misis na si Lani Mercado. Ang mga nakakakilala raw sa kanya ang makapagsasabi kung boses nga niya ang maririnig sa controversial audio recording.


Napakinggan at napanood na namin sa Youtube ang voice clip. Ipauubaya namin sa mga expert ang pag-iimbestiga sa authenticity ng audio recording pero bilang senador, may kakayahan si Bong na malaman ang pinagmulan ng paninira sa kanya.


May dapat ikatakot ang source ng voice clip dahil kung nagawa niya na ipakalat ‘yon, may kapasidad si Bong na magpaim­bestiga at makilala siya.


Kung na-trace ng FBI sa Pilipinas ang Filipino author ng I Love You virus na nag-paralyze sa mara­ming computer sa buong mundo noong May 2000 at natukoy ng NBI ang nag-upload sa Internet ng sex videos ni Hayden Kho, Jr., capable si Bong na hingin ang tulong ng awtoridad para makilala ang mga naninira sa kanya.


***


Hindi lahat ng tao sa Pilipinas ay computer literate. Hindi lahat ng Pilipino ay pamilyar sa Youtube, lalo na ang mga senior citizen at para sa kapakanan ng aming mga tinutukoy, ang mga sumusunod ang mapapakinggan sa voice clip na ibinibintang kay Bong:


“Kaya itong labanan na ito, siguraduhan. Hindi tayo patatalo dito. Nakataya dito ang pangalang Bong Revilla, ang pangalan ko. Nakataya dito ang 2010 ko. Araw-araw nakatutok na ko sa Bacoor at hindi ko hahayaang matalo ang kapatid ko.


“Atin ang pulis. Hepe ng Bacoor, papalitan na ‘yan. Ang COMELEC, mahirap mang sabihin, kung hindi neutral pero hindi tayo papadaya diyan, malamang tayo pa ang mandaya. Matikman nila na sila’y madaya, putangina nila. Hindi kayo nagkamali ng taya at siguradong panalo ito. MalacaƱang, nakasuporta din sa atin.


“Kung sino man nangha-harass sa inyo, kunin nyo ‘yung pangalan, taga-saan at kami na ang bahala dun.”


Hindi si Bong ang una at kilalang personalidad na biktima ng audio recording scandal. Malamlam ang mga mata at parang bata na humihingi ng pang-unawa si President Gloria Macapagal-Arroyo nang magsabi ito sa bayan ng “I am sorry” dahil sa involvement niya sa Hello Garci scandal.


Nasangkot din sa ganitong eskandalo si Lolit Solis, ang manager ni Bong. Ipinadala sa mga radio station at newspaper office ang tape ng pakikipag-meeting ni Lolit sa kampo ni Hayden noong kainitan ng sex video scandal ng doktor na binawian ng lisensya.


Ang pagkakaiba lang, hindi nag-deny si Lolit at lalong hindi siya nag-sorry. Nairita pa si Lolit dahil edited ang audio recordings na ikinalat ng kanyang detractors.

0 comments:

Post a Comment