Tuesday, April 6, 2010
Angelu, inspirado kay Efren Peñaflorida!
PUMASOK na nga si Angelu de Leon sa ibang career path. This time, mas seryoso at mas ibang-iba na siya, kumpara sa pagiging artista.
Aminado si Angelu na simula nu’ng maging Born-Again Christian siya, nag-iba ang mga pananaw niya sa buhay.
Anyway, tinanggap ni Angelu ang hamon bilang Presidente ng JCI Ortigas Chapter. Isang international non-partisan and non-profit oriented group kunsaan ay nagbibigay sila ng charity sa lahat ng klase ng pangangailangan.
Na-induct nga si Angelu as President at mismong siya raw ang personal na kumontak kay Efren Peñaflorida para maging guest speaker nila. Sobrang na-touched daw siya kay Efren dahil kahit hindi raw sila personal na magkakilala, pero isang tawag lang niya ay hindi siya pinahindian nito.
“Pareho kasi kami ng goal. At sobrang nai-inspire ako sa kanya. Hindi kami magkakilala ng personal kaya nagulat at na-touched ako na sa isang invitation ko lang sa kanya, umoo agad siya,” masayang pahayag nga ni Angelu.
Feeling naman ni Angelu, hindi raw niya kailangang i-compromise ang pagiging artista niya sa bago niyang endeavor. At present, The Last Prince pa lang daw ang ginagawa niya sa GMA-7. Wala rin daw siyang lovelife na kino-consider.
“Wala! ‘Yung last na alam mo, wala rin, hindi rin nag-work-out. Feeling ko, ganun yata talaga. Siguro, it goes din na mula ng maging Christian ako, kung sinuman ang magiging karelasyon ko, it’s different na talaga from before.” (ROSE GARCIA)
Labels:
Angelu De Leon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment