Your Ad Here

Thursday, May 6, 2010

Marian at Dingdong kinanta ang theme song ng ABS-CBN show


Hindi naman daw na-call ang attention nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pagkanta ng theme song ng soap ng ABS-CBN na Kung Tayo’y Magkakalayo dahil nangyari ‘yun sa rally sa San Andres, Manila at kasama nilang kumanta si senatoriable Risa Hontiveros.

Weird lang na kinakanta nina Marian at Dingdong ang theme song ng soap ng ABS-CBN dahil GMA 7 talents sila, pero naintindihan daw ng network na biglaan ang pangyayari.

Anyway, gaya ni Regine Velasquez, pagod din sina Marian at Dingdong sa paga-advance taping ng Endless Love : Autumn In My Heart dahil aalis sila sa May 12 with Regine and Ogie Al­casid at sa first week ng June pa ang balik. Sa kaso ni Marian, dagdag na work load ang taping ng Show Me Da Manny at noong isang araw, nasa Batangas ito.

Noong Monday nag-first taping day sina Marian at Dingdong ng Endless Love at kasama nila si Dennis Trillo. Sina Marian at Dingdong muna ang may mga eksena. Malapit lang ang location, pero bawal isulat at baka sumugod ang fans, ma-stress si direk Mac Alejandre.

Busy ang 2010 ni Marian at pagkatapos ng You To Me Are Everything, gagawin niya sa Regal Films ang Super Inday para sa Metro Manila Film Festival. Tuluy-tuloy din ang dating ng endorsement offers at puwede nang isulat na siya ang bagong Honda motorcycle endorser.

Nag-renew din ang isa pang endorsement na magkasama sila ni Dingdong at magkasunod nitong isu-shoot ang TVC ng dalawang produkto.

Kahapon din ang first day showing ng You To Me Are Everything na graded B ng Cinema Evaluation Board.
read more "Marian at Dingdong kinanta ang theme song ng ABS-CBN show"

Tuesday, May 4, 2010

Marian,Dingdong more open about relationship


Opening on Wednesday in theaters nationwide is the much-anticipated second movie team-up of popular loveteam Dingdong Dantes and Marian Rivera. Entitled “You to Me Are Eerything,” the movie is the latest collaboration between GMA Films and Regal Entertainment.

If Mother Lily is so excited about the movie, it’s because she believes in the tandem of Marian and Dingdong, that they are the most loved and most followed loveteam in the country today. Their screen partnership provides the “kilig” factor that fans are looking for, and since they are also real-life sweethearts, such “kilig” factor is doubled. As they say, “what you see (in them) is what you get.”

They no longer hide their feelings, they’re very open and so affectionate to each other and people who see them are moved. In “You to Me Are Everything,” Dingdong and Marian translate the electricity of their romance on screen and surely their fans will be tillilated no end.

Marian portrays Iska, a cheerful and unassuming Igorot maiden whose life suddenly changed when her estranged father dies and leaves her with a multi-million fortune. Being raised in the province, Iska is clueless of how she would live her life in the city – until she meets Raphael (Dingdong Dantes).

Shot partly against the breathtaking mountains of Baguio and the lush landscapes of Benguet, “You to Me Are Everything” also stars Jaclyn Jose, Isabel Oli, Bobby Andrews, Pinky Amador, Roxanne Barcelo, Manilyn Reynes, Fabio Ide, Victor Aliwalas, Chinggoy Alonso, AJ Dee, Andrea Torres, Bella Padilla, Carlo Gonzales and Jai Reyes.

“You to Me Are Everything” is directed by Mark A. Reyes.
read more "Marian,Dingdong more open about relationship"

Juday, busog na busog sa karanasan


Kuwento ni Juday, ibang-iba na raw ang tsikahan nila ngayon sa taping ng Gimik 2010, kesa nu’ng mga bagets sila. Siyempre naman, halos lahat sila ay may kanya-kanyang pamilya na, kaya dapat lang na mag-iba na ang tsikahan nila sa taping.


“Iba na, pero nandoon pa rin ‘yung iniisip namin kung sino ba ang madalas na inaasar namin sa set, kung sino ang palaging taya. Syempre si Marvin Agustin ang laging taya noon.


“Nakakatawang isipin na nandun si direk Lauren Dyogi, nandun lahat mga writers, mga na­ging guests namin. Nakakatuwa na meron pa ring nag-i-exist na magandang samahan after all this time,” sey ni Juday.


Ngayong “Gimik” reunion, gaano na kalaki ang ipinagbago mo in terms of career, lovelife and outlook in life?


“Hayun, pumayat, tumaba, pumayat at tuma­ba na naman uli. Marami na kasing nagdaan sa akin, marami nang experiences, nandun na ‘yung marami na rin namang achievements, nakapag-produced na ako ng “Ploning”, nakarating sa Hollywood, nagpakasal na rin ako at buntis na ngayon na sa October pa makikita ang baby namin ni Ryan.


“Kumbaga, ang haba na ng tinakbo ng buhay ko! Siguro, mas malaman at masyadong busog sa experience pati ‘yung mga nakasama ko sa “Gimik” dahil colorful din naman ang buhay nila lalo na sa ibang bansa sila.


“All throughout the time na nandito ako sa showbiz hanggang nga­yon puwede na akong magtayo ng museum, siguro sa dami ng napaka­sayang moments ko sa mundong ito,” patuloy na kuwento ni Juday.


Teka, ano naman ang masasabi mo sa mga younger batch na co-stars niyo ngayon sa “Gimik 2010”?

Sino sa tingin mo ang may future sa kanila?


“Bigyan lang sila ng konti pang panahon at atensyon pagdating sa pag-arte, malayo naman siguro ang mararating nila, kung maalagaan sila tulad nu’ng naging pag-aalaga sa akin.


“Sa totoo lang, tamang pag-aalaga at breaks at pag-aralan lang nilang mabuti ang trabahong pinasok nila, may pag-asa sila. Mga bata pa kasi sila, so they have all the time to improve their crafts. May mga times na naglalaro sila, pero ‘pag take na, nakikinig naman sila sa instructions, nauuna lang ang nerbyos.


“Siguro dahil nandun sina My­lene Dizon, kaming mga artistang matatabil, syempre medyo takot sila at naaalangan. Kailangan pa nila ng confidence, but in due time they will improve hopefully.”


Eh sa mga boys ng Gimik ngayon, anong wish mo for them?


“Magkaroon lang sila ng enough confidence sa sarili nila at seryosohin ang ginagawa nila at ilabas nila ang natural nila, alisin ang nerbyos, don’t suppress their emotions, ilabas nila, isigaw nila, let loose, kasi overwhelmed sila sa mga kasama nila sa dami ng mga nakikita nila, maging inspirasyon sana nila na masarap ang buhay artista, mahirap lang talaga magsimula but in due time they will earn their rewards, sana!” payo pa ni Juday sa mga boys ng Gimik.
read more "Juday, busog na busog sa karanasan"

Daiana, itinanggi ang ‘panliligaw’ ni Chris Tiu!


IWAS na iwas si Daiana Menezes na ma-link kay Vic Sotto na kapareha niya sa TV 5 show na My Darling Aswang dahil nahihiya siya sa girlfriend ng komedyante na si Pia Guanio.


“Walang link-link. Nakakahiya kay Pia. Guwapo naman si Bossing, pero wala talagang link-link sa kanya! He’s a fami­ly. Nakakahiya kay Pia who recommended me sa show! I admire Bossing, pero walang ganoon. Ayoko ng ganoong tsismis!” sabi ni Daiana.Itinanggi rin ni Daiana na si Chris Tiu ang bagong manliligaw niya.


“Ay, walang ganoon. I don’t even know him! Alam naman ninyo kung sino ang lovelife ko! One at time lang ako!” katwiran pa ng Brazilian model.
read more "Daiana, itinanggi ang ‘panliligaw’ ni Chris Tiu!"

Lara at Marco, ikinasal sa Canada?


LANTARAN na nga ang relasyon nina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman. Kunsabagay, wala naman silang dapat na itago, dahil pareho naman silang single.


Anyway, sa isang awards night nga ay magkasama silang dumating at sa tsikahan sa kanila ay naikuwento nila ang naging bakasyon nila sa Canada, na kung saan ay binisita nga nila ang pamilya ni Lara.Pinakilala na nga ni Lara si Marco sa kanyang buong pamilya. Isang sen­yales nga na okey na ang relasyon ng dalawa.


Pero hindi raw iyon pamamanhikan, ayon sa former Miss International. At itinanggi rin nila na nagpakasal na sila nang sik­reto sa Canada.


Inamin nina Marco at Lara na napag-uusapan na nila ang pagpapaka­sal. Pero, marami pa raw silang dapat ayusin pa bago nila upuan ang mga plano nila.


Tungkol naman sa da­ting manager ni Marco na diumano ay nakasagutan daw ni Lara.


“Hindi ko po siya nakilala. I never met him kaya paano kami magkakasagutan?” sabi lang ni Lara.


Nabanggit nga rin ni Marco na hindi pa sila ulit nagkakausap ng kanyang dating manager. At wala na raw siyang balak na bumalik sa management nito dahil may bago na raw siyang manager.
read more "Lara at Marco, ikinasal sa Canada?"

“Hindi ‘bilmoko girl’ si Kim!” -- Gerald


MASAYA si Gerald Anderson na naimpluwensiyahan niya si Kim Chiu na mag-gym.

Kuwento ni Gerald, ilang araw na raw na nagdyi-gym si Kim, at mas naging conscious na rin daw ito sa kanyang health.


Proud na proud nga si Gerald sa pagsasabi na siya ang nagpayo kay Kim na mag-gym para mas lalo itong maging sexy.
Anyway, iPad at Desktop nga ang iniregalo ni Gerald kay Kim nu’ng birthday nito.


“Nasa States kami nu’ng nalaman ko na gusto niya `yon. Nakita niya sa isang store. Tinuro talaga niya.

Sabi niya, pag nakalipat na siya sa bagong bahay niya, bibili siya ng ganun.


“So, inunahan ko na siyang bilhin ‘yon. Birthday gift ko sa kanya.”


Naku, baka naman nagparinig lang si Kim sa kanya para ibili niya, na nangyari nga? Bilmoko girl nga ba si Kim?


“Hindi siya nagpaparinig. Observant lang talaga ako. Nagkataon lang na magbi-birthday siya at wala pa akong regalo. So, mabuti na lang at nalaman ko kung ano ang gusto niya,” depensa ni Gerald kay Kim.
read more "“Hindi ‘bilmoko girl’ si Kim!” -- Gerald"