Your Ad Here

Monday, March 8, 2010

Krista Kleiner at Venus Raj, top winners sa Bb. Pilipinas 2010! Czarina Gatbonton, ‘luto’ ang panalo sa Bb. Pilipinas-World?


SINA Krista Arrieta Kleiner aka Krissa Mae Arrieta, Venus Raj at Czarina Catherine Gatbonton ang top winners sa grand coronation night ng Bb. Pilipinas 2010 na ginanap sa Araneta Coliseum noong Sabado nang gabi.

Si Krista ang nanalo ng Bb. Pilipinas-International crown, Bb. Pilipinas-Universe title-holder si Venus at Bb. Pilipinas-World ang beauty title na nakuha ni Catherine.

First runner-up si Dianne Necio at 2nd runner-up si Helen Nicolette Henson. Si Krista ang Best in Swimsuit winner at Best in Gown si Venus. Natagalan ang deliberation ng judges dahil nahirapan sila sa pagpili ng mga mananalo.

Shocked ang audience sa loob ng Araneta Coliseum nang i-announce ang pangalan ni Cat­herine bilang winner ng Bb. Pilipinas-World title.

May mga na­rinig kami na nagsalita na “luto” ang pagkakapanalo ni Catherine dahil hindi nila matanggap ang sagot ng newly-crowned beauty queen sa question and answer portion at ang pagsagot niya sa wikang Filipino.

Si Catherine ang nanalo ng Reader’s Choice special award at ang pangalan ng foreign judge na si Golan Alex ang nabunot ni Dingdong Dantes para magtanong sa kanya.

“Given another life to live, what do you like to be and why?” ang tanong ni Golan kay Catherine.

Ang sagot ni Catherine? “Magandang gabi po sa inyong lahat. Akin pong sasagutin ang inyong katanu­ngan sa ating sariling wika, ang wikang Pilipino. Kung ako po’y pagbibigyan muli ng isa pang buhay, mas gugustuhin ko po na maging hala.. puno. Puno na nagbibigay sa atin ng hininga.

Nagbibigay sa atin ng buhay. Maraming salamat po.”

Wala nang magagawa ang mga nagrereklamo sa tagumpay ni Catherine dahil sa kanya ipinagkaloob ng mga hurado ang Bb. Pilipinas-World crown.

Mababaw man ang kanyang sagot dahil umiral ang kaba, nangibabaw ang Filipina beauty ni Catherine at kumpiyansa niya sa sarili na gamitin sa pagsagot ang ating sariling wika.

Hindi si Catherine ang kauna-unahang beauty queen na sinagot sa wikang Filipino ang English question. Noong 1988, napanalunan ni Anthea Robles ang Bb. Pilipinas-International title. Tinanong si Anthea ng judge sa wikang

Ingles at tulad ni Catherine, si­nagot niya ang tanong sa wikang Filipino.

0 comments:

Post a Comment