Kuwento ni Juday, ibang-iba na raw ang tsikahan nila ngayon sa taping ng Gimik 2010, kesa nu’ng mga bagets sila. Siyempre naman, halos lahat sila ay may kanya-kanyang pamilya na, kaya dapat lang na mag-iba na ang tsikahan nila sa taping.
“Iba na, pero nandoon pa rin ‘yung iniisip namin kung sino ba ang madalas na inaasar namin sa set, kung sino ang palaging taya. Syempre si Marvin Agustin ang laging taya noon.
“Nakakatawang isipin na nandun si direk Lauren Dyogi, nandun lahat mga writers, mga naging guests namin. Nakakatuwa na meron pa ring nag-i-exist na magandang samahan after all this time,” sey ni Juday.
Ngayong “Gimik” reunion, gaano na kalaki ang ipinagbago mo in terms of career, lovelife and outlook in life?
“Hayun, pumayat, tumaba, pumayat at tumaba na naman uli. Marami na kasing nagdaan sa akin, marami nang experiences, nandun na ‘yung marami na rin namang achievements, nakapag-produced na ako ng “Ploning”, nakarating sa Hollywood, nagpakasal na rin ako at buntis na ngayon na sa October pa makikita ang baby namin ni Ryan.
“Kumbaga, ang haba na ng tinakbo ng buhay ko! Siguro, mas malaman at masyadong busog sa experience pati ‘yung mga nakasama ko sa “Gimik” dahil colorful din naman ang buhay nila lalo na sa ibang bansa sila.
“All throughout the time na nandito ako sa showbiz hanggang ngayon puwede na akong magtayo ng museum, siguro sa dami ng napakasayang moments ko sa mundong ito,” patuloy na kuwento ni Juday.
Teka, ano naman ang masasabi mo sa mga younger batch na co-stars niyo ngayon sa “Gimik 2010”?
Sino sa tingin mo ang may future sa kanila?
“Bigyan lang sila ng konti pang panahon at atensyon pagdating sa pag-arte, malayo naman siguro ang mararating nila, kung maalagaan sila tulad nu’ng naging pag-aalaga sa akin.
“Sa totoo lang, tamang pag-aalaga at breaks at pag-aralan lang nilang mabuti ang trabahong pinasok nila, may pag-asa sila. Mga bata pa kasi sila, so they have all the time to improve their crafts. May mga times na naglalaro sila, pero ‘pag take na, nakikinig naman sila sa instructions, nauuna lang ang nerbyos.
“Siguro dahil nandun sina Mylene Dizon, kaming mga artistang matatabil, syempre medyo takot sila at naaalangan. Kailangan pa nila ng confidence, but in due time they will improve hopefully.”
Eh sa mga boys ng Gimik ngayon, anong wish mo for them?
“Magkaroon lang sila ng enough confidence sa sarili nila at seryosohin ang ginagawa nila at ilabas nila ang natural nila, alisin ang nerbyos, don’t suppress their emotions, ilabas nila, isigaw nila, let loose, kasi overwhelmed sila sa mga kasama nila sa dami ng mga nakikita nila, maging inspirasyon sana nila na masarap ang buhay artista, mahirap lang talaga magsimula but in due time they will earn their rewards, sana!” payo pa ni Juday sa mga boys ng Gimik.