Your Ad Here

Thursday, March 25, 2010

John Lapus, todo-landi kay Mark Bautista!


SAGAD sa shooting ng pelikula ang schedules ngayon ni John Lapus kaya naman hindi niya maisingit ang kumukuha sa kanya sa kampanya.

Patapos man ang komedyante sa shooting ng Here Comes The Bride na pinagsamahan nila nina Eugene Domingo, Tuesday Vargas, Jaime Fabregas at Angelica Panganiban, malapit na ring magsimula ang Regal movie nila ni Eugene na si Ricky Lee ang sumulat at si Joel Lamangan ang director.


“Hay naku, ang ganda-ganda ng script ng dalawang movies. Kaya naman ang byuti ko, doon naka-concentrate ngayon,” sabi ni John.


Sa Regal movie raw ay gaganap silang magkaibigan ni Uge, pero magkakaroon ng matinding away dahil sa lalaki na gagampanan ni Dennis Trillo. Pagdating nga lang sa movie naman niya sa Viva Films kasama sina Regine Velasquez at Aga Muhlach, na ilang buwan nang nakatengga, ayon kay John, kapag may pumasok na schedule at puwede siya, hindi problema ‘yon sa kanya.


“Pero maganda rin ang story ng movie nina Aga at Songbird. Kung silang dalawa ay may romantic moments, naku, ganoon din kami ni Mark Bautista, ‘no? Ipinaglaban ko talaga ‘yon!” sambit ng komedyante.


Sa script kasi, very typical na lalaki si Mark na nandidiri sa bading. Tumatakbo kapag nilalandi sa eksena.

Pero hindi pumayag si John na maging stereotype ang eksena nila ni Mark at laging talunan ang bading.


“Sinabi ko kay Mel (del Rosario, writer) na dapat, magkagusto sa akin si Mark. Sa kuwento, ‘di hamak na mas malaki ang kinikita namin ni Regine kesa sa kanila ni Aga. So, sa totoong buhay, kapag may pera ang bading at walang pera ang lalaki, may chance na pumatol ang lalaki!


“Pumayag naman si Mel! Na-achieve ko naman ang gusto ko! Kaya si Mark, naging dyowa ko sa movie at habang naglalambingan sina Regine at Aga, kami rin ni Mark, may eksenang romantic, huh! Ha! Ha! Ha! At least, na-experience kong malandi si Mark kahit sa movie lang! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni John na tawa nang tawa.


Naku, meron kayang maapektuhan sa landian at lam­bingan nina John at Mark sa movie?


At least, virgin man si Mark sa bading, suwerte si Sweet dahil siya ang naka-donselya kay Mark kahit sa screen lang, huh! Ha! Ha! Ha!
read more "John Lapus, todo-landi kay Mark Bautista!"

Oyo, natulala sa kaseksihan ni Kristine!


IBA talaga kapag boyfriend mo ang kasama mo sa trabaho, nawawala ang lahat ng hiya mo sa katawan.


Ganiyan daw ang nangyari kay Kristine Hermosa, na sa romantic-comedy mini-series nila sa hapon, ang Precious Hearts Romances presents Quikilig, Lumang Piso para sa Puso, na kung saan ay ang boyfriend na si Oyo Sotto nga ang kapareha niya, hindi raw ito nangimi na magsuot ng swimsuit sa isang eksena.


Kunsabagay, wala namang dapat ikahiya si Kristine sa paglalantad ng kanyang kaseksihan, dahil maituturing nga siya na isa sa pinakaseksi, pinakamakinis na aktres sa kasalukuyan.


Sa eksena kasi, nagkaroon ng company outing at sumama nga sina Dave (Oyo) at Sandra (Kristine), at doon na nagsuot ng swimsuit ang dalaga.


At ano sa tingin niyo ang naging reaksiyon ni Oyo? Sabi ng mga tao sa set, parang natulala raw si Oyo sa mala-diyosang kagandahan/kaseksihan ni Kristine.


Dugtong na kuwento pa ng mga taong saksi sa taping nina Kristine at Oyo, malayung-malayo raw ang mga karakter na ginagampanan nila sa PHR, dahil kung sa kuwento ay araw-araw silang nagbabanga­yan, sa likod ng kamera ay super lam­bingan sila.


Anyway, mas kaabang-abang daw ang mga eksena nina Kristine at Oyo sa mga susunod na araw, dahil mas magiging malapit na sila sa isa’t isa.
read more "Oyo, natulala sa kaseksihan ni Kristine!"

MUKHA NI KRIS, NALAMOG SA SAMPAL!


Ang pagkakalamog sa sampal ang ma­laking rason kung bakit naudlot ang pagsama ni TV host Kris Aquino-Yap sa Pa­ngasinan sorties ng kanyang Kuya na si Sen. Noynoy Aquino.


Ayon sa Liberal Party presidential bet Benigno “Noynoy” Aquino III, inumaga sa taping at nabugbog sa programang “Kung tayoy magkakalayo” ang utol niya.


At dahil doon ay hindi nga nakarating si Kris sa 2-day Pangasinan sorties.
Sa pagkukuwento pa ni Sen. Aquino, naka-take 3 ang eksenang sampalan kay Kris, kung saan napalakas umano ang sampal, kaya namaga ang mukha ng naka­babatang kapatid.


“Medyo napalakas daw ang sampal sa eksenang sampalan.

Eh take 3 pa, at nagkaroon daw ng maga,” ani pa ni Aquino.


Naintindihan naman ni Sen. Aquino kung hindi nakarating ang kapatid sa Pa­ngasinan dahil magkakasunod na campaign sorties naman daw ang inangkasan nito sa Region 1 at Region 2, at pati nga `yung sa Vigan, City.


“Natandaan ninyo sinamahan niya ako Region 1 and 2, last day sa Vigan, at after ng speech diretso siya sa Manila by land, tapos diretso taping ng 7 am at masyado siyang nasagad,” kuwento pa ni Sen. Aquino.


Bagamat wala si Kris sa malalaking rally ni Aquino sa Pangasinan, hindi pa rin mahulugan ng karayom ang mga political event ni Sen. Aquino, at hindi talaga makausad ang motorcade dahil sa nakaharang ang mga tao sa gitna ng kalsada.


Bago nga ang Pangasinan, rumatsada nang husto si Kris sa pagsama sa kampaniya ng kanyang Kuya Noynoy. At base sa obserbasyon ng marami, kapag kasama si Kris ay talagang dagsa ang maraming tao.


‘Yun nga raw ang dahilan kung bakit dedma na lang si Kris sa bira ng kanyang mga kalaban, na kesyo nakasisira siya sa kandidatura ng kanyang ka­patid. Sabi nga niya, kahit saan daw siya magpunta ay ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng mga tao sa kanya at sa kanyang kuya, kaya hindi siya affected sa mga negatibong balita sa kanya.


Una ngang pinatunayan ni Kris ang kanyang drawing power sa matagumpay na kampaniya ni Noynoy sa Zamboanga City. Dinumog talaga si Kris ng mga tao roon, pati na ang kuya niyang si Noynoy, at mister na si James Yap.


Sa Ilocos Norte naman na kilalang balwarte ng mga Marcos ay mainit din silang tinanggap ng mga tao roon. Ang pagpunta ni Aquino sa Laoag ay kauna-unahang pagtapak niya sa teritoryo ng mga Marcos.


“Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa lahat ng mga nagmamahal sa amin,” sabi lang ni Kris.


Naniniwala naman si Sen. Noynoy na makukuha niya ang kinakailangang suporta ng mga botante sa Ilocos Norte sa kabila ng mga naglabasang ulat na pangalawa lang siya sa mga kandidato sa pagkapangulo sa lugar na ‘yon.


“Isipin mo first time akong nagpunta roon. Kung pumapangalawa na ako, palagay ko maganda nang resulta ‘yan at narito ako para magpasalamat dahil sa senatorial campaign ko, ‘di hamak na mas maganda ang resulta ko sa Ilocos Norte kesa Pampanga, na-magic tayo nang husto, 10 ako sa Ilocos, 12 sa Pampanga,” aniya.
read more "MUKHA NI KRIS, NALAMOG SA SAMPAL!"

Alessandra, ayaw sa halik ni Victor!


PINANININDIGAN ni Alessandra de Rossi na no kissing scene pa rin siya hanggang ngayon. Kahit na may pagka-daring na rin ang tema ng kanyang indie film na Romeo and Juliet kasama si Victor Basa, hindi talaga siya pumayag na makipag-lips to lips.


Pero, payag naman siyang magpaka-daring dahil hayun nga at may eksenang ipinakita na naka-panty lang siya.


“Eh, sabi ko nga, daring siya sa akin kasi, ‘yung mga damit na isinuot ko sa movie, ‘yun ang mga damit na never ko pang naisuot sa kahit na anong movie ko. Sa pictorial ko, oo, pero sa movie, hindi pa, pero, hanggang ganun lang naman, wala pa ring kissing scene,” sey niya.


“Kapag tingin ko, hindi naman kailangan, bakit ko gagagawin, ‘di ba? Kagaya sa mo­vie, puwede namang wala, eh, ‘di wala. Hindi naman kailangang pasukan ng kissing scene kung puwedeng wala naman,” dugtong pa ni Alex.


Anyway, hanggang nga­yon ay wala pa rin daw siyang boyfriend.
read more "Alessandra, ayaw sa halik ni Victor!"

Hiwalayan kay Dingdong, tinawanan ni Marian!


PINAGTAWANAN na lang ni Marian Rivera ang isyung umiikot ngayon na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.


“Last week pa ang isyung ‘yan! May lumabas na naman ba ngayon? Hindi totoo! Imposibleng mangyari ‘yon!” sambit ni Marian sa amin nang makausap namin sandali sa break ng taping ng Show Me Da Manny last Tuesday.


“Naku, kung problemado ‘yan sa lovelife, makikita mo sa mukha niyan (Marian) ang problema. Pero hayan at tawa siya nang tawa, huh! ‘Yan ba ang may problema kay Dingdong?” sabi naman ng isang taong malapit kay Marian.Gaya nang nasulat namin kahapon, sa Baguio idaraos ng lovers ang Holy Week. May kaugnayan sa mga eksenang kukunan sa Sagada para sa pelikula nilang You To Me Are Everything ang pag-akyat nila roon.


Maga-advance taping din si Yan-Yan ng SMDM dahil balitang isang buwan siyang magkakaroon ng shows sa abroad. Pagbalik niya rito, saka niya sisimulan ang series nila ni Dong.
read more "Hiwalayan kay Dingdong, tinawanan ni Marian!"

Gawin bang pokpok si Anne Curtis?


MATAGAL nang pinalulutang na diumano eh nagkabalikan na ang dating mag-sweetheart na Anne Curtis at Sam Milby now that they are back into each other’s arms simply becoz may movie silang ipapalabas na sa Black Saturday na “Babe I Love You”.


Eh kaso, hindi kinagat ang pautot ng Star Cinema.

Ayaw nilang maniwala na nagbalikan na sina Sam at Anne.


Kaya next week na ang labas ng movie nila eh hindi pa rin matunog. Natataranta ang Star Cinema. Kasi papano nga nilang ipapangalandakan na 20M ang first day nito, sabay kuha ng mga manonood sa premiere night ng libre at kukunan ng forever and ever na statements: “Ang ganda!” “Bagay na bagay sila!” “Uulitin ko!” “Ang guwapo ni Sam!”, etc. etc. na pang-eklay.


Then, the unexpected happened. (Uhum, baka naman sinadya ni Anne Curtis ‘yun hindi kaya?).


Sa Boracay habang nagteteyping ng ipapalabas sa Linggo ng zap (Asap) ay biglang lumuwa ang kanang boobs ni Anne at nakunan ng litrato ang suso niya reminding us of Didith Reyes na kumanta sa isang awards night na lumusot din sa manipis niyang gown ang isang suso niya!


Naging talk of the town tuloy si Didith at sumikat nang husto. So hayan at ‘yan ngayon ang scandal of the year na nagpalubog sa dukot-balls ni Angelica Panganiban sa balot-penoy ni Derek Ramsay. Eh ‘di pinag-uusapan nga ngayon itong si Anne Curtis.


Kaya may promo slant na ang movie nila ni Sam na “Babe I Love You”. So, the sweetness of Anne and Sam will last until the movie’s showing. Kaya si Sam moved on to his next assignment. ‘Yung concerts nila abroad ng ka-heartthrob niya. Tapos na ang pakiyeme sa publiko. So what happens when Anne Curtis starts shooting her movie with Richard Gutierrez? Richard was Anne’s former boypren na kahalikan pa niya sa naka-park na kotse sa Baclaran, debah? Remember?


Ngayong magkatambal uli ang dalawa, anong gimik naman ang gagawin? Nagkabalikan na naman ang dalawa? What? After Sam si Richard naman?


Eh ‘yan lang naman ang puwedeng maging promo slant ng movie nila eh. Poor Anne Curtis, kawawa naman. Ginawang pokpok para lang sa movies niya? Isn’t there anything they can use to promote a movie at kailangan ang matinding eskandalo para mapansin at mapag-usapan ang pelikula? How so typically Filipino noh!
read more "Gawin bang pokpok si Anne Curtis?"

Dibdib ni Anne, pinagpipiyestahan na sa Internet!


KASUSULAT pa lang namin kahapon tungkol sa tiyak na pagkalat sa Internet ng mga litrato ng wardrobe malfunction na nangyari kay Anne Curtis, at hindi nga kami nagkamali.


Isang kaibigan na re­sidente sa Amerika ang nagpadala sa amin ng link sa website na nag­labas ng mga litrato ni Anne.


Nauna pa ang mga kababayan natin sa Amerika na makakita sa controversial photos ni Anne na kuha mula sa dance number niya sa ASAP XV noong Linggo sa Boracay.
(Sa Facebook account ng mga kakilala namin ay makikita na rin ang mga pictures na kung saan ay lumabas nga ang dibdib ni Anne sa ASAP sa Boracay—ed).


Kung may kunsuwelo man si Anne tungkol sa pagkalat sa Internet ng controversial pictures, ito ay ang pakiusap ng supporters niya sa website moderator na alisin ang mga litrato bilang respeto sa kanya dahil aksidente ang nangyari.


Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Anne sa mga isyu na may kaugnayan sa Internet at mga cellphone camera. Several years back, pinagpasa-pasahan sa mga cellphone at ku­malat sa iba’t ibang website sa Internet ang kissing video nila ng kanyang ex-boyfriend na si Richard Gutierrez.


***


Pinag-uusapan pa rin ang forum/debate ng mga Vice-Presidentiable sa Harapan ng ABS-CBN noong Linggo. Pa­tuloy ang pagkuwes­tyon sa paraan na ginawa ng network sa pagpili ng mga tao na bumoto sa kanilang poll survey na “naniniwala” at “hindi naniniwala”.


Paano raw nakatiyak ang production staff ng Harapan na hindi partisan ang mga tao na inimbitahan nila para bumoto?


Magagaling sumagot sa mga tanong ang ilan mga Vice-Presidentiable pero sa survey, hindi sila pinaniwalaan ng mga botante.


Nabahiran ng pagdududa ang resulta ng survey. May mga nagkomento na na-set up si Senator Legarda na pinagbigyan pa rin ang imbitasyon na dumalo sa Harapan, kahit kagaga­ling lamang niya mula sa isang near-death expe­rience.


Nag-emergency landing ang helicopter na sinakyan ni Senator Loren dahil sa zero visibility nang magpunta siya sa Sariaya, Quezon noong Linggo.
read more "Dibdib ni Anne, pinagpipiyestahan na sa Internet!"