Wednesday, April 14, 2010
Aljur isinugod sa hospital
Nakatanggap kami ng balitang isinugod sa ospital si Aljur Abrenica kahapon dahil nawalan ng boses habang nasa taping ng The Last Prince. Walang boses ang aktor, kaya no choice ang director kundi kanselahin ang taping. Ang hirap kung ida-dub ang boses niya, hindi magtutugma at baka maging Korean novela ang labas.
Viral infection ang dumale kay Aljur kaya nawalan ito ng boses at sa mga ganitong kaso, complete rest ang ipapayo ng doctor.
Sa nangyari, pati music video shoot at scheduled presscon on Thursday ng aktor ay nakansela. Hihintayin na lang na gumaling siya.
Bago pa pala na-announce sa trade launch ng GMA Network, nabalitaan na ni Aljur na si Rhian Ramos ang next niyang makakapareha at mangyayari ito sa Odessa: The Legend of the Swan Princess. Excited ito sa next project niya, pero aminadong maninibago na hindi muna si Kris Bernal ang kanyang kapareha.
Labels:
Aljur Abrenica
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment