Your Ad Here

Friday, April 23, 2010

Juday, inalalayan ni Claudine sa pagbubuntis Ryan, antukin at tulog nang tulog


SOBRANG happy nga si Juday na nagkasama-sama sila ulit ng mga dati niyang kasamahan sa Gimik, na palabas na bukas. Sabi nga ni Juday, parang biglang bumalik sa alaala niya ang lahat.
Ang dami-rami raw niyang hindi malilimutang karanasan sa Gimik noon.“Every taping noon, hindi talaga makakali­mutan, lalo na ‘yung nag-Baguio kami. Kasi first time akong nakasama noon sa trip ng Gimik sa Baguio. I mean, out of town palaging hindi ako nakakasama, kasi palagi akong may trabaho at hindi ako pinapayagan at that time.


“Nu’ng Baguio, nakiusap talaga ko na pasamahin ako. Masaya `yung part na `yon sa akin bilang artista, dahil parang nag-outing lang kami sa Baguio noon, na nagkataon na nagtatrabaho kayo pero most of the time tawanan lang kami nang tawanan. Eh, ang lamig ng panahon, at biglang bubuhos ang ulan at nagtatakbuhan kami sa itaas ng bundok. Nakakatuwang isi­pin na nu’ng time na ‘yon walang artistang maarte,” say ni Juday.


Siyempre, hindi rin naawat si Juday na magkuwento tungkol sa kanyang pagbubuntis. Tingin daw niya, hanggang ngayon ay naglilihi pa rin si Ryan A­goncillo.


“Ayaw n’yang aminin, pero siya ‘yung naglilihi hanggang ngayon. Kasi siya ‘yung may ayaw ng mga pabango ko, tapos siya ‘yung naghahanap ng siomai, tapos antok na antok siya at tulog nang tulog.


“Ako mas madalas lang ako kumain kasi madalas ako magutom, pero hindi naman malakas ‘yung appetite talaga, pero madalas akong kumain at saka hindi lang ako nakakakain ng mga malalansa noon.

Pero ngayon ok na, unti-unti nakakakain na ko uli ng mga isda, ng mga shellfish.”


Ano ba ang paghahandang ginagawa nila ni Ryan ngayon?


“Sa ngayon todo-basa ako ng mga books tungkol sa pagiging mother, tapos nakikinig sa mga advice ng mga tao. May mga fans na nagpadala ng mga regalo nila for the baby, at tinatanong pa nila ako kung anong gusto ko. Pero, nagsisimula na akong mag-online kung ano ba talaga ‘yung kailangan.


“May mga words of wisdom din sa akin si Claudine na ‘wag daw akong bumili masyado ng mga damit ng new born kasi nga ang bilis lumaki ng bata, at masasayang lang. Na tama naman kung iisi­pin mo, na gagastos ka ng bonggang-bongga tapos ilang linggo lang magagamit ng bata dahil mabilis ngang lumaki ang mga bata lately.


“So tama lang ding maging praktikal talaga. Ang hirap din naman ng buhay ngayon. Hindi naman porke artista ka eh mabilis na ang pera,” sey pa ni Juday.
read more "Juday, inalalayan ni Claudine sa pagbubuntis Ryan, antukin at tulog nang tulog"

Sharon, niligaw-ligawan ni Jinggoy noon!


SOBRANG naantig ang damdamin ni Sen. Jinggoy Estrada sa suporta ni Mother Lily Monteverde sa kanya. Nagpatawag nga ng presscon si Mother Lily para kay Jinggoy.


At dahil doon, nangako si Jinggoy na willing siyang gumawa ng pelikula sa Regal Films ng libre. Sabi nga ni Jinggoy, hindi niya akalaing mag-aabala si Mother Lily na tulungan siya para sa publicity ng kanyang pagtakbo.


Anyway, noon pa man ay sinasabi na ni Jinggoy na gusto niyang gumawa ng movie sa Regal. Pero, hindi raw `yon matuluy-tuloy dahil sa trabaho niya sa pulitika.


Pero, pagkatapos ng eleksiyon ay puwedeng-puwede na nga `yong matuloy. Sabi nga ni Jinggoy, posibleng lumahok siya sa Metro Manila Film Festival ngayon lalo na at wala na raw sa MMDA si Bayani Fernando.


Giit pa ni Jinggoy, mahal na mahal niya at hinding-hindi niya puwedeng talikuran ang pelikula.


Sa naturang presscon, iginiit pa rin ni Jinggoy ang intensiyon niya na mawala sa kamay ng MMDA ang pamamahala sa MMFF. Gusto nga niya na ibigay ito sa mga taga-showbiz.


Kung mahahalal daw siyang muli, at kung sino raw ang mananalong president, ipakikiusap daw talaga niya rito na i-subsidize ng national government ang movie industry para makaahon sa kahirapan.


“Kung ang ama ko uling si Pangulong Joseph Estrada ang mahahalal, madali ko na lang maibubulong sa kanya ang tungkol dito,” sambit ni Jinggoy.


Hayagan na ring sinasabi ni Jinggoy na para sa kanyang amang si Erap ang ginagawa niyang todo-todong kampanya ngayon, dahil gusto niya itong manalo. Sabi nga ni Jinggoy, ito na raw ang huling pagkakataon para sa ama niya kaya sana raw ay mabigyan uli ito ng chance.


***


Samantala, ikinagulat nang husto ni Jinggoy ang pagsulpot sa naturang presscon ng megastar na si Sharon Cuneta para suportahan ang kanyang kandidatura.


Sa katuwaan, biglang isiniwalat ni Jinggoy ang sik­retong matagal na niyang itinatago sa press.


Naikuwento niyang niligawan pala niya si Sharon noon at madalas niya itong bisitahin sa beauty parlor kung saan ito nagpapaayos. Lagi raw niya itong pinasasalubungan ng chicharon bulaklak.


Hanggang sa Broadcast City kung saan ito may show, lagi raw niyang binibisita ang megastar. Umatras na lang daw siya nu’ng pumasok na sa eksena si Gabby Concepcion dahil mas magandang lalake ito sa kanya.


Ibinuking din ni Jinggoy na maging ang bestfriend niyang si Bong Revilla ay nanligaw din kay Sharon noon.


Maliban sa pagiging magkaibigang matalik at pagi­ging magkumpare, ang paniniwala sa kakayahan ni Sen. Jinggoy na maglingkod sa bayan ang isa sa mga rason ni Sharon kung bakit siya dumating sa presscon nito.


Sabi nga ni Sharon, hindi lang mabait na kaibigan si Jinggoy kundi isa itong mahusay at maasahan sa pagli­lingkod sa tao. Forever friends ang paniniguro ni Sharon sa samahan nila ni Jinggoy.


Sey pa nga ng megastar, kahit galing pa siya sa Laguna at nag-aayos para sa gagawing out of town nila, dinayo niya ang presscon ni Jinggoy para ipakita ang kanyang suporta.


Siyanga pala, hindi na nagawa pang interbyuhin ng press si Sharon pagkatapos ng presscon dahil magalang naman itong nakiusap na bawal sa kanya ang mag-endorse ng kahit na sinong politician.

Nakalagay raw sa kontrata niya na hindi siya puwedeng mag-endorse ng kahit na sinong pulitiko.


Sabi nga sa amin ni Sharon, kahit gustung-gusto niyang itaas ang kamay ng kanyang pinakamamahal na si Sen. Tito Sotto ay hindi niya magawa dahil sa kontratang `yon sa isang produktong ini-endorse niya. Pero, suportado raw niya ang kandidatura ni Tito Sen, sa abot ng kanyang makakakaya.


Anyway, tinanong namin kay Shawie kung alam ba niya ang pos­ter na nagkalat sa Pasay, na kung saan ay kasama niya sa larawan ang isang kumakandidato doon na ka­apelyido niya.


Sagot ni Sharon, kamag-anak niya ang nasabing kandidato at nakunan na ang naturang larawan bago pa siya pumirma ng kontrata sa ini-endorse niyang produkto.


Anyway, dahil mahal ng media si Sharon, pinagbigyan ito na hindi siya makapanayam. Matapos ngang magpakuha ng la­rawan si Sharon na kasama sina Jinggoy, Mo­ther Lily, Lorna at anak ni Jinggoy na si Jolo, umalis na ang megastar.
read more "Sharon, niligaw-ligawan ni Jinggoy noon!"

“Hindi ko winasak ang relasyon nina Rayver at Sarah!” -- Cristine


GULAT na gulat si Cristine Reyes nang bigla siyang ma-link kay Rayver Cruz. Si Cristine din nga ang sinisisi kung bakit naghiwalay daw bigla sina Rayver at Sarah Geronimo.


Isang dahilan daw iyon kung bakit sinugod ng ama ni Sarah si Rayver dahil nga nabalitaan daw nito na tinu-two time nito ang kanyang anak.Sey nga ni Cristine, wala raw siyang kinalaman sa anumang relasyon na namamagitan kina Rayver at Sarah. At kung magkarelasyon man daw sina Sa­rah at Rayver, hindi raw niya winasak ang relasyon ng dalawa.


Inamin ni Cristine na magkakilala sila ni Rayver, pero paulit-ulit niyang iginiit na wala raw namamagitang relasyon sa kanilang dalawa.


“Lahat na lang ba ili-link nila sa akin?” natatawang pahayag ni Cristine.


“Kaibigan ko lang ‘yung tao. Ano ba ang masama roon? Hindi na ba ako puwedeng makipagkaibigan?” dugtong na sambit pa ni Cristine.


Nag-umpisa nga raw ang tsismis kina Rayver at Cristine nang makita silang dalawang magkasama noong magkaroon ng show ang ASAP sa Boracay. Hindi nga raw kasi nagkahiwalay ang dalawa at bali­tang ginaguwardiyahan daw ni Cristine si Rayver habang nagda-dance rehearsal ito.


“Ano ba ‘yon? Marami kaya kaming nandoon. At saka, rehearsal din namin iyon for the show. Na­tural na hindi kami aalis hanggang hindi natatapos ang unang nagre-rehearse.


“Nakakaloka naman ang mga balitang ‘yan. Mabuti na lang at sanay na ako sa ganyan,” diin pa ni Cristine.


Nagsalita na rin nga si Rayver Cruz at pinasinu­ngalingan niya ang pagkaka-link niya kay Cristine.

Nahihiya nga raw siya kay Cristine dahil nadadamay ito sa nangyari sa kanila ni Sarah.
read more "“Hindi ko winasak ang relasyon nina Rayver at Sarah!” -- Cristine"

Sunday, April 18, 2010

Panganganak ni LJ sa Tate, posibleng harangin ng US Immigration!


Nagbakasyon pala sa Taiwan si LJ Reyes noong Holy Week at nang bumalik siya sa Pilipinas, biglang lumaki ang kanyang tiyan kaya hindi na niya maitago ang pagbubuntis.


Six months pregnant si LJ at ngayong hapon, la­labas sila ni Paulo Avelino sa Showbiz Central para pag-usapan ang kanilang love story.


All over the papers ang plano ni LJ na isilang sa New York ang lovechild nila ni Paulo pero kung kami ang tatanungin, mas makabubuti na huwag nang ipangalandakan ang balak niya na pagpunta sa ibang bansa.


Huwag bigyan ni LJ ng rason ang US immigration para maging alerto sa kanyang pagdating at baka ito pa ang maging dahilan para hindi siya makapasok sa Amerika. Mahigpit ang US immigration official sa pagpapapasok ng mga buntis sa kanilang bansa, unless US citizen si LJ.
read more "Panganganak ni LJ sa Tate, posibleng harangin ng US Immigration!"

Marian-Dingdong, pawis, luha at dugo ang puhunan sa showbiz!


Trailer pa lang ng pelikulang “You To Me Are Everything” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na prodyus ng Regal Films at GMA Films, ang lakas ng come-on nito sa moviegoers kaya tiyak na patok na naman ito sa takilya tulad ng mga nagdaan nilang tambalan.


Sa nakaraan ni­lang presscon sa Imperial Palace Suites ay namudmod ng mga bote-boteng Gran Matador brandy na parehong iniendorso ng magkapareha.Maganda ang ginawang press release ng Matador dahil palaban at akala mo eh ako mismo ang sumulat, huh!


Ang dalawang bituin ng GMA7 ay itinuturing na huwaran sa pagiging artista dahil pawis, luha at dugo ang kanilang ipinuhunan upang maging sikat na artista.


Simula nu’ng gawin silang endorser ng Gran Matador brandy, mga ilang taon na ang nakakaraan, namayagpag na sa bentahan ang naturang produkto hanggang umabot sa pagiging number 1 brandy, ayon na rin sa kasalukuyang research ng The Nielsen Company Philippines, Inc.


Tulad ng Matador sa Espanya, sina Dingdong at Marian ay lumalaban sa mga pagsubok araw-araw maging sa kanilang propesyon at personal na buhay.


Dala nila ang mga katangian tulad ng pagiging maabilidad, tutok sa trabaho, may paninindigan at swabe. Ito ang nilalaman ng commercial nina Dingdong at Ma­rian kasama na ang iba pang nagpunyagi upang maging numero uno o number one sa kanilang propesyon.


Nagsimula sina Ma­rian at Dingdong bilang TV loveteam and catapulted to instant fame via GMA7’s telenovela, “Marimar”, the Tagalized version of the Mexican series.


He was a shoo-in as the dashing Sergio, while she played the lead, stepping into the role earlier essayed by Mexican actress Thalia.


“Marimar” posted phenomenal ratings and toppled all competition on primetime TV and made an instant star of Ma­rian Rivera. The success of the Dingdong-Marian partnership prompted the network to immediately give the young loveteam another project together.


Thus came the fantaserye, “Dyesebel”, an adaptation of a Mars Ravelo classic. He was Fredo, while she was the mermaid who fell in love with him.


Their third series was Carlo J. Caparas “Ang Babaing Hinugot Sa A­king Tadyang”, an adaptation of the 1981 komiks-to-movie drama of the same title. Dingdong played Homer and Marian was Proserphine.


Theirs is undoubtedly a beautiful chemistry on the small screen. They didn’t go unnoticed even by film producers.


Regal matriarch Lily Monteverde in partnership with GMA Films producer Annette Gozon-Abrogar, gave Dingdong and Marian their launching flick Mac Alejandre’s romance-drama, “One True Love”.


What many didn’t probably expect was that the reel romance of Dingdong and Marian would turn to real, much to the delight of their fans. They became the banner loveteam of the network, one of the most sought after and most bankable too. As a pair, they also clinched several product endorsements.


While they have yet to be seen in another TV series, Dingdong and Marian are out to excite their fans as they bring romance anew to the big screen in their forthco­ming film, “You To Me Are Everything”, a joint production venture of GMA Films and Regal Entertainment, the movie is directed by Mark Reyes, pamangkin ni direk Jose Javier Reyes!


Sa movie, ang tiyak na aagaw ng pansin ay ang cute na pink baboy na ala-“babe” na alaga at binebeybi ni Marian sa movie!
read more "Marian-Dingdong, pawis, luha at dugo ang puhunan sa showbiz!"

Alfred, mamamanhikan na kay Yasmine sa Italy!


Hindi na nagulat si Alfred Vargas na buntis na ang ex-girlfriend niyang si LJ Reyes, sa boyfriend nito ngayon na si Paulo Avelino.


“Hindi na ako nagulat, pero hindi ko ini-expect,” say ni Alfred.


Kuwento ni Alfred, sa kasamahan naming kolumnista rito sa Abante na si Jojo Gabinete niya nalaman ang pagbubuntis ni LJ. Reaksiyon daw ni Alfred, nasa tamang edad na si LJ.


“Nasa wastong edad naman na siya at tapos na siya sa pag-aaral. So, okey lang naman kung mabuntis siya. Wala namang masama roon,” sambit pa ni Alfred na suportado nga ang pagbubuntis ni LJ.


Anyway, hindi masyadong updated si Alfred sa mga showbiz happenings ngayon dahil abala siya sa kampanya bilang konsehal ng distrito 2 sa Quezon City. At Masaya raw siya na maganda ang pagtanggap sa kanya ng mga tao sa mga lugar na pinupuntahan niya.


Kung marami ang nanghihinayang sa maagang pagbubuntis ni LJ, natutuwa naman si Alfred sa kalagayan ng dating kasintahan. Tawa nang tawa si Alfred sa biro namin na hindi niya “napuruhan” si LJ nu’ng sila pa ang magkasintahan.


Sabi lang niya, iginalang niya nang husto si LJ nu’ng sila pang dalawa.


“Ganun naman talaga ako sa mga babae, nirerepesto ko sila at minamahal,” sabi pa niya.


Anyway, inamin ni Alfred na napag-uusapan na rin nila ng kanyang girlfriend na si Yasmine Espiritu ang tungkol sa kasal.


“Pero, kulang na lang ‘yung formal na plano. ‘Yung proposal na lang para matuloy, at `yung date. Basta, kung ibibigay sa amin ‘yung pinaplano namin at maayos, baka matuloy na,” pagtatapat niya.


Desidido si Alfred na pakasalan ang kasintahan. Aniya, ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng halos perfect na para sa kanya.


Tuwang-tuwa nga ang aktor nu’ng sabihin naming huwag na niyang pakawalan pa ang kasintahan at pakasalan na niya dahil baka “lumamig” pa ang kanilang relasyon.


“Hindi ko talaga pakakawalan! Itutuloy ko na ito!” sey ng actor.


Pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon, magbabakasyon daw muna si Alfred kasama ang kanyang kasintahan sa bayan nito sa Italy. Hindi man sabihin ni Alfred, baka isabay na rin niya ang pamamanhikan sa mga magulang ni Yasmine sa Italy.


Siyanga pala, nominado si Alfred bilang Best Single Performance by an Actor para sa indie film niyang “Colorum” sa Golden Screen Awards for Movies, na gaganapin sa May 5, 2010 sa Teatrino Greenhills.
read more "Alfred, mamamanhikan na kay Yasmine sa Italy!"

Paulo, kulang sa paninindigan kay LJ Reyes!


Last Sunday pa namin nalaman na buntis na si LJ Reyes kaya ito pupunta sa Tate. That time, nagti-taping kami ng Juicy, kasama ang mga host na sina Cristy Fermin, IC Mendoza at Alex Gonsaga, nu’ng ibali­ta sa akin ng isang staff ng show na buntis nga si LJ. Actually, ang kumpirmasyon na buntis si LJ ay galing mismo sa isa mga insider ng GMA 7.


Si Paulo Avelino nga ang ama ng ipinagbubuntis ni LJ. At aaminin ko, nayamot lang kami sa kanya dahil parang hindi siya lalake, na kulang sa paninindigan, na nu’ng mga panahong ini-interview namin siya tungkol sa relasyon nila ni LJ ay hindi niya makumpirma ang tungkol sa relasyon nila. Palaging si LJ ang itinuturo niya.


At hanggang sa interview sa kanya ng Showbiz Central tungkol sa pagbubuntis ni LJ, ay si LJ pa rin ang itinuturo niya para magsalita.


Kaya kung sakaling na­nganak na si LJ at tanungin si Paolo kung nanganak na nga ang kasintahan, hindi na kami magtataka kung ituro niya uli ang aktres para ito ang tanungin ng media.


Dapat ay matutong manindigan si Paulo, no!
read more "Paulo, kulang sa paninindigan kay LJ Reyes!"

Trono nina Juday at Claudine, ‘di kayang abutin ni Empress!

‘Yang bagong inilulunsad na bituin sa “Rosalka” na Empress ang pangalan ay malayong maging mayordoma man lang. Sampung taon pala ang pinaghintay ng babaing ito bago siya binigyan ng break ng ABS-CBN.


At masyadong mapangarapin ang aim niya. Puntirya niya kaagad ang trono nina Juday, Claudine, at Anne.

Ganoon lang ba kadali ‘yun? Mas lalo siyang hindi magku-qualify, noh!


Dahil ang taas ng puntirya niya, eh launching pa lang niya itong tila pinagsamang- “Kampanerang Kuba” at “Bakekang” na hitsura niya! It took her 10 years daw waiting for this big break.


Eh sina Juday at Claudine, they already spent those 10 years endearing themselves to the public kaya hanggang ngayon nand’yan pa sila, kasi malalim na ang pagkakatanim sa kanila!


Bakit hindi kina Erich, Melissa, Carla, Mariel, at Bianca muna ikumpara si Empress para mas madali siyang maka-impress?
read more "Trono nina Juday at Claudine, ‘di kayang abutin ni Empress!"

Piolo, ugat ng away nina Zanjoe at Mariel?


Ikinaloka ni Mariel Rodriguez ang tanong ng isang manunulat na kung totoo ba na si Piolo Pascual ang dahilan kung bakit muntik na silang magkahiwalay ni Zanjoe Marudo.


Sabi kasi sa tsismis, nawalan daw ng time si Zanjoe kay Mariel dahil sa pakikipag-bonding ni Zanjoe sa kaibigang si Piolo?


Anyway, agad ngang itinanggi ni Mariel na nagkaroon sila ng problema ni Zanjoe. Katuna­yan, isang madiing ‘NO’ ang sagot niya sa naturang tanong.


“Never! Never! May gagawin silang soap ope­ra noon kaya magkasama sila dati. Pero, hindi talaga!

When it comes to work, it’s work. And when they work, they work. Not naman na they play badminton toge­ther. I think it’s unfair to say because there’s no basis at all. Kasi they don’t hang-out. Saka, they have to be friends kasi magkasama sila sa work noon,” say pa ni Mariel.


Pero ngayon raw, hindi na masyadong nagkakasama sina Zanjoe at Piolo, dahil hindi na nga sila magkasama sa trabaho.


Iginiit nga ni Mariel na hindi isyu sa kanila ni Zanjoe ang pagiging malapit sa kanya-kanyang kaibigan.

Binanggit nga ni Mariel si Luis Manzano na kaibigan daw niya, at madalas ka-text. Ni minsan daw ay hindi naging isyu si Luis sa relasyon nila ni Zanjoe.


Anyway, kung may nakakaapekto man kay Mariel na tsismis, `yun ay ang tsismis na kesyo binigyan ng isang mayamang bading ng mamahaling kotse si Zanjoe.


“Naawa ako sa kan­ya, kasi nagtatrabaho naman talaga siya. Hindi naman siya `yung walang ginagawang show. Hindi rin naman siya ‘yung hampaslupa or something, na walang ginagawa. He’s working naman! I mean, kaya naman niyang bumili ng mamahaling sasakyan,” pagtatanggol pa ni Ma­riel kay Zanjoe.


Sigurado si Mariel na galing sa sariling bulsa ni Zanjoe ang bago nitong car dahil kasama pa siya sa pagbili nito. Tanda pa niya kung saan binili ang car at ang pagpirma nito ng mga tseke.


“Nandoon pa ako nu’ng kasama pa niya ‘yung mga tao mula sa banco. Installment `yon. Tama!” sabi na lang ni Mariel.
read more "Piolo, ugat ng away nina Zanjoe at Mariel?"

Barbie, inaabangan ng manliligaw!


Hindi pa man natatapos ang drama series na First Time ay may kasunod na show agad sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jake Vargas na Pilyang Kerubin. Kung si Barbie ang tatanungin, ayaw niyang matapos agad ang First Time dahil marami pa raw silang puwedeng ituro na magaganda sa mga televiewers nila.


“Medyo telefantasya naman po ang kasunod na gagawin namin nina Joshua at Jake. Matutuwa sila sa akin sa Pilyang Kerubin kasi ulo ko lang ang una nilang makikita tapos may pakpak.

“At tulad sa First Time, may mga important lessons in life kami na ise-share sa mga kaedad namin at sa buong pamilya nila,” kuwento ni Barbie.


Sa July pa magti-13 years old si Barbie pero marami ang nakapansin na tumatangkad na ito at lalo itong gumaganda ngayon. Kuwento nga sa akin ay marami na ang gustong manligaw kay Barbie ngayon. Pero say nga ni Barbie, bawal pa siyang ligawan.


“Mabuti naman po at napapansin ninyo na tumatangkad ako at gumaganda. Kapag may chance po na makatulog sa set, ginagawa po naming matulog. Lagi kong sinasabihan ‘yung dalawa na kaila­ngang matulog sila para lalo silang tumangkad. Minsan kasi ang gugulo nila sa set. Ayaw magpahinga kaya tinatakot ko na hindi sila lalaki kapag hindi sila magpahinga,” ngiti pa ni Barbie.


Nagpapasalamat nga si Barbie na kahit na­ging busy ang schedules niya ay nakapag-attend pa siya ng kanyang classes sa school sa Biñan, Laguna. Sa susunod na pasukan daw ay baka mag-home study na lang siya dahil nahirapan din daw siyang bumiyahe mula sa ta­ping location nila.
read more "Barbie, inaabangan ng manliligaw!"

Coco Martin, aminadong walang karapatang manligaw kay Karylle! “Hindi kami magka-level. Feeling ko hindi kami bagay. Parang mas mataas siya sa akin!”


Wala raw girlfriend ngayon si Coco Martin, kahit masasabing habulin siya ng mga babae. Sabi ni Coco, mas gusto niyang samantalahin ang magandang takbo ng kanyang career, kesa magpa­kabaliw sa mga babae.


Ilan sa mga na-link kay Coco noon ay sina Maja Salvador, Alessandra de Rossi at Karylle. At lumalabas nga na gimik lang ang mga `yon para mas mapag-usapan siya.


“Hindi naman publicity ‘yon. Si Maja, sabi ko nga, everytime na nakakatrabaho mo, lalo na at medyo madikit ang character ninyo sa isa’t isa, nagkakaroon ng isyu. Pero when it comes to ligawan, never ko naman sinabing nililigawan ko ang kahit sino. Nagkakaroon lang ng matin­ding bonding sa set.


“Si Alessandra naman, bestfriend ko ‘yon. Kahit hindi na kami magkasama sa soap, kami-kami pa rin ang magkakasama.“’Yung kay Kaye (Karylle) hindi pa kami nagka­katrabaho. Pero, once tinukso kami. Nu’ng time na nanood siya ng Ki­na­tay, yung indie film na ginawa ko noon. Tuwang-tuwa ako nu’ng nalaman ko `yon. Tapos, naikuwento ko kina Gerald (Anderson) at Jake (Cuenca), tinukso na nila ako,” natatawang kuwento ni Coco.


Inamin ni Coco na natorpe siya kay Karylle. Inisip daw niya na hindi sila magka-level.


“Sinabi ko nga `yon, na hindi kami magka-level. Kasi, sinasabi nila sa akin na ligawan ko raw siya. Sabi ko, marunong naman akong lumugar. Feeling ko hindi kami bagay. Parang mas mataas siya sa akin. Hindi ko rin alam. Hindi ko naman minamaliit ang sarili ko, pero feeling ko masyado siyang mataas para sa akin.


“Nanggaling kasi ako sa indie, eh. Kahit ngayon kapag nakakakita ako ng mga artistang sikat, para pa rin akong fan.”


Pero, sabi nila, may secret lover daw si Coco na nagbabawal sa kanyang manligaw sa kahit na sinong babae? Ang natuturo ngang diumano ay secret lover ni Coco ay isang director?


Agad namang pinasinungalingan ni Coco ang tsismis, kasunod ang pagsasabi na malapit na kaibigan lang niya ang naturang director.


Kinumusta rin namin kay Coco si Kris Aquino na kasama niya sa teleserye na Kung Tayo’y Magkakalayo.


“Sobrang okey!” sagot ni Coco.


Lumabas kasi ang tsismis na kesyo nasaktan si Coco kay Kris, dahil palagi raw nitong pinupuna o pinipintasan ang mga sinusuot niyang damit?


“Actually, wala naman talagang issue sa amin. May nagpalala lang naman ng issue. Sabi ko nga, sobrang okey kami ni Ms. Kris ngayon dahil nakikita niya na kung ano ang maitutulong ko para kay Noynoy, ginagawa ko. Naniniwala ako kay Noynoy. At dahil sa suportang ibinibigay ko kay Noynoy, mas lalo akong napapalapit kay Ms. Kris.


“Wala naman talagang pamimintas, dahil feeling ko naman hindi niya gagawin ‘yun kasi lagi rin lang akong tahimik sa isang tabi. Walang chance para punahin niya ako,” pahayag ni Coco.


“HIndi ko talaga alam kung saan nagmula ang issue. Nu’ng sinagot na nga ni Ms. Kris ‘yung issue na parang wala namang ganung nangyari, ako naman nagtatanong kung saan nanggaling? Ako mismo nagulat,” dugtong na pahayag pa ni Coco.


Anyway, tungkol naman sa anak ni Coco kay Katherine Luna, inamin niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita at nahahawakan ang bata. Sabi lang ni Coco, inuunti-unti na niyang ayusin ang tungkol dito. Umaasa siya na darating ang araw na magkakausap din sila ni Katherine.


Aminado si Coco na sabik na sabik na siyang makita ang kanyang anak.


Anyway, masisimulan na rin ni Coco ang pagpapatayo ng bahay sa QC bago matapos ang taon. Ang kinita raw niya bilang endorser ng Cossak Blue Vodka at Wow Ulam ang gagamitin niya para sa bahay.


Sabi nga ni Coco, malaking bagay sa kanya ang mga grasyang natatanggap sa showbiz para ayusin ang kanyang buhay. Nakabili na raw siya ng lupa at pinaplano na nga niyang patayuan ito ng bahay.
read more "Coco Martin, aminadong walang karapatang manligaw kay Karylle! “Hindi kami magka-level. Feeling ko hindi kami bagay. Parang mas mataas siya sa akin!”"

Friday, April 16, 2010

Cristine, ayaw makaharap si Jennylyn!


HINDI ulit sinipot ni Cristine Reyes ang second presscon kahapon ng Working Girls 2010. Walang masabi na dahilan ang manager ni Cristine sa hindi nito pagsipot dahil hindi sinasagot ng sexy actress ang mga tawag sa kanyang cellphone.


Ang duda ng press, umiiwas si Cristine na pagpistahan sila ni Jennylyn Mercado dahil sa relasyon nito kay Dennis Trillo. O puwede ring ayaw nitong makasama si Jennylyn sa isang event na tulad ng presscon?Hindi man siya dumating sa presscon, hindi na-miss ng press si Cristine dahil sa mga maaanghang na pahayag ni Ma. Isabel Lopez laban kay Stella Marquez de Araneta.


Twenty-five years ago, nanalo si Isabel ng Bb.Pilipinas-Universe crown pero pinag-resign ito ng BPCI dahil sexy model siya ng Girard Peter.


Ginanap ang presscon ng Working Girls sa Gateway Mall na pag-aari ng mga Araneta pero walang takot na binanatan ni Isabel si Stella.


“Ang BPCI under the leadership of Stella Marquez- Araneta, alam naman natin na napaka-elitista at napaka-matapobre niya.


“Kagaya ko, galing ako sa ranggo ng Girard Peter models na minamata-mata nila at ‘di accepted.


“Dapat talaga ang BPCI, dapat talagang hawakan ng Pilipino at hindi ng elitistang banyaga. Hinihintay ko lang na mag-rest in peace si Stella Marquez –Araneta,” matapang na pahayag ni Isabel.


Matapang, mataray at palaban ang mga statements ni Isabel, pero paano kung siya ang maunang mag-rest in peace?
read more "Cristine, ayaw makaharap si Jennylyn!"

Mark, respetado ang relasyon nina Jennylyn at Dennis!


NAGULAT din pala si Mark Herras nang biglang malaman niyang nagkakamabutihan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Hindi pa raw kasi niya nakakausap si Jennylyn o maging si Dennis, pero ang gusto niyang sabihin sa dalawa ay sana maging masaya ang dalawa at huwag na nilang alalahanin ang sasabihin ng ibang tao.


“Wala ta­laga akong alam tungkol sa kanilang dalawa. Si Jen kasi, tuwing may work lang naman kami nagkakausap. Hindi kami madalas magkumustahan. Si Dennis naman, close rin kami niyan pero kapag may trabaho lang kami sa GMA nagkakausap.


“Marami nga ang nagsasabi na bagay sila. Totoo naman iyon. Bagay silang dalawa at sigu­ro nga sila ang pinagsama talaga. Kaya ma­ging masaya tayo para sa kanilang dalawa,” naka­ngiting sabi pa ni Mark.


May mga fans nga sina Mark at Jennylyn na hindi pabor kay Dennis. Gusto pa rin kasi nila na si Mark ang makatuluyan ni Jennylyn.


“Ang mga fans naman namin ni Jen, nagpa­pasalamat ako at nandiyan pa rin sila. Kahit na noong kami pa at hanggang sa magkahiwalay kami, very loyal sila sa amin at tuwing may pro­ject kami, nandiyan sila para sumuporta.


“Pero sinasabi naman namin sa kanila na hindi naman for­ever ay magiging kami ni Jen. Darating ang time na may ibang ipapareha sa amin at ibang tao rin ang makakatuluyan namin sa totoong buhay.

Kaya dapat tanggapin nila ‘yon.


“Basta ang hiling lang namin ni Jen sa kanila ay huwag silang magsawa na suportahan kami. Ma­ging kami man in the future o hindi, ipagpapasalamat namin na nandiyan pa rin sila.”


Wala raw balak na tanungin ni Mark sina Jen at Dennis tungkol sa kanilang relasyon ngayon. Tama na raw ‘yung alam niyang may relasyon sila at hindi na niya kailangan pang mag-usisa pa.


“Personal na bagay na iyon, eh. Ayokong sabihin nila na tsismoso ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Tama ba naman iyon? Na ako pa ang magtanong sa kanila, ‘di ba? Hindi bagay! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Kung magkuwento man si Jen or si Dennis sa akin, makikinig ako. Nirerespeto ko ang personal na buhay nila. Pero tulad nang sabi ko, masaya ako para sa kanilang dalawa,” pagtatapos pa ni Mark Herras.
read more "Mark, respetado ang relasyon nina Jennylyn at Dennis!"

Richard at Anne, napasabak sa matinding halikan!


NAPASABAK agad sa matinding halikan sina Richard Gutierrez at Anne Curtis sa unang syuting nila para sa pelikulang So It’s You, na prodyus ng GMA Films at Viva Films.


Kuwento ni Chard, pagdating nila sa set ay agad silang inutusan ni direk Mac Alejandre na maghanda sa halikan. Sa simula ay parang ayaw raw nilang maniwala ni Anne, dahil first shooting day nga naman `yon, tapos ay halikan agad ang kukunan.


Pero, seryoso pala si direk Mac, kaya wala silang nagawa kundi ang sundin ang utos ng director. At sa tingin ni Chard, naging magandang ice breaker `yon sa kanila ni Anne, dahil after ng halikan nila, tawanan na lang daw sila nang tawanan ni Anne.


Habang katsika ng mga manunulat si Chard, biglang bumalik sa isipan ng lahat ang kumalat na video nila ni Anne noon, na kung saan ay naglaplapan sila nang todo at tawanan nang tawanan.


Ganun ba ang ginawa nila ni Anne sa harap ni direk Mac ngayon?


“Parang ganu`n! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot niya.


Limang araw na raw silang nakapagsusyuting ni Anne, at hindi pa raw sila nagkakasama ni Claudine Barretto.


Anyway, alam ni Chard na marami ang hindi naniniwala sa kakayahan niya na mag-host ng Survivor Philippines, na unang hinahawakan ni Paolo Bediones. Sabi nga, baka raw hindi kayanin ni Chard ang manirahan ng isang buwan sa bundok o kagubatan o tabing-dagat.


“Ang mga nagsasabi lang noon ay `yung mga hindi ako kilala,” sambit ni Chard.


At dugtong pa niya, dahil daw sa mga taong hindi naniniwala na kakayanin niya ang hamon bilang host ng Survivor Philippines, mas lalo raw lumalakas ang loob niya, at mas lalo siyang natsa-challenge.


Kuwento ni Chard, para sa kaalaman ng lahat, bago pa man siya pumasok sa showbiz ay naranasan na niya ang maglibot sa mga probinsiya sa Luzon, kasama ang dalawa pang kaeskuwela. Natutulog daw sila sa kung saan sila abutan, at kumakain ng kung ano ang available.


Kaya hindi raw totoo na hindi niya kakayanin ang mabuhay sa bundok ng isang buwan.


“Pagdating sa pagkain, hindi ako namimili. Naranasan ko nang kumain ng live octopus, `yung maliit lang. Naranasan ko na ring kumain ng frog,” say niya.


Siyanga pala, masaya si Richard Gutierrez na parami nang parami ang nakikisali sa adhikain niya na turuan ang mas nakararaming Pinoy na iligtas ang kalikasan. Katunayan, parami raw nang parami ang sasali para mag-perform sa gaganaping one night commemoration ng 40th Earth Day Celebration, ang One Earth, One Journey, An Earth Day Concert, ngayong gabi sa SMX Convention Center (MOA), at ipalalabas sa GMA’s SNBO.


Sabi ni Chard, sa nangyayari sa mundo ngayon, mas lalo siyang dapat na maging aktibo bilang miyembro ng Green Peace Philippines’ advocacies for Mother Nature.


Ilan sa magpi-perform ay sina Kyla, Jay-R, Mark Bautista, Rachel Ann Go, Cooky Chua, Gloc9, Frencheska Farr, Noel Cabangon, Buboy Villar, at ang mga bandang Pupil, Freestyle, Hale, Spongecola, Callalily, Urbandub, Nyco and Maca at Playground.
read more "Richard at Anne, napasabak sa matinding halikan!"

Joross Gamboa, solb na solb kay Jackie Rice!


AFTER na matupad ang isa sa wish niyang makapareha ang Kapuso young star na si Jackie Rice, natatawang hirit ni Joross sa press conference ng Dear Friend Presents Tisay na gusto pa raw niya ng extra rice.


“Eh, kasi tinatanong ako kung ano nga raw ang masasabi ko na naka-partner ko na rin finally si Jackie. Kaya sabi ko, solb na solb na, pero, siyempre, gusto ko pa rin ng extra rice. Ha! Ha! Ha!”Ang ibig sabihin ni Joross sa extra rice ay ang maka-partner raw itong muli after ng kanilang Dear Friend. Eh, kumusta naman ang kissing scene nila?


“Siyempre, okey naman. Medyo minamali ko talaga para ilang takes. Ha! Ha! Ha!


“Joke lang! Ilang takes talaga siya kasi siyempre, iba’t ibang anggulo ang kinukuhanan.


“Actually si Jackie, okey naman kasi, mabait, propesyunal at saka, masarap katrabaho. ‘Yung buong cast, lahat, masaya naman.”


Kagagaling lang ni Joross sa Thailand kunsaan, may isang linggo siyang nagbakasyon kasama ang non-showbiz model girlfriend. Teka, hindi ba nagseselos ang girlfriend niya sa open admiration niya kay Jackie?


“Hindi naman. Wala namang selos kasi, hindi rin naman selosa ‘yun. MInsan nga kapag may kissing scene ako, siya pa ‘yung gusto niyang mapanood talaga. Ako pa ‘yung parang nahihiya at nagta­takip ng mata niya.”


Naiisip din ba niya na sana pala, pareho pa silang single ni Jackie since may non-showbiz boyfriend din ang huli?


“Oo, siyempre dahil maganda naman talaga si Jackie. Kaya lang, renewed na ko ngayon. Ha! Ha! Ha!

Nag-mellow na ko kaya nga hindi ko na rin kinuha ang cellphone number niya kasi alam ko, may boyfriend na siya, may girlfriend na ko.


“Pero sana, magkaroon pa ulit kami ng chance na magkatrabaho hindi lang ngayon sa Dear Friend,” say na lang ni Joross.
read more "Joross Gamboa, solb na solb kay Jackie Rice!"

Katrina, sa mundo ng Mystiko!


SI Katrina Halili, bilang Wenoa na taga-Mystiko, ang naatasan para tulungan ang Panday Kids. Nga­yong gabi, tila sumabay ang kuwento ng Panday Kids sa kasalukuyang sitwasyon sa Pinas, na heto nga at naubusan na rin ng tubig ang mga bata sa disyerto, at hindi nila alam na nahi-heatstroke na sila.

Mawawalan na ng malay pareho sina Charlie at Hadji habang si Oliver naman ay nanghihina na rin. Ano ang maitutulong sa kanila ni Wenoa?
read more "Katrina, sa mundo ng Mystiko!"

Thursday, April 15, 2010

Kamag-anak nabisto, Sarah pinaliligawan kay Rayver dahil sikat




Seen : Ang blog ni Yasmien Kurdi.Maiintindihan ang blog ni Yasmien kung isusulat niya ito sa Pilipino. Huwag mag-Ingles kung hindi confident sa grammar.

Scene : Ang presscon kahapon ni Bernardita Inocencio, ang ex-maid ni Korina Sanchez. Kasama ni Bernardita sa presscon ang kanyang lawyer na si Atty. Junel Ama.

Seen : May ibang aktres na nililigawan si Rayver Cruz at hindi siya si Sarah Geronimo.

Scene : Narinig ng nanay ni Sarah Geronimo ang sinabi ng kamag-anak ni Rayver Cruz : “Siguraduhin mo na magiging girlfriend mo si Sarah. Malaki ang kita niyan.” Hindi kilala ng kamag-anak ni Rayver ang nanay ni Sarah na nasa tabi lamang niya.

Seen : Nahihirapan si Gladys Reyes sa paglilihi sa pangatlong anak nila ni Christopher Roxas.

Scene : Hindi na click sa tao ang antics ni Rufa Mae Quinto. Hindi na siya dapat gayahin ni Rufa Mi. Nakakapagod panoorin si Rufa Mi sa PO5. Nakaka-inspire siya upang maglipat ng TV channel.

Seen : Kinunan sa Ninoy Aquino monument sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas ang bagong campaign TV ad ni Senator Noynoy Aquino.

Scene : Hindi komportable si Jay-R bilang guest VJ sa isang music channel. Halata ang pagbabasa niya sa teleprompter.
read more "Kamag-anak nabisto, Sarah pinaliligawan kay Rayver dahil sikat"

Hindi si Piolo Pascual... KC hindi taga-showbiz ang inspirasyon!


May nagkuwento sa akin na walang koneksiyon sa showbiz ang current inspiration ni KC Concep­cion.

Sa presscon kahapon ng kanyang pangalawang album sa Sony Records, inamin ni KC na may inspirasyon siya pero hindi niya sinabi ang name ng mhin.

Kahit hindi nagbigay ng clue si KC, tiyak na malalaman ng mga reporters ang kanyang mystery inspiration. Magaling sa hanapan ang showbiz press. Mag-uunahan sila sa pagdiskubre kung sino ang lucky guy.

Bigyan natin ng isa hanggang dalawang linggo ang mga showbiz reporters para mapangalanan nila ang lalaki na nagpapasaya ngayon kay KC.
read more "Hindi si Piolo Pascual... KC hindi taga-showbiz ang inspirasyon!"

'Dingdong is more than everything in my life' - Marian


Talaga sigurong mahal na mahal na ni Dingdong Dantes si Marian Rivera dahil nasa­saktan na siya ngayon sa mga paninira rito ng kanyang mga detractors. Dati, hindi ganito, hindi na lamang pinapansin ang mga naririnig niya. Katu­wiran niya, hindi na ito bago sa trabaho nila. Lahat naman ng artista ay pinagdaraanan at nala­lampasan ito. Pero si Marian, parang hindi matapus-tapos ang ganitong paninira. At napipikon na siya dahil alam niya kung ano ang totoo.

Inaamin ng dalawa sa presscon ng kanilang pelikulang You To Me Are Everything na ginawa nila para sa GMA at Regal Films na tumaas na ang level ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Kung dati wala silang pakialam sa isa’t isa, ngayon they see to it, lalo na kapag nagtatrabaho sila ng magka­sama na komportable ang isa’t isa. Antukin dati si Marian pero sa halip na matulog sa set, nagkukulitan na lang silang dalawa.

“Maraming pagbabago sa amin ni Dingdong. Ako, iminulat niya sa katotohanang hindi ko mapi-please ang lahat ng tao at anuman ang mangyari, pa­lagi siyang nasa likod ko. Aaminin ko, he’s more than everything in my life,” ani Marian.

Ani Dingdong naman : “Natuto na akong mag-relax, pati pananaw ko sa buhay nagbago, alam ko na kung paano maging totoo sa buhay.”

Habang naghihintay ang dalawa na magsimula sa TV ang bago nilang serye na Endless Love, tinapos nila ang You To Me Are Everything, isang love story ng isang Igorota at ng isang mayamang anak ng pulitiko. First time ng dalawa na lumabas sa isang romantic comedy na kinunan sa Benguet, sa isang strawberry farm na kung saan inamin nila na mas maraming beses silang kumain ng strawberry kesa mag-date.
read more "'Dingdong is more than everything in my life' - Marian"

Jackie, katakam-takam ang alindog!


TEASER pa lang ng Dear Friend Presents Tisay, siguradong mag-iiba na ang pakiramdam ng mga kalalakihan kay Jackie Rice. Kasi naman, may eksena na gumigiling-giling siya na bikini at bra na kulay pula o pink lang na natatakpan lang ng manipis na kamison ang suot niya.


Eh, bonggang-bongga pa ang paggiling niya, at pati ang ekpresyon ng kanyang mukha ay kakaiba na rin. Sabi nga, mistula talaga siyang sexy dancer na ang husay-husay mang-akit ng lalaking kostumer.


At sa presscon nga ng Tisay, lahat ng kalalakihan sa paligid ay tila natulala ng ilang minuto habang pinagmamasdan ang medyo hubad na alindog ni Jac­kie. Talaga raw katakam-takam ang alindog ni Jackie ngayon, na kahit sinong lalaki ay hindi siya kayang talikuran o isnabin.


At talaga naman na habang tumatagal ay mas lalo siyang gumanda at sumeksi. ‘Yun nga siguro ang lamang ni Jackie sa mga baguhang artista ngayon, na hindi lang talaga siya makinis, bagkus ay sobrang ganda pa ng mukha, at alam na alam mong fresh na fresh ang kaseksihan at walang retoke.


Ang Tisay ay tumatalakay sa kuwento ng isang estudyanteng babae na napilitang magtrabaho bilang sexy dancer sa isang club para matustusan ang pag-aaral.


Kuwento ni Jackie, sa set ng Tisay na siya mismo tinuruan sa kung paano ba gumiling-giling o mang-akit habang nagsasayaw sa stage.

“May nagturo sa akin sa set. Pero, hindi naman siya sobrang sexy. At kung sa tingin ng iba ay sobrang sexy na ito, I guess, okey lang naman dahil nag-mature na rin ako.


“Kumbaga, hindi na ako pa-tweetums, na kung kaya ko namang gawin, gagawin ko. Hindi na rin ako nagpaalam sa parents ko, dahil alam naman nila na trabaho lang ito, at TV naman ito, kaya hindi ako mabababoy.


“Kahit sa boyfriend, hindi rin dapat magpaalam. Kumbaga, kanya-kanya kami, na pagdating sa career, walang pakialaman,” sambit ni Jackie.


Hangang-hanga naman si direk Jun Lana kay Jac­kie, na hindi lang daw itsura ang nag-improve, na pati sa pag-arte ay puwedeng-puwede na talagang isabak o ilaban sa mga mahuhusay at sikat na aktres ngayon.


“She’s a revelation,” say pa ni direk Jun.
read more "Jackie, katakam-takam ang alindog!"

Marian, patuloy na kinikilig kay Dingdong!


HINDI lang everything, kundi more than everything para kay Marian Rivera ang boyfriend na si Dingdong Dantes. ‘Yun nga ang ipinahayag ng aktres sa press conference ng GMA at Regal Films movie nila na You To Me Are Everything.


“Wala eh, salita lang ‘yun. Kasi kung makikita mo siya the way na nakikita ko siya, talagang sasabihin mo na kulang ang everything na salita para i-describe mo siya,” sabi ni Marian.Ginamit pa ni Marian ang salitang “suwabe” kaya tama lang daw na sila rin ang nag-eendorse ng Gran Matador dahil ‘yun daw ang isa sa katangian ni Dingdong na nagugutuhan niya, bukod pa sa may paninindigan daw ito.


Aminado si Marian na hanggang ngayon, nakakaramdam pa rin siya ng kilig kay Dingdong. Saan nanggaga­ling ang kilig?


“Kasi po, sa bawat pagkikita namin, palagi lang may espesyal akong naki­kita sa kanya. Siguro ano…hmmm baka lumaki ulo, eh,” natatawang sabi ni Marian.


“Siguro ano, lalong tumatagal, mas lalo akong naguguwapuhan sa kanya.”


May pagka-antukin din daw si Marian pero nakakabuti raw sa kanya kapag kasama si Dingdong sa set dahil nawawala raw ang pagiging antukin niya.


“Kapag kasama ko siya sa eksena, hindi ako ina­antok. So, maganda ang resulta sa akin. At saka, madaldal pa ‘to (Dingdong) sa akin kaya hayun, wala kaming ginawa kundi kumain, magdaldalan, magkulitan.


“Kahit na nagba-blocking na si Direk (Mark Reyes), eh, wala, makulit pa rin kaming dalawa.”


Ano naman ang mga nabago sa kanya ni Dingdong?


“Marami eh. Kasi, minulat niya ang mata ko na hindi lahat ng tao sa pali­gid ko, eh, mapi-please mo talaga. As long as alam mo na tama ka at ang importante na palagi niyang sinasabi, na ‘yung mga nakapaligid na nagma­mahal sa ‘yo, nan­dyan sila para suportahan ka at wala kang dapat ipag-alala.


“At palagi niyang sinasabi na isa siya sa nasa likod ko kahit na ano pa man ang mangyari.”


Ayaw namang pag-usapan pa at palakihin pa ni Marian ang tungkol sa “anak” issue na pilit ikina­kabit sa kanya. Katwiran niya, nagsalita na rin naman ang mga taong ‘di-hamak na mas nakakakilala sa kanya at nasagot na rin daw niya ang isyung ‘yun sa naging guesting niya sa Showbiz Central noong Linggo.


“Dinededma ko na lang. Dyino-joke ko na lang dahil baka mamya, sabihin nga nila uy, bakla ako. Baka mamya ‘yun na ang isyu. So, dedma na. Wala namang saysay.”


Pero naapektuhan ba siya sa ikinakalat na isyung ‘yun sa kanya?


“Wala na, relax na ‘ko. Kumbaga, nagsalita na ang mga mahal ko sa buhay. So, wala na akong pakialam. Nandun na ang mga mahal ko at nagsalita na.”


“Artista lang ako, nagtatrabaho ako at mahal ko ang trabaho ko kaya tawanan na lang natin, dedma!” say na lang ni Marian.
read more "Marian, patuloy na kinikilig kay Dingdong!"

Endorsement ni Angel balak sulutin ni Anne? “Hello, hindi ako manunulot!” -- Anne


SI Anne Curtis ang napiling celebrity endorser ng bagong scent ng Folded & Hung na A Series. At dahil bagong pasok si Anne sa F&H, iniintriga na nga ang friendship nila ni Angel Locsin.


Si Angel ay matagal na ngang endorser ng F&H. At pang­iintriga ng iba, baka raw masulot ni Anne kay Angel ang project na ito dahil siya ang bagong kinuhang endorser.“Kami pa ba ni Angel ang maapektuhan? That will never happen kasi kilala namin ang isa’t isa. Tsaka, ano ba naman yan? Ang ba­baw naman nang pag-aawayan namin if ever, ‘di ba?


“I know that Angel is the face of F&H. And she still is. Ako naman, yung scent line lang ng F&H ang sa akin. Sa clothes, kay Angel pa rin. Kaya hindi magiging problema at walang friendship na maapektuhan,” sabi ni Anne.


So hindi niya susulutin ang pagiging endorser ni Angel ng F&H?


“Hello, hindi ako manunulot, huh! Never! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Never has been and never will be a sulutera! Nakakatawa naman ‘yan. Imagine, pati ang pagpasok ko sa F&H ay nagawan ng istorya! Ha! Ha! Ha! Ha!”


Malayo raw talaga na masira ang friendship nina Anne at Angel dahil magkasama sila sa iisang negosyo, ang Shop and Share.


“Huwag na silang mag-attempt na sirain ang friendship namin ni Angel because wala namang maniniwala. Kami pa ni Angel, eh we have so many things in common. Aside nga sa business namin, we always communicate. Kahit pareho kaming busy, we have good communication. Kaya our friendship is so­lid,” say na lang ni Anne.
read more "Endorsement ni Angel balak sulutin ni Anne? “Hello, hindi ako manunulot!” -- Anne"

Claudine, pinagsaluhan nina TJ at Wendell


PURING-PURI ng mga manonood ang u­nang episode ng Claudine noong nakaraang Sabado, matapos magbigay ng makabagbag-damdaming pagtatanghal sina Claudine Barretto at Raymart Santiago na siyang unang guest ng programa.


Sa susunod na episode, makakasama naman ni Claudine sina TJ Trinidad at Wendell Ramos sa isang madamdaming kwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.


Sa episode na pinamagatang “Kahapon, Ngayon at Bukas”, biglang nagbago ang buhay ni Elena (Claudine) dahil sa pag­ka­matay ng asawa niyang si Lemuel (TJ Trini­dad) habang nagtatrabaho ito sa ibang bansa. Sa tulong ng bestfriend ng asawa niyang si Daniel (Wendell Ramos), unti-unti siyang makaka­bangon at makakali­mutan ang lungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Sa paglipas ng panahon, di-maiiwasang mahulog ang loob nina Elena at Daniel sa isa’t isa, at sila ay magpapakasal.

Subalit isang araw ay big­lang babalik si Le­muel at madaratnan niyang pinagbubuntis ni Elena ang anak ng pinakamatalik niyang kaibigan. Sa pagbabalik ng lalaking una niyang minahal, magawa kayang iwan ni Elena ang lala­king nagbigay muli ng kulay sa kanyang buhay?


Oh, di ba, pabongga nang pabongga ang mga kuwento ng Claudine. Heto nga at dalawang la­laki naman ang nagsalo sa pag-ibig niya. Tutukan `yan sa Claudine ngayong Sabado pagkatapos ng Pinoy Records sa GMA-7.
read more "Claudine, pinagsaluhan nina TJ at Wendell"

Wednesday, April 14, 2010

Cristine sinasawaan ng lalaki


Mabuti na lamang at maganda si Cristine Re­yes at umaarangkada ang career kundi mai-in­secure ito sa pangyayaring lahat nang nawawala sa kanyang boyfriend ay napupunta kay Jennylyn Mercado. Una si Mark Herras at ngayon si Den­nis Trillo. Ibig sabihin ba nito ay may common characteristic sila ni Jennylyn na ikinagugusto ng mga lalaki?

Pero sigurado na ba sina Jennylyn at Dennis? Sabi nila hindi pa raw. Yun ba ang tinatawag na mutual understanding? Wala nang ligawan, relasyon agad? Di kaya nagkakasundo lang sila dahil may one thing in common sila, pareho silang single parent at may common topic to discuss?
read more "Cristine sinasawaan ng lalaki"

ABS-CBN ipinamukha kay Claudine ang mataas na rating ng MMK




Seen : Gamit na gamit si Sarah Geronimo sa press­con ni Bongbong Marcos. Lumang isyu tungkol kina Sarah at Bongbong ang topic sa presscon.

Scene : Marami ang naniniwala na nasa inte­resting stage si LJ Reyes at hindi pananakit ng likod ang dahilan ng kanyang indefinite leave sa showbiz.

Seen : Ipinamukha ng ABS-CBN kay Claudine Barretto na tinalo ng Maalaala Mo Kaya ang pilot telecast ng kanyang drama anthology. Headline ng news program ng ABS-CBN ang mataas na ratings sa TNS, Mega Manila at Metro ng guesting ni Gret­chen Barretto sa Maalaala Mo Kaya.

Scene : Bluffing with Paolo and Bodie ang title ng show nina Paolo Paraiso at Bodie Cruz sa QTV 11. Maigsi ang participation nina Paolo at Bodie dahil mas mahaba ang mga video na ipinakikita sa kanilang show.

Seen : Buntis si Vicky Morales sa kanyang third baby. Halata na sa TV ang kanyang lumalaking tiyan.

Scene : Diretsahang sinasabi ni Winnie Mon­sod ang mga kandidato na iboboto niya. Hindi siya credible na host ng Timbangan, ang programa ng TV5 na tumitimbang sa mga kuwalipikasyon ng mga kandidato.

Seen : Ang Youtube videos ang ebidensiya na pamilyar ang televiewers kay PBB Teen Clash housemate Ivan Dorschner dahil napanood na siya noon sa Wowowee at Showtime.

Scene : Ang SM Prime Holdings ang sponsor ng pagbisita ni former US Vice-President Al Gore sa Pilipinas sa April 30.Magsasalita si Gore tungkol sa Asian version ng An Inconvenient Truth. Champion ng global climate change si Gore.
read more "ABS-CBN ipinamukha kay Claudine ang mataas na rating ng MMK"

Aljur isinugod sa hospital


Nakatanggap kami ng balitang isinu­god sa ospital si Aljur Abrenica ka­hapon dahil nawalan ng boses habang nasa taping ng The Last Prince. Walang boses ang aktor, kaya no choice ang direc­tor kundi kanselahin ang taping. Ang hirap kung ida-dub ang boses niya, hindi magtutugma at baka maging Korean novela ang labas.

Viral infection ang dumale kay Aljur kaya nawalan ito ng boses at sa mga ganitong kaso, complete rest ang ipapayo ng doctor.

Sa nangyari, pati music video shoot at sche­duled presscon on Thursday ng aktor ay nakan­sela. Hihintayin na lang na gumaling siya.

Bago pa pala na-announce sa trade launch ng GMA Network, nabalitaan na ni Aljur na si Rhian Ramos ang next niyang makakapareha at mang­yayari ito sa Odessa: The Legend of the Swan Princess. Excited ito sa next project niya, pero aminadong maninibago na hindi muna si Kris Bernal ang kanyang kapareha.
read more "Aljur isinugod sa hospital"

Sheena, epektib na kontrabida!


Lumabas na kagabi ang karakter ni Katrina Halili bilang Wenoa, babaeng taga-mundo ng Mystiko, na tutulong sa tatlong bata para makarating sa ku­weba ng Talim, kung saan masusubok ang kanilang lakas.Kung dati-rati ay kaibigan ng bida ang role ni Sheena Halili sa mga soap opera, sa Panday Kids ay pumayag naman siya na maging kontrabida. Makakasama niya ang mga bata na sina Rob Sy at Miguel Tanfelix, bilang mga alagad ni Andreas, ang kalaban nga ng Panday Kids.

Oh, ‘di ba, nagpalit ng kapalaran sa mga roles sina Katrina at Sheena. Ang dating mabait ay ginawang kontrabida, at ang dating kontrabida ay ginawang kakampi ng mga bida. At in fairness, epektib na kontrabida rin naman si Sheena!
read more "Sheena, epektib na kontrabida!"

Bea, mahilig magpatikim ng masarap!


LINGID sa kaalaman ng lahat, bukod sa pagi­ging mahusay na aktres, magaling ding magluto si Bea Alonzo. Sabi nga, mahilig magpatikim ng masarap na pagkain si Bea sa pamilya at mga kaibigan niya.Kapag wala nga siyang shooting o taping, ang kusina ang madalas niyang tambayan. Wala raw siyang ginawa kundi ang mag-imbento ng luto, na nakagagayuma, na hahabul-habulin mo talaga.
Nagsimula raw ang interes ni Bea sa pagluluto nu’ng bata pa siya. Mahilig daw niyang panoorin ang lola niya habang nagluluto ng iba’t ibang malinamnam na putahe.

At `yun daw ang naging inspirasyon niya para mag-aral magluto. Na kahit abala na siya bilang artista, gumagawa siya ng paraan para mag-aral magluto.

Kuwento ni Bea, madalas siyang manood ng mga cooking shows at nagtse-check ng mga recipes online, na sa paglaon ay ginagawan niya ng sariling version at lalo pa niyang pinapasarap.

Kaya para kay Bea, isang malaking tulong na kunin siyang ambassador ng Angel Canned Milk. Alam daw niya na hahayaan siya nito na makagawa ng mga lutuing naiiba ang sarap. Binibigyan siya ng kalayaan na mas maging creative at original pagdating sa pagluluto.

“Garantisadong ang luto ay creamier, richer, at mas satisfying. At syempre, hindi mawawala ang pinakamatamis na ingredients para sa mga panghimagas tulad ng fruit salads, leche flan at iba pang paborito ng pamilya,” sabi ni Bea.
read more "Bea, mahilig magpatikim ng masarap!"

Dingdong, ‘di apektado sa ‘dalagang ina’ isyu ni Marian!


NAAPEKTUHAN daw si Marian Rivera sa isyung may anak na siya, ayon mismo sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

“Tao rin naman siya. Tumutulong na nga lang siya, gumagawa na nga ng mabuti, eh, nami-misinterpret pa. I’m not saying na hindi maganda ang pagiging image na may anak. Hindi naman ibig sabihin pangit ‘yun.“Pero siyempre, may ibang nanay ang bata at hindi natin tinatanggal ang recog­nition na ‘yun,” sambit ni Dingdong.

Pero, sa relasyon nilang dalawa, ni katiting daw ay hindi nakaapekto sa kanila ‘yung isyu na dalagang ina si Marian. Alam naman daw nila ang katotohanan.

At sa tanong na kung sakali ba na may anak na nga si Marian, sagot lang ni Dong, wala pa rin daw magbabago sa pagtingin niya rito.

Anyway, very open naman si Dingdong sa pagbibigay ng kanyang buong suporta sa presidentiable na si Senator Noynoy Aquino. In fact, sa AYOS NA (Advocacy for Youth and Students for Noynoy Aquino), pinangungunahan nga niya ang kampanyang Prinsipyo Ko, Walang Presyo.

Ayon sa aktor, magkakaroon ng big event sa May 1 kung saan inaasahan niyang dadalo rin ang iba pang celebrities na naniniwala sa kanilang advocacy.

Pero, totoo nga ba na siya pa ang gumagastos sa kampanya ni Sen. Noynoy?
“Minsan, pero okey lang naman. Alam ko naman na kailangan at ‘yung perang ‘yun, alam ko naman na kahit ibigay ko, hindi naman ako mababalda pa,” natatawa niyang sabi.

May milyones na ba ang nailalabas niya?
“Wala! Hindi pa naman tayo umaabot sa ganun,” nakangiting sabi na lang ni Dingdong.
read more "Dingdong, ‘di apektado sa ‘dalagang ina’ isyu ni Marian!"

Kim, ‘no-no’ sa pre-marital sex!


HINDI pa rin mapilit ng entertainment press si Kim Chiu na aminin ang tunay na namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson.

Sa birthday presscon nga na bigay ng Star Magic kay Kim, panay lang ang sabi ni Kim na ganun pa rin ang sitwasyon nila ni Gerald.

Sa tanong kung papayag ba siya na manligaw pa ng ibang babae si Gerald, oo ang sagot ni Kim.
“Freedom niya `yon,” sabi pa ni Kim.Dugtong pa ni Kim, hindi raw siya nagseselos sa mga babaeng nauugnay kay Gerald. U­nang-una, ang mga salita raw ni Gerald ang pinaniniwalaan niya.

Hirit ng isang manunulat, ganun talaga ang babaeng in love, na nagiging bulag, pipi at bingi sa mga bagay-bagay. Ngiti lang ang sagot ni Kim.

Para kay Kim, sa edad na 20 ay hindi pa siya handa sa isang seryosong relasyon. At tulad ng ibang artista, ang career pa rin ang focus nila.

Tinanong si Kim sa reaksyon niya sa agarang pag-amin nina Melai at Jason sa relasyon nila.
“Ang cute nga nila, eh,” sagot lang niya.

Anyway, may isang manunulat na nagtanong kay Kim tungkol sa pre-ma­rital sex. Twenty years old na nga raw si Kim ngayon, kaya walang masama kung usisain man siya sa stand niya sa pre-marital sex.

“Ayoko po nu’n!” say niya, na hindi mo mawari kung ayaw niyang pag-usapan ang pre-marital sex, o ayaw niya ang pre-marital sex.

Naiintindihan namin ang pagtanggi ni Kim sa usapin na may kinalaman sa sex. Sobrang wholesome talaga kasi ng image ni Kim at isa nga siya sa mga iniidolo ng mga kabataan ngayon at isa rin siya sa pinakamabenta sa pag-e-endorse ng mga produkto. Ilan nga sa mga endorsements ni Kim ay ang Payless Pancit Shanghai, Rejoice, Enervon, at Unisilver,.

Siyanga pala, sa Sunday ay may bonggang-bonggang selebrasyon si Kim sa ASAP XV.
read more "Kim, ‘no-no’ sa pre-marital sex!"

“Wala akong inagaw na lalaki kay Arci!” -- Rachelle


SA live show ng Party Pilipinas sa Dagupan City, Pangasinan unang lalabas ang bagong Kapuso na si Rachelle Ann Go.

Ngayon pa lang ay inaalam na ni Rachelle ang kanyang magiging production numbers dahil first time niyang makakasama sa isang show sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya at Regine Velasquez.

“God has plans for us at alam ko na kasama ito sa mga plano Niya para sa career ko. What excites me is the chance to really work with the best singers sa bansa natin. Kaya sino ba naman ang hindi matutuwa na kasama mo sa isang show sina Kuya Ogie, Ate Reg, Miss Jaya and Kuya Janno. Parang nandito na lahat,” nakangiting sabi ni Rachelle.Posible ngang magkita sina Rachelle at Starstruck Avenger na si Arci Muñoz. Napagbintangan kasi si Rachelle na inagaw diumano nito ang boyfriend ni Arci na si Kean Cipriano.

Natawa na lang si Rachelle at sinabi nitong wala raw siyang inaagaw na lalake sa kahit kanino dahil hindi niya gawain iyon.

“Nagulat nga ako sa balitang iyon. Clueless ako sa mga inaakusa sa akin that time. Si Kean, matagal ko na siyang kaibigan. ‘Yung family niya at fa­mily ko ay matagal nang magkaibigan. Kaya nagulat ako sa paratang na inagawan ko raw ng boyfriend si Arci.

“I haven’t met Arci and ready naman akong makilala siya. Just to prove na wala akong tinatago o ginawang masama sa kanya. At saka, matagal ko na ring hindi nakakausap or nakikita si Kean. May sarili na rin kasi siyang career kaya wala na rin kaming masyadong communication.”

May sarili na ngang career si Kean at nasa bakuran siya ng TV5 bilang isa sa mga bida ng series na BFGF.
read more "“Wala akong inagaw na lalaki kay Arci!” -- Rachelle"

Tuesday, April 13, 2010

KC nagtatalon!


Nagtatalon si KC Concepcion sa stage ng bagong set ng The Buzz nang ipakilala nina Kris Aqui­­no at Boy Abunda na bagong host ng show. Bago gawin ’yun, nagpaalam muna si KC sa dala­wang hosts kung puwede siyang tumalon at saka nag­tatalon.

Excited si KC na maging part ng show dahil mara­mi siyang makikilang tao at kahit every Sun­day makita ang peklat niya sa left knee dahil sa motorsiklo when she was 11 years old. Hindi halata ang peklat at kundi pa nito sinabi, hindi namin malalaman.

Sa pagpasok sa The Buzz na-realize ni KC na sa talk show siya nagsimula at hindi sa singing at acting at gusto niya ang segment niyang KCX o KC Exclu­sive na fresher at younger ang approach at profile ng guest ang ipakikita.

Bilang paghahanda sa pagsalang niya sa show, binigyan ni Boy si KC ng DVDs ng shows nina Oprah Win­frey at Barbara Walters. Si Kris naman hindi nagbigay ng advice dahil smart at palabasa na si KC. Ang payo lang niya rito’y to always wear colorful clothes dahil siya’y always in black till August pa.

For her first appearance sa show, nakakulay sal­mon na D&G dress si KC and shoes by Chutz. Si KC din ang nakikita ni Kris na ipadadala nila sa mga press junkets to interview foreign stars at nang­hina­yang ito na ’di sila nakapunta ni Boy sa press junket for Twilight.
read more "KC nagtatalon!"

Dennis ayaw ipa-adopt ang anak sa asawa ni Carlene




SEEN : Sina Marra Lanot at Mario O’Hara ang mga ba­gong miyembro ng Cinema Evaluation Board.

SCENE : Namatay kahapon sa Philippine General Hospital sa edad na 76 dahil sa lung cancer ang veteran comedian na si Palito. Ang makita nang personal si Joseph Estrada ang isa sa mga huling kahilingan ni Palito.

SEEN : Si LA Lopez sa PO5. Magaling kumembot habang sumasayaw ang dating child star.

Taglay pa rin ni LA ang trademark na palaging nakabuka ang kanyang bibig.

SCENE : Ang statement ni Marian Rivera sa Showbiz Central na “business family” ang mga apartments na ipinatayo niya sa Cavite. Na-confuse si Marian dahil “family business” ang kanyang ibig sabihin.

SEEN : Hindi payag si Dennis Trillo sa legal adoption na binabalak ni Yo Ocampo sa anak nila ni Carlene Aguilar.

Ipaglalaban ni Dennis ang kanyang karapatan bilang biological father ni Calix.

SCENE : Miscast si KC Montero sa Juicy. Hindi maka-relate si KC sa mga pinag-uusapan ng kanyang mga co-hosts.

SEEN : Mali at luma ang blind item ng Juicy tungkol sa hunk actor na nakikipaglandian sa kapwa lalaki sa loob ng eroplano.

Hindi flight steward ang kalandian ng aktor na pinagdududahan ang gender.

SCENE : Fortunate men sa showbiz sina Jed Madela, Enchong Dee, at Pao­lo Ballesteros dahil hindi sila nawawalan ng mga TV projects at exposure.
read more "Dennis ayaw ipa-adopt ang anak sa asawa ni Carlene"

Aljur-Kris tandem, minamaliit?!


May nakapagsabi lang sa akin na minamaliit sa isang programa sa telebisyon ang tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, isa sa mga pam­batong tambalan ng GMA 7. Anuman ang kina­hi­natnan ng isa nilang ginawang pelikula na ang pag­pa­palabas ay nasabay sa isang malaking kala­midad, hindi mapasusubalian na tanggap sila ng mga manonood sa TV, at sinusubaybayan ang ka­ni­­lang mga serye. Kaya nga nagri-rate ang mga ito.

Maaaring hindi pa nila talunin sa kasikatan ang tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson pero mas nauna namang hindi hamak ang dalawa sa ka­nila. Suffice it to say na mayroon na silang sa­ri­ling hukbo ng tagahanga at kung maaalagaan sila ng husto sa mga projects, they can be bigger stars.

Huwag naman masyadong mayabang sa pagmamaltrato sa dalawa. Both are trying to be the pair na inaasahan ng mga tagahanga, but they can not fake a romance. Makuntento na lamang tayo na sa punto na ito ay honest sila.
read more "Aljur-Kris tandem, minamaliit?!"

'Di pala anak, Marian pinag-aaral ang apo


Apo at hindi anak ni Marian Rivera ang bagets na iniintriga na anak niya. Jan-Jan ang name ng bata at pinag-aaral ito ni Marian.

Ikinuwento ni Marian sa guesting niya sa Showbiz Central noong Linggo ang kaugnayan niya kay Jan-Jan at sapat na ito para tuluyang matsugi ang mga tsismis na meron siyang anak na itinatago.

Katulad ng aking madalas sabihin, walang lihim na hindi nabubunyag. Kung totoo na may anak si Marian, noon pa sana ito nabulgar dahil walang puwedeng isikreto sa showbiz.
You to Me are Everything ang pamagat ng pelikula nina Marian at Dingdong Dantes.

Ang GMA Films at Regal Entertainment, Inc. ang producer ng pelikula.

Malapit na ang showing ng You to Me are Everything kaya nagpatawag na ng presscon ang GMA Films at ang Regal.

Excited na ang mga fans nina Marian at Dingdong na mapanood uli sa big screen ang ka­nilang mga idolo dahil 2008 pa nang ipalabas sa mga sinehan ang kanilang huling pelikula, ang One True Love.

Masyado nang matagal ’yon para sa mga tagahanga na hindi bumibitiw sa suporta nila sa loveteam nina Dingdong at Marian.
read more "'Di pala anak, Marian pinag-aaral ang apo"

Juday, hindi takot lumobo!


HINDI natatakot si Judy Ann Santos na mu­ling lumobo ang katawan niya dahil nga nagdadalang-tao siya. Na-enjoy naman daw niya ng ilang taon ang pagiging sexy kaya this time ay ang baby na dinadala niya ang importante.


Nagbiro pa nga si Juday na nami-miss na raw niya ang dating katawan niya noong panahon na nagbibida siya sa soap drama na Esperanza. Kung noon daw ay tinanggap siya ng marami sa katawan niyang iyon, what more ngayon at buntis siya?


“May rason naman para tumaba talaga ulit ako. Hindi ko gugutumin ang sarili ko o ang baby para lang magmukha akong payat. Buntis ako at importante sa akin ang health ng baby namin ni Ryan (Agoncillo). Kahit ano ang gusto kong kainin, kakainin ko. Paba­yaan naman nila akong mag-enjoy sa pagbubuntis ko,” ngiti pa ni Juday.


Kelan lang nga ay nag-last taping na si Juday para sa drama series niya na Habang May Buhay.

Kailangan na raw kasing ipahinga ni Juday ang kanyang katawan para maging maayos ang pagbubuntis niya.


“Nalungkot nga ako kasi matatapos na ang Habang May Buhay. Parang kelan lang nagsimula kami after ng ilang years na tinatapos namin ‘yan.


“Mami-miss ko ang lahat na involve sa show. Kasi sila rin ang unang natuwa nang malaman nilang buntis ako at sila na rin ang nagsabi na I need to rest para ma-enjoy ko ang pagbubuntis ko.”


Kinatuwa nga ni Juday na pareho pa sila ng co-star niyang si Gla­dys Reyes na nabuntis habang ginagawa nila ang Habang May Buhay.


“Kaya nga tawag namin sa mga anak namin ay mga Habang May Buhay Babes. Kasi nga sabay kami sa lahat ng bagay ni Gladys. Mula pa noong Mara Clara na sabay kaming nagbida hanggang sa pagbubuntis ko. At least siya, may dalawang anak na. Ako una pa lang ito. Kaya magandang sign nga ang pagbubuntis namin. Blessing para sa aming dalawa ang taong ito.”


Tinatapos na lang nga ni Juday ang ilang eksena pa niya sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Pagkatapos noon ay diretso na sa pagpapahi­nga si Juday hanggang sa manganak ito. And due date nga ni Juday ay sa October 2010.


Siyangapala, sa April 28 ay ise-celebrate nina Juday at Ryan ang first year wedding anniversary nila.
read more "Juday, hindi takot lumobo!"

Gretchen-Claudine gulo, huwag isisi sa entertainment press!


LUMABAS din ang katotohanan na may gap uli ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto bago pa man sila nagkaroon ng mga presscon, si Claudine para sa kanyang drama anthology at si Gretchen sa pro­duct endorsement nito.


Ikinuwento ni Gretchen sa isang TV interview na hindi na sinasagot ni Claudine ang kanyang mga tawag at text message mula pa noong nakaraang buwan.


Hindi man sinabi ni Gretchen ang dahilan ng tampuhan nila ni Claudine, kinumpirma niya na may misunderstan­ding uli sila. Binanggit din ni Gretchen na hindi siya nakatanggap ng birthday greetings mula sa kanyang bunsong kapa­tid noong March 6.


Judge si Claudine sa Bb. Pilipinas Contest noong March 6 pero hindi niya nakaligtaan na batiin ng happy birthday si Gretchen. Naka-post (March 6, 11:50 p.m.) sa Twitter account ni Claudine ang pagbati nito sa kanyang kapatid. Ang entertainment press ang madalas na sini­sisi sa tuwing may hidwaan ang mga artista. Sila ang pinagbibintangan na nagpapalaki ng isyu.


Sa kaso nina Gret­chen at Claudine, ang entertainment press ang biktima dahil sila ang inakusahan na pinagsasabong ang magkapatid.


Dahil sa interbyu ni Gretchen, lumabas nga ang katotohanan na may gap uli sila ni Claudine kaya hindi dapat sinisisi ang entertainment press. Kung talagang matatag at maganda ang relasyon ng magkapatid, hindi sila maaapektuhan at magpaghihiwalay ng mga intriga, kahit ano pa ang tindi nito.
read more "Gretchen-Claudine gulo, huwag isisi sa entertainment press!"

Sarah, pinag-aagawan nina Mark at Guji!


Sina Mark Bautista at Guji Lorenzana ang mga bina­tang nag-aagawan kay Sarah Geronimo ngayon.

Sila nga ang love triangle sa teleserye na pinagbibidahan ni Sarah.


Ang chika nga ay nag­papatalbugan sina Mark at Guji sa pagbibigay ng regalo kay Sarah. Sabi pa, tinamaan talaga ang dalawang binata sa husay sa pagkanta ni Sa­rah, kaya ganu’n na lang ang pagsisikap nila na maabot ang tamang nota sa kanya.


Ano ang masasabi ni Sarah na pinag-aagawan siya nina Mark at Guji?


“Ay, hindi po totoo `yan. Hindi naman ta­laga ako ang pinagtatalunan nina Mark at Guji kundi ‘yung karakter ko sa Hair is Your Moment ng Sunsilk. On-screen lang po ang sinasabing love triangle. Off-screen, friends kaming lahat,” say ni Sa­rah.

“Excited talaga kami sa microseryeng ito. Because it’s the first time that a microserye is being done where viewers influence the direction of the story. We’re particularly excited sa magiging ending nito at kung sino kay Paco at Jason ang mapipili ni Jenny – and everything is in the viewer’s hands,” dagdag pa Jem Perez ng Sunsilk.


Ang mga fans ang magde-decide kung sino sa dalawa ang magiging Mr Right para kay Jenny. Para maka­boto, kailangan hanapin ng viewers ang promo code sa loob ng Sunsilk Damage Repair shampoo or conditioner package na merong pink puzzle piece. I-type ang 10Days at ipadala sa 2600.
read more "Sarah, pinag-aagawan nina Mark at Guji!"

Anne, napuyat sa bagong boyfriend!


SABI ni Anne Curtis sa kanyang Twitter account, napuyat daw siya dahil sa kanyang bagong boyfriend. Pero, bago pa man magtanong ang lahat kung sino ang bagong boyfriend ni Anne, nilinaw na niya na I-pad ang tinutukoy niyang boyfriend.


Regalo raw ni Sam Milby ang I-pad na `yon kay Anne, na naging dahilan para mapuyat siya. Excited nga kasi si Anne na gamitin ang I-pad na usung-uso ngayon, lalo na sa mga mahihilig sa mga sosyal at mamahaling gadgets.


Anyway, bukod sa I-pad, tutok na tutok din si Anne bilang endorser ng bagong perfumery line ng Folded & Hung, ang A Series. Kuwento ni Anne, siya mismo ang pumili ng bawat scent na nagpapakita ng kanyang mga katangian.


Kasama sa A Series ang mga scents na tulad ng Inno­cence na banayad ang amoy, Muse na may kaaya-ayang bango, at Stargaze na pinaghalong sexy citrus at floral powdery na tiyak na mapapalingon ang sinumang makaamoy nito.
read more "Anne, napuyat sa bagong boyfriend!"

Jennica at Alwyn, super-sweet sa Baler!


CONTRARY sa lumabas noong isang araw na kumpirmasyon mismo ni Jennica Garcia hinggil sa napapa­balitang ang Kapamilya young actor na si Alwyn Uy­tingco ang bago nitong boyfriend or special someone, gusto naming i-correct na hindi mismong si Jennica ang nag-confirm na sila na nga ni Alwyn kundi isang mapagkakatiwalaang source na malapit kay Jennica.


Very sure kasi ito habang nagkukuwento na sina Jennica at Alwyn na nga at mukhang recently pa lang din ang diumano’y relasyon ng dalawa.


Anyway, mukhang nagsasabi nga ng totoo ang source namin dahil sa mismong Facebook account ni Alwyn, nakita namin ang mga pictures nila ni Jennica kasama ang ilang group of friends nila na sa aming palagay, recent vacation nila sa Baler.


Super sweet sina Alwyn at Jennica sa mga pictures kung kaya’t kung dito namin ibe-base, puwede na nga siguro naming sabihin na finally, nakahanap na nga ang young actress ng bagong pag-ibig.


Kunsabagay, matagal na rin naman nang mag-break ito at ang dating boyfriend na si Mart Escudero.


Base rin sa mga comments na nai-post nila sa isa’t isa, tila ang term of endearment na “Mahal” ang tawagan pa nila sa isa’t isa.
read more "Jennica at Alwyn, super-sweet sa Baler!"

Monday, April 12, 2010

Dennis, madaling mainlove sa mga nakakapareha niya!


Agree ako sa obserbasyon na madaling ma-in love si Dennis Trillo sa mga girl na nakakatrabaho niya.

Nag-umpisa ang love affair nila ni Cristine Reyes nang magkasama sila sa isang teleserye ng GMA 7.

Nanligaw si Dennis kay Pauleen Luna nang magkatrabaho rin sila sa another teleserye ng Kapuso network. Nauwi sa wala ang panunuyo ni Dennis dahil umayaw si Pauleen.

At ngayon, exclusively dating sina Dennis at Jennylyn na nagkalapit sa set ng Gumapang Ka Sa Lusak. Halatang-halata na kinikilig si Jennylyn kapag si Dennis ang pinag-uusapan. Hindi niya puwedeng i-deny na in love siya sa kanyang kapareha sa Gumapang Ka Sa Lusak.
read more "Dennis, madaling mainlove sa mga nakakapareha niya!"

Juday nakalagare sa GMA 7 at TV5


Masuwerte ang TV5 kay Judy Ann Santos. Itsurang buntis, umapir si Juday sa birthday celebration kahapon ni Ryan Agoncillo sa PO5. Nanood din siya ng taping birthday celebration ni Ryan sa Talentadong Pinoy na ipinalabas kagabi.

Contract star si Juday ng ABS-CBN pero siya lang ang artista na can afford na lumabas sa mga rival network. Pinuntahan din ni Juday ang birthday celebration ni Ryan sa Eat Bulaga noong Sabado. She’s enjoying the best of both worlds ‘huh!
read more "Juday nakalagare sa GMA 7 at TV5"

Sige Gretchen, talbugan mo ang akting ni Claudine!


TINUTUKAN namin ang premiere telecast ng Claudine ni Claudine Barretto last Saturday at mas nauna itong umere kesa sa episode ni sister Gretchen sa Maalaala Mo Kaya?

Gayundin ang paglabas ng teen housemates sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother. For lack of better things to do on a Saturday night dahil maaga ang lakad namin kahapon, Linggo.

Sa eksenang nanliligaw na si Jomari Yllana sa role niyang pari na na-in love sa may dalawa nang anak na ginampanan ni La Greta ang inabutan namin sa MMK nang maglipat kami. Sa kabuuan, mas mahaba ang MMK kumpara sa Claudine na mahigit isang oras lang tumagal.

Aling drama ang mas maganda? Sino ang mas maga­ling sa Barretto sisters? Hmmm… Hindi kami cri­tic pero kahit paano, may mas angat sa dalawang shows pero pagdating sa aktingan, magkaiba ng atake ang sisters, huh!Pagdating sa production values, obvious ang angat ng MMK. Hindi tinipid pagdating sa locations. Marami ring supporting cast at kahit kay Greta nakasentro ang kuwento, may nga conflicts pa rin in between kaya kahit luma na ang kuwento tungkol sa babaeng na-in love sa isang pari, nabigyan naman ito ng bagong twist nang i-harass ni Jom ang anak na bagets ni Gretchen na sa bandang huli, pinatawad ng huli upang magkaroon ng katahimikan ang anak na nilapastangan.

Hindi man ipinakitang nagbigti si Jom, naloka lang kami sa eksenang ‘yon dahil parang paa ng babae ang nakabitin, huh! Hindi naman si Gretchen ‘yon dahil siya ang nagbasa ng iniwang sulat ng nag-suicide na asawa, huh!

Sa part na ‘yon nakulangan kami sa Claudine. Kokonti lang kasi ang cast kaya iilang tao ang nakikita sa bawat eksena. Kung hindi sina Claudine at Raymart, sina Isabel at Raymart o Isabel at Claudine ang nasa frame. Eh, si Matet de Leon na friend ni Claudine, ang role ay pasulput-sulpot lang!

Pagdating sa kuwento, very predictable dahil tungkol sa minahal na asawang nagkaroon ng sakit na Alzheimer ang kuwento! So ganoon lang ‘yon. Tumatak lang sa amin ang dayalog ni Claudine sa mother in law niyang si Isabel na, “Siya (Raymart) lang ang nakalimot, ako hindi!”

Limitado nga lang ang kuwento at konti lang ang conflicts. Ang naging feeling lang namin after watching it, ginawang drama ang version ng 50 First Dates nina Adam Sandler at Drew Barrymore! Sa halip kasi na ga­wing komedi ‘yung mga eksena, drinama ito at sa halip na videos ang ginamit ni Claudine sa pagpapaalala kay Raymart ng happy moments nila, mga pictures ng masasayang araw nila!

Pagdating sa aktingan, mas suwabe ang atake ni Claudine sa role. Kumbaga, restrained ang acting niya na very Nora Aunor, huh! Hindi naman kasi kailangan ng hysteria dahil limitado ang role niya.

Hindi kagaya ni La Greta na demanding ang role niya. Hysterical at restrained acting ang ipinamalas niya at may moments din siyang epektibo, huh! Hirap nga lang siya sa ilang Tagalog dayalog dahil hindi niya ito nasasabi nang tuwid.

Unlike Claudine na effortless sa madadramang dayalog, huh! Mas madali nga lang matandaan ang acting ni Gretchen dahil binigyan talaga siya ng mara­ming eksena na kailangan ng aktingan. Para bang gustong iparating ng nasa likod ng MMK na, “Sige, Gretchen, talbugan mo ang acting ng iyong younger sister! Last chance mo na itong MMK! ” Ha! Ha! Ha!

Hayan, hindi talaga napigilan ang sabong ng Barretto sisters nu’ng Sabado pero patikim pa lang ang nangyari nu’ng Sabado. Mas lamang nga lang si Claudine dahil 26 weeks tatakbo ang anthology niya habang si Gretchen, hindi pa alam kung kelan ipalala­bas ang kanyang teleserye!
read more "Sige Gretchen, talbugan mo ang akting ni Claudine!"

Sunday, April 11, 2010

Claudine, mas mahusay umarte kay Gretchen


INDI man sabay na umere ang Claudine ni Claudine Barretto at Maalaala Mo Kaya ni Gret­chen Barretto, nag-abot pa rin ang mga show ng da­lawa nu’ng Sabado nang gabi.

Mas maagang pumasok sa ere ang kay Claudine, at makalipas ang 30 minutes ay pumasok na ang show ni Gret­chen. Sa totoo lang, nahirapan kami na ilipat nang ilipat ang TV namin para lang matutukan ang performance ng magkapatid.

In fairness, parehong nagbigay ng intense ac­ting sina Claudine at Gret­chen sa kani-kanilang mga dramatic scenes. Mas lamang nga lang si Claudine sa kanyang ate pagdating sa husay sa pag-arte, dala na rin marahil nang pagi­ging mas matagal na niya sa circulation bilang talent ng Kapamilya Network at sunud-sunod na pagbibida sa mga series sa loob ng pitong taon.

Mas kontralado ni Claudine ang kanyang acting. Na-master na nito kung saang pagkakataon siya iiyak nang todo at kung saang moment lang tutulo ang kanyang luha na hindi niya kinakaila­ngang humagulgol.Samantalang luhaan ng bonggang-bongga si Gretchen sa mga dramatic highlights niya pero kailangan naman ‘yun sa sitwasyong pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Nakatulong marahil ang problema sa pamilya ni Gretchen dahil feel na feel nito ang eksena nila ni Dexter Doria na gumanap na ina niya. Ito ‘yung sinasabi ni Gretchen kay Dexter ang pagpupumilit niyang ma­ging independent pero sa tuwing nadadapa ito ay la­ging nakaagapay ang kanyang pamilya sa kanya.

Maliban sa acting, kapuna-puna na mas lutang ang ganda ni Claudine kesa sa kanyang ate. Hindi namin alam kung dahil sa character ni Claudine na hindi poor sa kuwento kumpara kay Gretchen na ang character na ginagampanan ay mahirap.

May mga eksena si Gret­chen na maganda siya kahit walang make-up, pero may eksena siyang hindi talaga bagay ang pagkaka-pouty ng lips niya.

Well, in any case parehong pinatunayan ng Barretto sisters na may ibubuga sila sa acting at aminin man nila o hindi nakatulong ang isyu sa kanilang dalawa para panoorin ang kani-kanilang mga show.
Magkakaalaman na nga lang kung kaninong programa ang mas pinanood ng TV viewers, kung ang kay Claudine o kung kay Gretchen.
read more "Claudine, mas mahusay umarte kay Gretchen"

Dennis, bagong karibal ni Dingdong kay Marian!



NAGKAROON na ng story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Endless Love noong Sabado ng gabi sa GMA mismo. Noon nga lang masasabing nagkaalaman kung sinu-sino talaga ang mga kasama sa ika-apat na primetime series and as we heard, posibleng huling soap opera na raw talaga na pagtatambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nakumpirma na nga na si Dennis Trillo ang magiging ka-triangle for the first time nina Dingdong at Marian dahil sa presence nito sa naturang storycon. In fairness, excited ang ilang nakausap namin about the said series dahil at least, bagong triangle naman daw ang tatlo kahit pa ilang beses na rin naging magkatambal sina Dennis at Marian.

Bukod sa tatlo, makakasama rin sa Endless Love sina Sandy Andolong, Jana Dominguez, Marc Acueza at Janice de Belen.

Wala pang kasiguraduhan kung makakapag-start na ng taping sina Dingdong at Marian bago umalis ang dalawa papuntang US this May for their series of concerts kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez or pagdating na lang nila magte-taping at uunahin muna raw ang mga bata na gaganap bilang mga batang Dingdong, Marian at Dennis.

By June naka-sched na ipalabas ang Tagalog adaptation ng Korean series na Endless Love.
read more "Dennis, bagong karibal ni Dingdong kay Marian!"

“Ang sarap pala na binabastos-bastos ka!” -- Eugene Domingo


GRABE sa sunud-sunod or rather, sabay-sabay na shows meron si Eugene Domingo ngayon. Sa GMA-7 na lang, bukod sa pang-teen show na First Time at Comedy Bar, heto at reunited muli sila ng director na si Joyce Bernal para sa kiddie show na Wachamakulit.
First time raw ni Uge na mag-host ng game show na pambata.

“So, talagang pigil ako sa mga words, sa mga sasabihin ko dahil mga bata ang kasama ko, eh. Iba-iba rin ang moods nila, may kanya-kanyang drama pero nakakatuwa. Kapag nakita na nila ko, para na silang nakakita ng Santa Claus.“Pero maganda kasi, parang napaka-fresh naman this time ng ginagawa ko. Kumbaga, mga bagets-bagets naman,” sabi ni Uge.

Tawa nang tawa si Uge dahil puro bagets daw talaga ang nakapaligid sa kanya. Mula sa totoong “batang” bagets, mga “binatang” bagets naman ang kasama niya sa Comedy Bar, tulad nina Wendell Ramos at Brazilian Hunk na si Fabio Idel.

“Nakakahaba talaga ng hair! Kumukulot nang kumukulot ang buhok ko. Hindi lang sila mga guwapo, may sense of humor pa.”

Teka, ‘yung Hot Mama na show niya, sa lakas daw nito, parang gusto pang i-extend ng management, anong sey niya?

“Oo nga! Natutuwa nga ako. Parang dumami ang mga fans kong lalaki at masama ang tingin nila sa akin. ‘Yung tingin nila sa akin ngayon, Hot Mama! Ang sarap pala na paminsan-minsan, nababastos ka,” natatawa niyang sabi.

So, nararamdaman niyang may pagnanasa na sa kanya ang mga kalalakihan nga­yon?
“Nararamdaman ko! Ang mga karpintero ngayon, iba na ang tingin sa akin. ‘Yung mga set man, panay na ang alalay sa akin. Ha! Ha! Ha!”

Sa sobrang busy raw ni Uge ngayon, wala na raw siya lalong time na asikasuhin ang lovelife niya. Hirit niya, ang schedule na raw niya ngayon ay trabaho, tulog, bangko.

“Trabaho, tulog, bangko and then, pautang, ah hindi, pamigay! Ha! Ha! Ha!”
So, paano na nga ang lovelife niya?

“Alam ng Diyos ang pangangailangan ng bawat isa at alam din niya kung kalian ibibigay. Siguro ngayon, ang pangangailangan ko talaga ay ibigay ang pangangailangan ng mga naghihintay ng entertainment at ng susunod kong ipapakita. So, doon tayo mag-focus. Tutal, binigyan naman tayo ng pagkakataon na aliwin ang manonood. Aaliwin ko po kayo. Doon na lang muna,” say na lang ni Uge.
read more "“Ang sarap pala na binabastos-bastos ka!” -- Eugene Domingo"