Your Ad Here

Thursday, April 1, 2010

T.Y. ngayong Holy Week


APRIL 1 na! HOLY Thursday nga­yon at April Fools din, huh!

Araw para mag-Visita Iglesia sa mga Katoliko at ‘yung namamanata tuwing Mahal na Araw.

Ayon sa iba, 14 na simbahan daw dapat ang bisitahin dahil nga 14 ang bilang ng Station of the Cross. Pero mag-ingat din dahil unang araw rin ng Abril ngayon! Ingat sa manloloko at huwag ding magpaloko, huh!
Pero sa mga walang pakialam at bakasyon lang ang nasa utak, keber ba sila kung Holy Thursday ngayon at Good Friday bukas. Basta, mag-enjoy lang ang nasa utak nila dahil after ng Easter Sunday sa April 4, back to normal lang ang lahat sa Metro Manila. So, wala munang regular programming sa mga networks kaya ang mga artistang halos buong linggo ay trabaho ang ginagawa, ang Semana Santa ang excuse nilang para magpahinga.

Pahinga rin ang manonood sa sunud-sunod na commercials, infomercials, plugging at sari-saring kaek-ekan ng mga pulitiko, huh! Ceasefire muna kasing lahat ng kandidato simula ngayon hanggang bukas.

Pero sa Sabado, for sure, maririndi tayong lahat sa pagbabalik ng mga presidentiables, vice presidentiables at senatoriables sa telebisyon! Tapos na kasi ang two-day ban pati na sa local candidates na maya’t maya ay umiikot ang sasakyan na pinatutugtog ang kanilang jingles, huh!
Kami naman, ilang taon nang nandito sa Manila. At least, maluwag ang daan dahil bakasyon din ang traffic. Makapapanood na rin kami ng DVDs bago kami sumabak sa pag-aayos ng Salubong sa Sabado na gagamitin sa madaling-araw ng Sunday.

Napanood na namin ang Shutter Island ni Leonardo DiCaprio. Mystery-psycho thriller ang dating pero hindi kami gaanong impressed kahit si Martin Scorsese ang nagdirek. Thrilling sa simula pero towards the end, lumaylay ang movie. Kasi naman, ang tagal-tagal ng resolusyon ng conflicts, huh!
Pero kung fan ka ni Leonardo, magugustuhan mo ang acting niya lalo na sa eksenang…Ay, huwag na at baka magalit sa amin ang mga fans niya.

Next in line sa amin ang The Book of Eli ni Denzel Washington. Ahh, bagay ang mo­vie ngayong Holy Week dahil ayon sa isa naming friend sa Facebook, it will strengthen your faith once mapanood mo ang movie.

Of course, ngayong Holy Week, it’s time to clean up our mess. ‘Yung maliliit na basura na hindi na kailangan, itapon na ‘yan para clean ta­yong lahat after ng holidays, di ba?

Kanya-kanya tayong paniniwala pagdating ng Holy Week devoted man tayong Katoliko o hindi. Pero ang mahalaga, sa pagdating ng araw na ito, take time out to reflect and thank the Lord.

Ayon nga sa isang pari, tingnan nating mabuti ang image ni Lord na nakapako sa krus. Ipinako Siya sa krus na letter T ang hitsura at ang pagkakapako naman niya ay parang letter Y. So, isaisip natin ang letrang TY ngayong week na ito na sa kahulugan ng nakararami ay – THANK YOU!
Have a blessed Len­ten Season.

0 comments:

Post a Comment