Sina Mark Bautista at Guji Lorenzana ang mga binatang nag-aagawan kay Sarah Geronimo ngayon.
Sila nga ang love triangle sa teleserye na pinagbibidahan ni Sarah.
Ang chika nga ay nagpapatalbugan sina Mark at Guji sa pagbibigay ng regalo kay Sarah. Sabi pa, tinamaan talaga ang dalawang binata sa husay sa pagkanta ni Sarah, kaya ganu’n na lang ang pagsisikap nila na maabot ang tamang nota sa kanya.
Ano ang masasabi ni Sarah na pinag-aagawan siya nina Mark at Guji?
“Ay, hindi po totoo `yan. Hindi naman talaga ako ang pinagtatalunan nina Mark at Guji kundi ‘yung karakter ko sa Hair is Your Moment ng Sunsilk. On-screen lang po ang sinasabing love triangle. Off-screen, friends kaming lahat,” say ni Sarah.
“Excited talaga kami sa microseryeng ito. Because it’s the first time that a microserye is being done where viewers influence the direction of the story. We’re particularly excited sa magiging ending nito at kung sino kay Paco at Jason ang mapipili ni Jenny – and everything is in the viewer’s hands,” dagdag pa Jem Perez ng Sunsilk.
Ang mga fans ang magde-decide kung sino sa dalawa ang magiging Mr Right para kay Jenny. Para makaboto, kailangan hanapin ng viewers ang promo code sa loob ng Sunsilk Damage Repair shampoo or conditioner package na merong pink puzzle piece. I-type ang 10Days
0 comments:
Post a Comment