Your Ad Here

Tuesday, December 22, 2009

Bong Revilla is positive about the box-office performance of Ang Panday


Tuwang-tuwa si Sen. Bong Revilla sa naging reaksyon ng mga nanood sa magkasunod na araw na red-carpet premiere at special press screening ng pelikula niyang Ang Panday, na entry ng GMA Films at Imus Productions sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).



Ginanap ang premiere night noong December 20 sa SM North Edsa, habang ang press screening naman ay ginanap kagabi, December 21, sa SM Megamall Cinema 6.



Matapos ang press screening ay nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Bong Revilla sa Max's Restaurant sa SM Megamall, kung saan ginanap ang Christmas party for the press ng Senador.



Ano ang pakiramdam niya sa tuwing pumapalakpak ang mga tao para sa mga magagandang eksena sa pelikula?



"Kinikilabutan ako," bulalas ni Sen. Bong. "Noong natapos yung pelikula, nagtayuan sila, nagpalakpakan. Kaya nga lalong nakakalaki ng puso at nakakatuwa. Kaya sa mga hindi pa nakapanood sa premiere night, panoorin na lang nila sa December 25. Sila na ang magsabi, sila na ang humusga sa pelikula natin."



Masasabi niya ba na Ang Panday ang best movie na nagawa niya sa kabuuan ng kanyang career?



"Sa tingin ko, oo. Sinasabi ko naman 'yan and I'm very vocal about it. Ito yung pelikula kong pinakamaganda sa lahat."



Ang Panday rin ba ang pinaglaanan niya ng pinakamalaking budget?



"Hindi naman. Yung Exodus at Resiklo rin kasi parehong malaki rin ang budget, e. Pero ito [Ang Panday] yung masasabi kong mas organisado at mas preparado. Mas pulido ang special effects dahil nabigyan tayo ng mas mahabang panahon. Kumbaga, time lang naman ang kailangan diyan, e, to do quality movies."



Posible bang magkaroon ng sequel ito lalo pa't very suggestive ang ending ng movie?



"Tingnan natin pag nagustuhan ng mga manonood. Posibleng magkaroon ng part 2."


CLICK HERE to read PEP's review of Ang Panday.



VERSUS VIC SOTTO. Sa taong ito, magtatapat na naman ang pelikula niya sa entry ni Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang. Kapwa may fantasy element ang dalawa at intended para sa buong pamilya, lalo na sa kid viewers, ang tema.



Matatandaang apat na beses nang nagkatapat ang mga pelikula nina Sen. Bong at Bossing Vic sa MMFF—Agimat vs. Lastikman noong 2002, Captain Barbell vs. Fantastic Man noong 2003, Exodus vs. Enteng Kabisote 2 noong 2005, at Resiklo vs. Enteng Kabisote 4 noong 2007.



Ano ang masasabi niya sa muli nilang pagtatapat ni Vic sa MMFF?



"Wala, kasi this is a friendly competition. Walang kalaban dito. Lahat ng ginagawa namin dito ay for the industry."



Ano ang expectations niya para sa kanyang pelikula?



"Expectations ko? I'm a positive thinker, so, alam mo na yun. Kapag positive thinker ka, alam mo na yung gino-goal mo, maa-achieve mo rin. Pero tingnan na lang natin."



REELECTIONIST. Ano ang maaasahan ng mga tao sa kanya sa 2010?



"I'm running for reelection. I'm running for senator again," sagot ng actor turned politician.



As a reelectionist senator, ano ang gusto niyang tutukan kung muli siyang mahalal?

"Education, health, 'yan yung mga dapat nating bigyan ng atensyon dahil sa hirap ng buhay ngayon, talagang napakahirap magkasakit. Wala kang pambayad sa ospital. Kung meron man, kung anuman yung pinaghirapan mo ng ilang taon, isang ospital lang, ubos na kaagad yun, e. So, yun ang bibigyan natin ng direksyon at atensyon."



ON KATRINA HALILI AND HAYDEN KHO. Hindi naman maikakaila na naikabit na ang pangalan niya sa fight against violence on women dahil na rin sa pagtulong kay Katrina Halili kontra kay Hayden Kho. Gagawin na nga ba niyang bahagi ng kanyang advocacies ito?



"Yeah, tuloy pa rin yang advocacy nating iyan. Dapat ipaglaban natin ang karapatan ng mga kababaihan. Maging yung laban natin sa pirata at pagtulong natin sa industriya, tuluy-tuloy yan. Pati public works, makapagpagawa tayo ng mas maraming kalsada at mga tulay para mas mapabilis ang development, lalo na sa malalayong lugar at nang mas umunlad ang ekonomiya. That's part of it. Basta yung nasimulan natin, itutuloy natin yan.



"Kumbaga, six years tayong nanungkulan, nakagawa tayo ng 75 batas na naipasa concerning education, health, agriculture at iba pa. Kumbaga hindi nila puwedeng balewalain yung naging accomlishments natin. Bagama't hindi tayo kasing-ingay ng iba na sumasali sa baliktatakan. Tayo'y trabaho lang ang inaasikaso."



Ano ang reaksyon niya na umabot na ng halos isang taon ang isyu kay Hayden Kho?



"Well, masyado nang mahaba, e. Ganun talaga, e. Ganun ang justice system natin, may due process 'yan. Hangga't nandiyan siguro yung kaso na 'yan, tuluy-tuloy yan. I just hope na yung hustisya makamit din ni Katrina. Tutal naging positive na rin ang reaksyon ng PRC [Professional Regulation Commission], at least nabigyan na ng hustisya nang matanggalan siya ng lisensiya. Yun lang, napakabigat na nun. Alam na ni Hayden kung gaano kabigat yung parusa. Pag nanalo pa si Katrina sa kaso, may kulong pa siya. Kasi hindi naman natin siya puwedeng i-condone, yung ginawa niya kasi baka maparisan ng iba."



Pero suportado niya pa rin ba ang kagustuhan ni Katrina na tuluyang makulong si Hayden?



"All the way. Basta yung laban niya na yun, naumpisahan na natin 'yan kaya tatapusin natin 'yan."

0 comments:

Post a Comment