Your Ad Here

Friday, December 25, 2009

Marian Rivera: "Kung hindi ka makukuntento sa buhay, walang happiness."


Ang nakaugalian na raw niyang pagdiriwang ng Kapaskuhan ang gagawin ng aktres na si Marian Rivera ngayong taon. Ito ay ang makasama ang kanyang pamilya sa natatanging araw na ito, partikular na ang kanyang lola at ina.



Pero sa kabila nito, hindi itinatanggi ni Marian na mas masaya siya ngayong Pasko kung ikukumpara sa mga nagdaan niyang Pasko.



"Ay, siyempre, mas pasaya siya nang pasaya," nakangiting pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Sa palagay ba niya wala nang kulang sa buhay niya?



"Ay siyempre po, lahat naman may kulang," sagot ni Marian. "Pero di ba nga, sinasabi nga po sa Bibliya, makuntento ka kung ano ang meron ka. Kung hindi ka makukuntento sa buhay, walang happiness. So, kung anuman ang meron dito na happy ka naman, nagagawa mo naman lahat, makuntento ka na lang. Happy rin naman. Although may kulang, pero i-enjoy mo kung ano ang meron ka lang. Ako naman, enjoy ko lang, magpakasaya ako. Mahalin ko ang mga taong mahal ko."



Paano ba niya ia-assess ang taong 2009 para sa kanya?



"Yung 2009, actually umayos nang umayos. Paayos siya nang paayos. Lalo na sa mga press, sa mga fans. Pero yung mga konting intriga na pasulpot-sulpot, hindi talaga nawawala, e."



Naaapektuhan pa rin ba siya ng mga intrigang yun?



"Hindi na, kasi ang dami rin naming nagtatanggol. So, okey lang, magpaka-happy lang, di ba?" nakangiti pa rin niyang sabi.



Pagdating naman sa kanila ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes, naniniwala si Marian na kahit ang mga kani-kanilang pamilya ang kasama nila ngayong Pasko, makakahanap pa rin sila ng panahon para makapiling ang isa't isa.



"Siyempre, bahay niya, bahay ko. Pero siguro pupunta siya sa house. Then kung saan kami puwedeng magpunta after, ganun siguro. I'm sure naman we'll have time to be together. Pero siyempre, family muna," saad niya.



ENDORSING NOYNOY. Naitanong din ng PEP kay Marian ang tungkol sa pag-e-endorse niya kay Senator Nonoy Aquino sa pagka-Presidente ng bansa. Ayon kay Marian, sarili niyang desisyon ito.



"Gusto ko talaga si Kuya Noynoy. At mahal ko si ate Kris [Aquino, Noynoy's sister], gagawin ko 'yan. At isa pa, nandun din si Dong na involved din. Parang lahat nagsama-sama, e. Gusto ko si Kuya Noynoy bilang Presidente, mahal ko si ate Kris, susuportahan ko yun. Best friend pa ni Popoy [Caritativo, Marian's manager] si Ate Kris," paliwanag ni Marian.



We told Marian na ayon nga kay Dingdong, hindi siya inimpluwensiyahan nito sa anumang paraan.



"Ay hindi. Parang noong nag-usap kami, 'Sino yung ganito?' 'A Noynoy, ako rin Noynoy,' parang ganun. Ang hirap din naman kasi na magkalaban kaming dalawa, e."



Hindi siya nanghinayang sa offers ng iba na posibleng ilang milyon ang katapat i-endorse niya lang?



"Well, tulad nga ng sinabi ni Ate Kris sa speech niya, baguhin natin ang istilo natin. Hindi kailangang bayaran ka para mag-endorse ka. Kailangan mag-endorse ka kung saan ka naniniwala. Kung ano ang pinaniniwalaan mo, dun ka," sabi ni Marian.



Dagdag niya, "At saka palagi kaming nanonood ng Isang Tanong, Isang Sagot [GMA'7's presidential forum], bilib naman kami sa mga sagot niya [Noynoy]."

0 comments:

Post a Comment