Your Ad Here

Saturday, April 3, 2010

Oyo Sotto, ‘Mama’ ang tawag kay Kristine Hermosa


Hanggang ngayon ay ayaw pa ring lagyan ng label ni Oyo Sotto ang relasyon nila ni Kristine Hermosa. Sabi ni Oyo, makukumpirma lang niya ang sitwasyon nila ni Kristine kapag ikinasal na sila.
Inamin ni Oyo na pinag-uusapan na nila ni Kristine ang tungkol sa kasal. Kaya hindi raw totoo ang tsismis na ikinasal na sila sa US kamakailan. Sabi nga ni Oyo, hindi pa siya nagpu-propose kay Kristine.

Itinanggi rin ni Oyo ang balita na nagpagawa na sila ng wedding ring ni Kristine. May ibinigay raw siyang singsing kay Kristine, pero hindi raw `yon wedding ring.Tinanong namin si Oyo kung totoong may trauma na si Kristine sa pagpapakasal dahil sa nangyari sa kanila noon ni Diether Ocampo. Sagot ni Oyo, wala raw trauma sa kasal si Kristine, at gustung-gusto pa rin daw nitong magsuot ng wedding gown at maikasal sa simbahan.

Siyempre, ipinagtanggol ni Oyo si Kristine sa mga tsismis na kesyo maldita ito. Giit ni Oyo, wala siyang nakikitang pangit na ugali kay Kristine.
Ang kabaitan daw ni Kristine ang madalas niyang nakikita. At kung may moods daw si Kristine sa trabaho, hindi raw maiiwasan ‘yon dahil tao rin naman daw si Kristine na napapagod din.

Tinanong din namin si Oyo sa sinabi ng tatay niyang si Vic Sotto na nag-aalangan na itong kunin si Kristine bilang leading lady, dahil naiilang na raw siyang maging asawa sa harap ng kamera ang girlfriend ng kanyang anak. Hirit ni Oyo, biruan lang daw nila `yon ni Vic, at wala raw problema kung kunin uling leading lady ni Vic si Kristine.

Siyanga pala, inamin ni Oyo na ‘Ma’ ang tawag niya kay Kristine, at ‘By’ naman ang tawag sa kanya ni Kristine.
“Kasi nga, Mama ko siya sa movie at anak naman niya ako, kaya By ang tawag niya sa akin,” sabi na lang ni Oyo.
read more "Oyo Sotto, ‘Mama’ ang tawag kay Kristine Hermosa"

Jolina, sobrang apektado sa halik ni Akihiro!


Sa Tagaytay nagbakasyon si Jolina Magdangal nitong Holy Week. Kuwento ni Jolina, kahit doon na nakatira ang kanyang parents, hindi raw siya masyadong nakakapunta roon.

Kaya sinamantala niya ang Holy Week para makipag- bonding with her family. Binisita na rin niya ang building na pinatatayo niya roon pati na ang mga negosyo nila roon.“Sayang nga at hindi umabot sa Holy Week ‘yung restaurant. Supposedly ang plano talaga, bago mag-Holy Week ang soft opening ng restaurant, pero hindi umabot,” say ni Jolina.

Nagkaroon din daw ng time si Jolina na makasama ang parents ng boyfriend niyang si Mark Escueta.
“Okey naman kasi pinayagan naman ako ng parents ko na sumama sa family niya,” say lang niya.
Anyway, puring-puri naman ni Jolina ang kanyang ka-partner sa primetime series na Panday Kids na si Akihiro Sato.

“Hindi ko ine-expect na ang bait niya, na magaan siyang katrabaho at napaka-gentleman. ‘Yung first scene namin, kiss agad. So, sobrang apektado sa kissing scene na `yon dahil hindi naman talaga ako sanay sa mga kissing scene.

“Eh, hindi ko pa siya masyadong kilala at first time naming magkaeksena at kissing scene agad. Pero, nakita ko sa kanya na hindi siya nagte-take advantage. Ako, sobrang kabado, pero siya, wala lang. Ha! Ha! Ha!”

Nakakahawa rin daw ang pagi­ging pala-smile ng Brapanese star.
Siyanga pala, kasama rin si Jolina sa Party Pilipinas. At natutuwa raw siya sa pilot episode nila at nakita naman daw niya ang effort ng lahat na makapagbigay ng mas maganda at entertaining show.

Pinanindigan pa rin ni Jolina ang bago niyang itsura sa Party Pilipinas. At sabi nga, siguradong magugulat pa rin ang mga tao sa gagawin at ipakikita niya sa mga susunod na Linggo.
“Basta, kapag nanonood sila ng Party Pilipinas, para silang nanonood ng isang magazine,” sambit ni Jolina.
read more "Jolina, sobrang apektado sa halik ni Akihiro!"

Melason, sasabak sa matinding pagsubok!


Paano nga ba haharapin ng dalawang laking probinsya ang mabilis at magulong buhay sa siyudad, lalo na ngayong sikat na sila? Mabibigyang katuparan pa kaya nila ang mga pangarap para sa kanya-kanyang pamil­ya lalo pa’t over, over na ang pagka-busy nila?

Iyan ang mga tanong na bibigyang kasagutan sa Melason in Da City, ang bagong realiserye nina Melisa Cantiveros at Jason Francisco na magpapatawa at magpapakilig sa buong pamilya.

Simula Lunes (Apr. 5) ng 10 a.m., muling masusundan ng bayan ang buhay ng magkasintahang Melai at Jason o Mela­son, habang sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap kasabay ng pag-a-adjust sa buhay Maynila. Si Melai kailangan ng pampagamot sa amang may sakit, samantalang gusto naman ni Jason na ipagpatayo ng bahay ang pamilya.

Sa totoo lang, buong mundo ang sumusunod sa kanilang love story dahil maging sa Internet ay may eksklusibong mga video nila ang napapanood sa http://tfcnow.abs-cbn.com/ at http://www.iwantv.com.ph. Sabi nga, sila ang Prinsesa at Prinsipe ng Masa.

At sa Melason in Da City, patuloy silang mapapalapit sa publiko sa kanilang paghahanap ng puwesto sa real world. Saksihan ang kakulitan ng dalawa sa kanilang mga posibleng landlord o landlady.
Magaganap na rin ang muling pagsubok ng mag-sweetypie na makapag-malling matapos dumugin noong u­nang mall date nila. Wala nang sabwatan ang magaganap sa bago nilang prog­rama kaya’t nakasalalay na lang sa dalawa ang kanilang kapalaran.

“Sobrang happy kasi hindi mahirap. Walang script. Masaya lang,” ani Melai.
Si Jason naman ay lalong ginaganahang magtrabaho. “May kakayahan pala akong kumita. Pinaghihirapan ko. Akala ko, hindi ko magagawa, pero may pag-asa pala,” sabi pa ni Jason.
read more "Melason, sasabak sa matinding pagsubok!"

Tanya Garcia, maselan ang pagbubuntis


Pasko ng Pagkabuhay ngayon at isinabay ni Tanya Garcia ang pag-anunsiyo na tatlong buwan na siyang buntis sa ikalawang anak nila ni Mark Lapid. Sa grand opening ng kanyang salon na AlCUTraz Hair Studio sa may Ortigas Center nga namin nakatsikahan si Tanya, na wala pa ring kupas ang ganda.

Kuwento ni Tanya, last year pa raw sila sumubok ni Mark Lapid na makabuo ng bagong baby.
“Kasi nga 2-year old na si Mischa at gusto na na­ming bigyan ng kapatid. Pero we weren’t lucky pa sa pagbuo ulit. Kaya hindi na kami nag-try ng sobra.

“Then a few months after parang iba na ‘yung paki­ramdam ko. Kung ano ‘yung nararamdaman ko noong nabuntis ako kay Mischa, ‘yun ulit ang pakiramdam ng katawan ko.“So I took a pregnancy test at positive nga. Tinawagan ko si Mark at sinabi ko na humawak siya sa anumang makakapitan niya kasi may ibabalita ako sa kanya. So akala niya pagkakagastusan na naman. Pero noong sinabi ko na I’m pregnant, talagang sumigaw siya sa tuwa,” natatawang kuwento ni Tanya.

Sobrang ingat nga si Tanya ngayon dahil maselan daw ang pagbubuntis niya ngayon.
“My doctor said medyo at risk na naman itong pagbubuntis ko and she advice na hindi ako puwedeng ma-stress, mapagod or ‘yung magbiyahe nang matagal. Baka raw kasi maging masama sa katawan ko.”

Sa huling check-up nga ni Tanya ay maayos naman daw ang lagay ng second baby nila ni Mark. May heartbeat na ito at normal ang mga signs sa ika-three months nito sa loob ng kanyang tiyan.
“I’m so thankful kay God kasi nga nandiyan Siya to always protect me and my family. Kaya it’s my duty naman na pangalagaan ang sarili ko rin. Buti na lang nandiyan ang family ko at family ni Mark to help me out. Kung may kailangan daw ako na manggaling sa Manila, sila na ang kukuha for me.”
Seafoods nga ang cravings ni Tanya noong nagsimula siyang maglihi.

“Basta gusto kong kumain ng isda. Once na natikman ko, ayoko na. Iba naman ang hahanapin ko. Minsan nga, naglambing ako kay Mark na ipagluto niya ako ng adobong pusit. Natawa siya at sinabing ibang klaseng luto na lang daw ng pusit ang hilingin ko baka raw kasi maging kakulay niya ‘yung second baby namin!”

Wishing for a baby boy nga sila Tanya at Mark.
Ikinuwento nga ni Tanya na dapat ay sa December ng taong ito ay magpapakasal na sila ni Mark. Nagpaplano na nga sila kung saan gagawin ang kanilang wedding at pati ang wedding gown na isusuot ni Tanya ay pinaghahandaan na.

Pero dahil nga sa pagbubuntis ulit ni Tanya ay na-move sa 2011 ang kasal nila ni Mark.
read more "Tanya Garcia, maselan ang pagbubuntis"

Friday, April 2, 2010

Marvin Agustin aims for a spot at the 16th Asian Games in China


Actor, host, and entrepreneur Marvin Agustin will continue his archery training during the Holy Week aside, of course, from spending quality time with his adorable twins, Sebastian and Santiago.



In Holy Weeks past, Marvin made the most of the long break by heading to some of the country's popular beaches along with friends and fellow celebrities. Now he would rather stay home in the city to rest together with his kids.



"Holy Week is the only time that I get to spend quality time with them [Sebastian and Santiago]. Medyo crowded na din kasi 'yong mga beaches kaya I just stay home," Marvin said to PEP (Philippine Entertainment Portal) at the launching of Party Pilipinas last March 28.



MENTAL GAME. Marvin has his bows and arrows as well to keep him company throughout the holidays. He eyes competing in Cebu at the end of April, saying, "Para naman may kahinatnan 'yong mga training na pinaggagagawa ko."



He says he trains "almost every day," usually at the spacious University of the Philippines campus in Diliman, Quezon City, together with his coach.



The scheduled Cebu archery event will also serve as a qualifying tournament for the competitors aspiring to represent the country in the upcoming 16th Asian Games to be held this year on November 12 to 27 in Guangzhou, China.



The stakes are obviously high, but Marvin isn't thinking too much of the pressure and possible disappointment should he fail to advance in the national tournament. Archery, he said, is more of a mental game than mere method.



"I just play my game," he smiled. "Dapat lagi ka lang positive kasi minsan, kahit anong ganda ng practice mo pero nasira 'yong araw on that day, sira na laro mo. You can't really expect anything, you just shoot."
read more "Marvin Agustin aims for a spot at the 16th Asian Games in China"

Jason Abalos sets aside love life to focus on his career


Nilinaw ni Jason Abalos na bagamat magkatambal sila ni Andi Eigenmann sa primetime series na Agua Bendita, imposible umano na mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan



Para sa binatang aktor, malapit na kaibigan lamang ang kanyang turing sa dalagang anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose, na nakatrabaho naman niya sa Nagsimula sa Puso (2009)



Nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin kung sakaling mahulog siya kay Andi, natatawang sagot Jason, "Kailangan munang ipagpaalam kay Mama Minda [Jaclyn's role in Nagsimula sa Puso]."



Ayon kay Jason, napag-usapan na nila noon ni Jaclyn ang pagsasama nila ni Andi noong ginagawa pa lamang nila ang dating afternoon teleserye.



Kuwento ni Jason, "Kasi noong nasa Nagsimula sa Puso pa lang kami, hindi pa kami tapos, nalaman namin na gagawin namin itong Agua Bendita. Sabi niya, 'Oy, aalagaan mo ang anak ko, ha? Babantayan mo 'yan.' Sabi lang niya, 'Bantayan mo lang.' Parang, siguro, 'Alalayan mo lang.'"



Nabanggit ni Jason na ngayong Holy Week, nagpaplano ang kanyang mga dating kasamahan sa Nagsimula sa Puso na isang get-together. Pagkakataon na kaya ito upang mas mapalapit sa kanyang leading lady at sa ina niya?



"Kung ibibigay 'yon, binigay ng pagkakataon," matipid na sagot ni Jason.



Pero dagdag niya, mahirap na lumigaw ngayon sa 19-year-old actress dahil pausbong pa lamang ang kanyang showbiz career. "Kung darating ang time. Pero ngayon kasi, ang ganda ng takbo ng career niya, e. Parang ang hirap harangin, e. Ang hirap 'yong ikaw ang maging dahilan para masira, di ba?"



STILL MAJA. Sa kabila ng pagkakaroon ng panibagong ka-love team, hindi pa rin naitanggi ni Jason na mas lamang pa rin sa puso niya ang dati niyang kapareha na si Maja Salvador.



Minsan na ngang na-link ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi naman ito nauwi sa isang tunay na relasyon.



Ayon sa 25-year-old aktor, minabuti niya muna na mag-focus sa kanyang showbiz career bago bigyan ng pansin ang lovelife. Aniya, "Siguro, hindi lang para sa akin. Gusto ko din pero hindi naman ako nagmamadali. Kung talagang para sa akin, para sa akin."



Patuloy pa niya, "Ito palang trabaho, kumbaga, binigay ng Diyos sa akin, sobrang pagpapasalamat, e. Hindi na ako humihingi ng kung ano pa. Kung ibigay man 'yong, kunwari, lovelife, parang bonus na 'yon. Sobrang suwerte ko na kapag sa career okay ka, sa lovelife okay ka pa rin."



Ayaw niya rin umano na maging dahilan ng posibleng pagkaudlot ng kasikatan nila ni Maja kung magkaroon man sila ng relasyon. Ito ang dahilan kung bakit tila matagal-tagal nang walang balita tungkol sa lovelife ni Jason.



Paliwanag niya, "Para kasi nagsisimulang artista [pa lang siya noon]. Ako rin, nagsisimula, iniisip ko rin ang career ko. Sila din, mas iniisip nila ang career nila kasi mga babae sila. Parang kapag pinasok ko 'yon, tapos masira ang career nila, ako pa ang masisisi."
read more "Jason Abalos sets aside love life to focus on his career"

Post-StarStruck status alters Rocco Nacino's usual Holy Week routine


Newcomer Rocco Nacino continues to feel star-struck (no pun intended) in the presence of more established stars.



This was particularly true at the launching of Party Pilipinas last March 28 at Studio 7 of the GMA Network Studios in Quezon City. Rocco confessed being in awe upon seeing most of the network's biggest names during the opening number.



"Natutuwa ako na nakikita ko sila," Rocco told PEP (Philippine Entertainment Portal).



He was particularly elated to dance alongside his "idols" Mark Herras and Aljur Abrenica. Rocco mentioned feeling nervous initially but all his reservations faded as the production number went on.



Rocco acknowledged the huge expectations placed on the shoulders of the program's mainstays following the demise of SOP. But the StarStruck Second Prince is optimistic that Party Pilipinas will manage to distance itself from the shadow of its predecessor.



Said Rocco, "No pressure kasi with old veteran artists, new artists, new concepts, and new gimmicks, confident po ako na magugustuhan 'to ng mga tao."



Still fresh from the recently concluded season of StarStruck, Rocco continues to adjust to the sudden change of routine and lifestyle.



"I don't have much time for myself anymore dahil sa taping," Rocco confided. "Grabe, ganito pala buhay ng artista... Dapat talaga mahalin mo ang trabaho mo."



Not that the Baguio-born newbie is complaining. "Pero sobrang nae-enjoy ko po 'yong time ko ngayon dito though nakakapanibago nga."



Life has never been the same after StarStruck. Rocco's Holy Week plans aren't like before.



"Stay at home to rest," he admitted. "Dati po 'yong family ko nagpupunta kami sa lugar na hindi pa namin napupuntahan. Pero ngayon po, baka pahinga muna kasi pagod talaga sa trabaho."



In a message on his Facebook account yesterday, April 1, Rocco said he was in a private resort with his family.
read more "Post-StarStruck status alters Rocco Nacino's usual Holy Week routine"