Tuesday, March 2, 2010
Alessandra, ‘inabuso’ ng dating dyowa!
Matagal-tagal na ring walang lalaki sa buhay si Alessadra de Rossi. May mga nanliligaw naman daw siya, pero hindi raw niya type, kaya prinangka na agad niya na tigilan na ang panliligaw sa kanya dahil hindi niya sila gusto.
Kesa raw paasahin pa niya ang mga lalaking `yon, mas magandang patigilin na niya agad sa simula pa lang.“Kung gusto ko ang isang lalake, ako pa ang manliligaw. Gagawa ako ng paraan para mapansin niya ako at magustuhan niya ako,” sabi ni Alessandra.
At dahil wala nga siyang boyfriend, mas natututukan daw niya ang kanyang trabaho. Katunayan, kasama si Alessandra sa pelikulang Romeo and Juliet, na tumatalakay sa pang-aabuso.
Kuwento ni Alessandra, naka-relate raw siya sa movie dahil biktima rin siya ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso mula sa kanyang ex-boyfriend. Tumangging magbanggit ng pangalan ng lalaki si
Alex, para maiwasan daw ang posibleng pagsulpot ng intriga.
Pero ayon kay Alex, mental abused ang naranasan niya sa kanyang dating dyowa.
“Medyo may topak kasi ‘yun noon. ‘Yung tipong ‘hi, halika dito, tapos, ay, huwag kang lalapit, huwag mo akong kakausapin buong maghapon.
“May ganung ugali `yung guy na ‘yon. ‘Yung tipong hindi ka puwedeng makipag-usap sa kanya buong araw. ‘Pag magtatanong ka sa kanya kung ano ang problema, sisigawan ka niya na ‘Don’t talk to me!’ Ang taray, `di ba?
“Araw-araw ganun siya na parang baliw na. Minsan, nanonood lang kayo ng TV tapos biglang magsi-CR ka, maririnig mo kakalabog ‘yung pinto. Paglabas mo wala na siya. Siyempre, matatakot ka! Bakit mo ako iniwan? Eh, kasi hindi mo nilipat sa channel na gusto ko ang TV.’
“Para sa akin, mental abused na ‘yon!” kuwento ni Alessandra na sinundan ng tawa.
Grabeng mental torture raw ang naranasan ni Alex sa tinutukoy na ex-boyfriend niya.
“Grabe talaga! Siyempre, magi-isip ka kung anong nangyaring mali ? Anong ginawa kong mali. Sasabihin niya, wala lang! ‘Ha? Trip lang?’
“Minsan dadalawin mo, may dala kang food. Tatanungin ka, bakit ganyan ang mukha mo? Kasi nga pagod na ako. Bakit ganyan ang mukha mo? Umalis ka na!
Tapos itatapon ‘yung food sa iyo, umalis ka na! Sige, bye-bye! Ako naman aalis na ako, hindi ko kaya!
Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na kuwento pa rin ni Alex.
Anyway, hindi na dinitalye ni Alex kung gaano katagal ang pangtu-torture na ginawa sa kanya ng kanyang ex-boyfriend. Pero, matagal din daw siyang nagtiis sa naturang lalaki.
Bukod sa naturang lalaki, ikinuwento rin ni Alex na nakatikim na rin siya ng physical abused mula sa iba pa niyang naging boyfriend. Kapag naga-away raw sila noon at hinahawakan siya ng mahigpit sa kanyang dalawang braso at niyuyugyog, nasasaktan daw siya.
Sabi nga ni Alex, wala raw sa itsura niya ang pagiging martir pero sa tunay na buhay matiisin siya sa kanyang love life.
“Kahit sa mga friends talagang ganun ako. Kung bumitiw na ako, ibig sabihin tinodo mo na ako nang bonggang-bongga! Pero usually, loyal talaga ako kahit sabihin mong friend ‘yan na laging nangungutang nandiyan lang ako kahit inubos mo na ang pera ko,” sambit niya.
Pati raw verbal abused ay nakatikim na rin si Alex.
“Kasama na ‘yon sa ganun kapag nagagalit, minumura ka. Anong ginawa kong mali sa iyo? Pero after naman naming naghiwalay, tsinika ko naman sa kanya ‘yung mga ‘yon. Sabi ko, alam mo nu’ng tayo pa, ang sama-sama ng ugali mo! Kasi nga ganito ka, ganyan.
“In-explain ko sa kanya isa-isa ‘yon. Sabi lang niya, ‘oo nga no’. Kasi nga siguro nu’ng mga time na ‘yun insecure raw siya. Pero, naging friend ko naman siya. Actually, lahat naman sila naging friends ko.”
Pero, ayon kay Alex, okey lang daw sa kanya ang pang-aabusong mental, verbal at konting physical, at kaya raw niyang magtiis. Huwag lang daw siyang kakaliwain.
“Once na ang loyalty ang nawala, bye-bye na talaga. Kaya mo akong ilaglag for that, ano pang puwede mong gawin sa akin,” sabi na lang ni Alex.
Labels:
Alessandra De Rossi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment