Your Ad Here

Tuesday, March 9, 2010

Juday, nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon


“Maghintay,” ang pahayag ni Judy Ann Santos sa mga nagtatanong kung tala­gang buntis na siya, na siyang bulung-bulungan sa ngayon sa showbiz.


Nu’ng makatsikahan namin sandali ang Drama Queen ng ABS CBN 2 matapos siyang mag-judge sa Talentadong Pinoy last Saturday sa Cuneta Astrodome, panay ang ulit niyang ‘pa-wait na lang po’ na ang ibig sabihin ay abangan nga ang kanyang magiging statement sa tsismis na buntis na siya ngayon.


Kung tutuusin, nu’ng mga oras na katsikahan namin siya ay puwede na niyang i- deny o kumpirmahin ang tsismis, pero sabi nga, sila man daw ni Ryan Agoncillo ay naghihintay rin sa kung ano na ba talaga ang sitwasyon niya ngayon.


Sabi nga ni Juday, mas magandang manahimik na lang muna sila ngayon ni Ryan.


“Kasi paulit-ulit na lang. Kasi sabi naman namin, sasabihin naman namin. Hindi naman namin itatago. Kaya wait na lang, ‘yun muna ang masasabi ko. Wait na lang po from us, dahil sasabihin din naman namin sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Juday.


Inamin ni Juday na nahihirapan din siya sa sitwasyon niya ngayon, dahil alam niyang marami ang naga-abang sa kanyang pagbubuntis.


“Hindi ako mag­di-deny at hindi ako magku-confirm. Kasi nga, ang hirap ‘di ba? Wait na lang for the right time, pag nakakuha na kami ng tamang resulta. Kasi wala pa talaga akong masasabi ngayon. Sasabihin naman namin kung meron,” patuloy na lahad pa ni Juday.

Anyway, maging ang bestfriend niyang si Gla­dys Reyes ay nadadawit din sa isyu na siya raw nagpa­kalat ng isyung buntis siya sa Twitter account at Facebook account nito.


“Wala siyang sinasabi sa akin. Wala siyang Twitter. Meron siyang Facebook, pero wala naman siyang sinasabi doon. So, sana huwag na lang gamitin ang ibang tao. Magku-confirm naman kami at sa­sabihin naman na­min kung ano ang totoo,” natatawa pa ring pahayag ni Juday.


Well, sa halip na maapektuhan ay tinatawa­nan na lang ni Juday ang isyung buntis siya. Mabuti na lang daw at sanay na siya sa ganyang isyu kaya ipinagkikibit- balikat na lang niya ito.


Ang kinumpirma lang ni Juday ay ang bakasyon nila ni Ryan sa susunod na buwan. Ang nasabing bakasyon ay isasabay na rin daw sa kanilang first wedding anniversary at honeymoon na rin.


Isa raw sa kinukunsidera nilang puntahan ay ang Europe, pero hindi pa raw sigurado.


Siyanga pala, anim na shooting days na lang ang bubunuin ni Juday para sa pagtatapos ng pelikula nila ni Sarah Geronimo, ang Hating Kapatid. Tuloy parin daw ang career niya sa ABS-CBN dahil may mga tapings pa siya para sa kanyang serye na Habang May Buhay.


Sa totoo lang, tumaba ng konti si Juday ngayon, kaya kung titingnan mo siya, mukhang totoo ngang buntis na siya. Pero hirit niya, nakabakasyon daw siya ngayon at magana raw siyang kumain.
read more "Juday, nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon"

Kris, nagpakumbaba kay Ruffa Annabelle, respetado pa rin ni Kris


SA nangyaring insidente sa pagitan nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa P.O.V. segment ng The Buzz noong March 7 (Sunday) na humantong sa diumano’y pag-iyak at pagwu-walk-out na ni Ruffa kahit hindi pa man tapos ang show, na nasundan pa ng pagpapa-interview ni Annabelle Rama sa ka­tapat nitong programa, ang Showbiz Central sa pamamagitan ng telepono, hindi maikakailang lumikha agad ito ng kontrobersiya lalo pa nga at nadawit na maging ang pangalan ni Senator Noynoy Aquino sa mga naging pahayag ni Annabelle.

Tila nanawagan nga si Annabelle sa mga Pinoy na huwag iboto si Noynoy, dahil sa ugali raw ni Kris.
Ilang twitter post din ang inilabas nina Kris and Ruffa sa kanilang twitter account. On Kris part, ang pakiusap nito na baka puwede raw i-review ang kanyang mga sinabi sa The Buzz na para sa kanya, nothing offensive at wala siyang intention na barahin ang co-host.

Kay Ruffa naman, ang panghihinayang na dahil sa nangyari, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagpaalam nang maayos sa kanyang mga kasamahan. Kung meron man daw na hindi siya gusto rito, meron din naman daw na alam niyang gusto siya at napalapit siya.

Hindi nagbigay ng anumang comment or reaction si Kris hanggang sa matapos ang The Buzz noong linggo, pero before midnight, nagpadala ito ng kanyang statement sa pamamagitan ng cellphone bilang paghingi niya ng apo­logy kay Ruffa at pagsa­sabing naiintindihan at ni­rerespeto raw niya ang ina nito na si Annabelle.

Narito ang kabuuang statement ni Kris:

“I had dinner with Noy tonight after his TV commercial shoot. He told me ‘di raw ba pwede na may quiet Sunday kami? And he asked why siya nadamay, when he’s not even part of the Buzz.

“I would like to extend a loving hug to Ruffa. I viewed the tape and although I still feel I gave my comment with affection. Maybe it made her feel even worse because she’s moving in a new direction.

“We had what I believed was a good working relationship in the almost 2 years we were together on the Buzz.

“I can also understand why Ruffa’s mom dislikes Noynoy and my family. Maybe because of association and our vocal proclamation of admiration for Dingdong. And his selfless contribution to help Noy’s presidential bid.

“It is with Ruffa that I enjoyed a healthy working relationship with. And I only have good words to say about her. “To Ruffa, I sincerely apo­logize for causing you hurt.

“My brother Noynoy would like to add that we live in a democracy. One where we are very free to make our own choice for president.

“This text came from my sister Pinky: Tomorrow is Women’s day. And March is women’s month. FYI, it was mom who passed laws making this possible. (Proclamation No. 224 and 227, both signed in March 1988). And RA 6949 (signed April 1990 - declares March 8 as Natio­nal Women’s Day.

We celebrate women who triumphed despite odds and need to look at ways to further improve.

“That’s why I want Ruffa to have a great career ahead of her because she is a woman. Raising two beautiful daughters, and I champion all women who triumph despite the odds. Just like my own mom.
“Noy told me in any election, we’ll have our share of supporters and harshest critics. And if you can’t take the heat, then politics isn’t for you.

“As a woman, and as Ruffa’s mom and the lola of Lorin and Venice, I respect you Tita Anabelle.
“And on behalf of our family, I apologize for the distress we caused yours. Hindi po ako maya­bang, kaya ako nagpapakumbaba ngayon.

“On a last note, I pro­mised Noy that if he does WIN, and I’m a cause of stress for him and his presidency... I will gladly take my two boys to live anywhere there’s TFC.

“So that I can continue to work but with our Overseas Filipino brothers and sisters.
“Of course Noy said - dinner daw ‘yun - hin­di teleserye ko.

“I love my family and I’m so grateful to have such a supportive and grounded brother and sisters. Who have learned to love me for what I am.”
read more "Kris, nagpakumbaba kay Ruffa Annabelle, respetado pa rin ni Kris"

Katrina sa TV5, hinarang ng GMA 7


MUKHANG nasa bakuran pa rin ng GMA 7 si Katrina Halili at hindi pa siya lumalayas. Sabi, napigilan daw ng Siyete ang paglipat ni Katrina sa TV5.


Nagpahayag nga ng kanyang disappointment si Katrina sa kanyang mot­her station dahil sa kawalan niya ng proyekto. Matagal na nga raw tapos ang Darna pero wala pa raw siyang natatanggap na anumang bagong project mula sa Kapuso network.


Since wala na ngang kontrata si Katrina sa GMA 7 ay naisipan na raw nitong maghanap ng trabaho sa ibang istasyon at ang TV5 nga ‘yon.


Ayon sa aming source ay maayos daw na naki­pag-usap si Katrina sa mga taga-Singko at pirmahan na lang ng kontrata ang kaila­ngan. In fact, dapat ay magsu-shoot na siya ng station ID for TV5. Pero pinigilan nga raw siya ng GMA 7.


Tinapatan nga raw ng GMA 7 ang offer ng TV5. After all nga naman daw, produkto ng Kapuso si Katrina at nakakapanghina­yang naman na pakawalan ito. Kaya lang naman daw natagalan bago siya ma­bigyan ng proyekto ay dahil pinag-iisipan pa kung ano ang babagay sa kanya.


Kaya hindi na nga makiki-shake si Katrina sa Singko dahil certified Kapuso pa rin siya.
read more "Katrina sa TV5, hinarang ng GMA 7"

Goma, Mark, Piolo at Boyet, type biktimahin ni Eugene!


HANGGANG ngayon, nai-stress pa rin si Eugene Domingo sa pagbibida niya sa SRO Presents Hot Mama. Hindi raw niya akalain na magbibida siya rito.


Tanong kay Eugene, kung magiging hot mama nga siya sa totoong buhay, hindi raw sina Wendell Ramos at Dingdong Dantes ang kanyang mga bibiktimahin.


“Unang-una si Richard Gomez. Naku hindi ako susuko hanggang hindi ko nakakatambal si Goma! Masarap pa rin siya! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Susunod ay si Mark Anthony Fernandez. Bukod sa magaling umarte, sexy ang batang ‘yan. Parang bagay kami! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Pangatlo siyempre si Papa P! Piolo Pascual! Jusko, may pedestal na siyang nakahanda sa bahay ko! Ha! Ha! Ha! Ha!


“At siyempre, last but not the least, si Christopher de Leon. Original ‘yan para sa akin. Gusto ko siyang maka-partner para kumpleto na ang paggaya ko kay Ate Vi (Vilma Santos). Feeling ko magiging tunay akong Ate Vi kapag nakaeksena ko na si Papa Boyet! Jusko! Ha! Ha! Ha! Ha!” natawang pagtatapos ni Eugene.
read more "Goma, Mark, Piolo at Boyet, type biktimahin ni Eugene!"

Alindog ni Mocha, binibili sa Guam


NASA Guam pa rin hanggang ngayon ang Mocha Girls na sina Hershey delas Alas, Bez Lacanlale, Grace Oracion, Heart de Guzman at Mocha Uson. Dapat ay pauwi na sila nu’ng Valentine’s Day, pero na-extend hanggang Marso 20 ang series of shows nila roon sa hiling na rin ng mga tao roon.


Ito ang pangatlong beses na nagso-show ang Mocha Girls doon, kasama ang Mocha Ice Band.


Aliw kasi ang mga Pinoy sa Guam sa bonggang performance ng Mocha Girls, na hindi lang kumakanta, kundi sumasayaw pa. At kahit mga seksi sila, hindi sila bastusin.


Kuwento ng isang kaibigan, nakatanggap daw ng nakakalulang decent at indecent proposals tulad ng mansion, kadatungan, American citizenship, etc. ang Mocha Girls sa Guam. Pero, deadma raw ang mga girls.


Happy si Mocha dahil hanggang Guam daw ay mabenta ang kalendaryo niya na kinunan pa sa Tumong Beach, Guam. Wala raw katapusan ang pagpirma niya ng autograph.
read more "Alindog ni Mocha, binibili sa Guam"

Sorry ni Kris, ‘di tanggap ni Annabelle!


NILINAW ni Annabelle Rama na hindi nag-walk out sa The Buzz noong Linggo ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. Ayon kay Annabelle, siya ang nagsabi kay Ruffa na umalis na lamang ito sa studio nang umiiyak na tawagan siya sa telepono ng kanyang anak para sabihin ang mga pambabara na ginagawa ni Kris, bago pa man nagsimula ang The Buzz.Sinabi ni Annabelle na hindi nakita ng televiewers ang mga behind-the-scene kaya madali sa kanila na maghusga laban kay Ruffa.


“Nagagawa nga ni Kris na hiyain sa national TV ang kanyang asawang si James Yap, ang anak ko pa kaya? Nanay ako kaya nasaktan ako para sa anak ko. Nanay rin si Kris, siguradong masasaktan din siya kapag may nang-api sa kanyang mga anak.


“Dapat magpasalamat si Kris sa akin dahil ako ang kanyang wake-up call. Ako ang nagsasabi na sobra na ang kanyang pagiging bratty.
“Hindi totoo na sinisiraan ko si Noynoy. Ang sabi ko, hindi pa nagiging president si Noynoy, ang yabang-yabang na ni Kris. Paano kung naging presidente ang kapatid niya?


“Hindi ko siniraan si Noynoy. Nagre-reflect sa kanya ang mga ginagawa ni Kris. Parang ako rin, nagre-reflect sa mga anak ko ang ginagawa ko kapag nakikipag-away ako, pero never akong nag-umpisa ng away. Lumalaban lang ako kapag inaapi ang mga anak ko.


“Ako, nanay ako, nagdurugo ang puso ko kapag si Ruffa umiiyak na sa bahay. Pag-uwi ni Ruffa sa bahay, umiiyak na lang sa akin. Ang sabi, ‘Ma, binabara na naman ako ni Kris.’ Siya nga inaaway ko. Sabi ko, ‘Bakit hindi ka lumalaban, Ruffa?


“Bakit hindi ka lumalaban sa Kris Aquino na ‘yan? Sino ba siya?’ Hindi pa nga nananalo kapatid niya, e, yabang-yabang na niya. What more kung manalo si Noynoy, e, ‘di lalo lahat ng showbiz api-apihin niya? Hindi naman tama ‘yan!


“Ipinapa-review ni Kris sa mga tao ang The Buzz noong Linggo, eh hindi naman nakita ng mga tao ang nangyari bago nag-umpisa ang show? Nilapitan at nag-kiss si Ruffa sa kanya pero hindi niya pinansin.

Panay pa ang parinig ni Kris at tinitingnan niya ang anak ko ng mula ulo hanggang paa.


“Kung rerebyuhin ang mga nakaraang episodes ng The Buzz, makikita ng mga tao na matagal nang binabara-bara ni Kris ang anak ko!


“’Yan ang dahilan kaya pinull out ko si Ruffa sa The Buzz. Hindi ko ma-take na every Sunday, eh binabara siya palagi ni Kris kaya palagi kaming nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, ‘Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?’


“Hindi pa nga nananalo si Noynoy as president, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na ‘yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang.


“Kaya ako nananawagan sa taong bayan, huwag n’yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!”


“Wala akong pakia­lam sa sinasabi ni Kris na galit ako sa kanya dahil endorser ni Noynoy si Dingdong Dantes. Huwag niyang ilihis ang isyu! Sinasabi niya na may hidden agenda kami? Siya ang may hidden agenda!


“Ang totoo, si Kris ang galit sa akin. Tatlong beses niya akong inimbita para makipag-dinner kay Noynoy, pero tumanggi ako dahil hindi pa ako decided kung sino ang iboboto ko.


“Nag-apologize agad si Kris kay Ruffa para ako ang magmukhang kontrabida. Siyempre nga naman, sasabihin ng mga tao na nag-apologize na nga si Kris, nang-aaway pa rin ako!” tuloy-tuloy na pahayag ni Annabelle.
read more "Sorry ni Kris, ‘di tanggap ni Annabelle!"