Wednesday, March 3, 2010
Si Vilma, hindi nagpasuweldo ng mga doctors at nurses?
UHUMMMM, ngayong gabi raw ay may preskon si Mother Lily para sa mahal niyang artista na dinala sa New York nu’ng 1979 para mag-shoot ng “Pinay American Style” 31 years ago now which now became my basis for super hatred for the young girl we helped propel to stardom and politics!
Hindi ako puwedeng dumalo sa preskon na ‘yan bagaman last week pa ako pinipilit ni Mother Lily na um-attend. Kasi baka maagawan ng eksena ang Velma na ‘yan dahil tiyak na ako ang dudumugin ng mga reporters to let me spill the basket of beans about Velma and the snobbery of Velma in New York nu’ng 2009 na nagkita kami sa lobby ng Radisson Hotel where we were both staying.
Huwag na at baka lalo lamang maging maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagiging mang-iiwan o manggagamit ng Velma na ‘yan. Iniiwan niya ang mga taong nakatulong na sa kanya at nagbabakasakali sa mga bagong kakilala na hindi naman siya sure kung matutulungan nga siya ng mga newbees na ‘yan tulad ng malaking naitulong ko sa kanya eversince she got paired with Edgar “Bobot” Mortiz.
Sino bang nagluklok kay Velma sa Batangas bilang mayor ng Lipa City? At sino rin ang nagluklok kay Velma bilang gobernadora ng Batangas? Hindi ba si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? At ngayon ay tinalikuran na rin ng Velma na ‘yan si Ate Glo at sumabit naman siya ngayon sa tiket ni Noynoy Aquino? Para masiguro niya ang kanyang panalo bilang gobernadora uli?
Uhummm, sigurado kaya siya sa choice niya o baka pulutin lang siya sa pansitan?
Marami at dagsa ang mga natatanggap naming emails at text messages mula sa mga disgruntled people of Batangas na nagsasabing Monday lang nila nakikita si Velma sa flag ceremony and the rest of the week ay hindi nila ito malapitan para sa immediate na pangangailangan nila dahil wala nga ito sa munisipyo?
And now, heto na ang grabeng akusasyon o bintang kay Velma na mga provincial health workers daw na hindi niya sinuwelduhan! At bakit, si Ate Velma ko ba ang nagpapasweldo sa mga doctors, nurses, technician at administrative staff sa apat na hospital districts ng probinsya at ang provincial government daw ay financially in the red? At bakit na naman, kasalanan ba ‘yan ng Ate Velma ko?
Ibinunyag ni Meynard Melo, personnel head daw ng provincial government daw ay dumaranas ng kakapusan ng gamot pati na ‘yung mga dialysis at CT scan machines na inilagay ng dating governor na si Armand Sanchez ay pinabayaan lang daw na mabulok dahil sa kakulangan ng kailangang spare parts.
Hindi naman yata kapani-paniwala na ni minsan daw mula nu’ng manungkulan si Velma ay hindi ito dumalaw sa ospital para tingnan ang sitwasyon?
May mga nurses daw na nagsabing nu’ng gumawa ng surprise visit ang Velma sa provincial hospital, akala nila ay para pakinggan ang daing nila at mga reklamo –‘yun pala raw ay para lang magkampanya para sa kanyang mister na kandidato para sa senado. Si Recto na naglagay ng VAT sa mga taxpayers.
“Pag may dumating na gamot sabihin ninyo galing sa amin ni Ralph,” sinabi raw ni Velma ‘yun?
Ibinilin sa mga nurses na ‘di nasusuwelduhan? Sabi pa nu’ng isang nurse na “Hindi alam ni Velma ang mga nangyayari sa kapitolyo dahil nga palaging absent ay naparaliza tuloy ang mga operations ng provincial government”
Ows? Tutoo ba yan? Syempre ngayon na kikilos ang Ate Velma ko para magpabango sa pangalan niya lalo na at muli siyang kumakandidato bitbit pa ang mister niya.
Ay, kami po ay nagtatanong lang. Wala na kaming panahon sa gobernadora na ‘yan that the Batanguenos deserved. Eh bakit n’yo kasi ibinoto in the first place tapos ngayon magrereklamo kayo?
Kayo rin pala ang maysala, debah Ate Guy?
Ay, speaking of my Ate Guy, ang Velma na ‘yan kung magsalita akala mo hindi siya nagpa-“salamat po doc” anoh? Tingnan n’yo nga ang mga mata niyang deep set? Ganyan ba ang mga mata ni Velma nu’ng dalagita pa siya ha, Bobot? Eh ang mga ngipin ni Velma, hoy, hindi pustiso ang mga ‘yun ha!
Implants kaya ang mga ngipin ni Velma? Teka at matanong nga si Gina Alajar!
At least, ang Ate Guy ko hindi plastic. Siya mismo ang nagsabi na nagparetoke siya sa Japan. ‘Yan ang gusto ko sa Ate Guy ko, pareho kami - call a spade a spade. Doon lang siya sa tutoo. Hindi beating around George Bush. Tutoong-tutoong tao ang Nora Aunor!
‘Yung iba diyan - malaking tse at pwe!
Labels:
Vilma Santos
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment