Your Ad Here

Monday, February 8, 2010

Dingdong Dantes and Marian Rivera will be up in the air come Valentine's Day


By this time, posibleng papuntang Spain na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera pagkatapos ng shows nila sa Qatar at Dubai na kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.



Bago umalis papuntang Dubai, na-approve yung visa ni Dingdong Dantes para sa Spain kung kaya't masaya nitong ibinalita na puwede na niyang samahan si Marian pag binisita nito ang ama sa EspaƱa.



At kinumpirma ng dalawa ang ganitong plano nang makausap sila ng Startalk sa Ninoy Aquino International Airport nang papalipad na sila patungong Dubai noong Martes, February 2.



Ayon kay Marian, reunion na rin daw ito with other members of her dad's family.



"Oo, e, hindi lang ang papa ko. Pero siyempre, pinakaimportante dun yung papa ko. Pero yung lola ko, lolo ko, kasi ako yung unang apo sa papa ko, so makikita ko sila."



VALENTINE'S DAY IN THE AIR. Pabalik sa Pilipinas, mukhang sa eroplano na aabutan ng Valentine's Day ang dalawa.



Sabi ni Dingdong, "Nakahanda na ang mesa dun!"



May Valentines gift na ba sila sa isa't isa?



"Ako? Wala, e!" natatawang sagot ni Marian. "Wala akong gift, e. Baka dun na lang ako bumili ng gift para sa kanya. Hindi naman materialistic 'to, so kahit card lang siguro puwede na sa kanya."



Nang tanungin naman si Dingdong, si Marian ang mabilis na sumagot para sa kanya: "Nabigay na niya!"



"Oo, dun makukumpleto," ang nakangiting pahayag ni Dingdong, na mukhang ang tinutukoy ay ang mga estatwang pinapagawa niya na replica ng mga characters sa soap opera na ginampanan na ni Marian.
read more "Dingdong Dantes and Marian Rivera will be up in the air come Valentine's Day"

Aljur Abrenica admits getting jealous by closeness of Kris Bernal and Daniel Matsunaga


The chemistry between young stars Kris Bernal and Aljur Abrenica had fans swooning over their sweet moments on camera, especially in their latest fantaserye on GMA-7, The Last Prince.



Their rising popularity, however, becomes a huge magnet for controversy that would from time to time test their relationship. But Kris and Aljur, or Alkris to their fans, stand their ground and face the rumors being thrown at them.



The latest issue to hit their onscreen partnership comes from the most unlikely place: The Last Prince cast.



THE HUNKY WEREWOLF. The fantaserye recently added Brazilian-Japanese model Daniel Matsunaga to the cast as a prince who turns into a werewolf. With his striking good looks, Daniel is starting to gain his own admirers, including Kris Bernal. Now, rumor has it that Kris and Daniel are starting to get comfortable with each other off-screen and that Aljur supposedly feels threatened by Daniel's presence on the set.



In Showbiz Central yesterday, February 7, Kris and Aljur showed up to answer the issues in connection with Daniel's rumored admiration for Kris. Pia Guanio did the live interview with them.



What exactly were their initial reactions when Daniel joined the cast of The Last Prince?



"Siyempre, masaya kami na nandoon si Daniel," started Aljur. "Tapos it is our privilege na makasama siya sa The Last Prince. Kilala natin si Daniel as sikat na model po talaga at maraming humahanga sa kanya. Isa lang ako sa humahanga sa kanya."



Kris said: "Matagal ko na po siya nakita noong sinuportahan ko si Aljur sa Cosmo Bachelor [Bash]. Inaasar ko siya [Aljur]," she said.



"Ako ba talaga sinuportahan mo?" joked Aljur.



Kris just laughed, saying, "Tinanong ko siya [Aljur], 'Sino 'yon?' At nakita ko na si Daniel noon. Noong nalaman ko na si Daniel ang gaganap na Prince Nikolai [in The Last Prince], parang 'Uhh, teka lang.'"



How about the news that Daniel and Kris are getting closer? Before the young pair answered, SC showed a taped interview of Daniel praising Kris profusely.



"Kris surely helped me a lot," Daniel said. "It was my first time. I was really nervous about everything, about what's going on. I did not know what was gonna happen. To watch and to talk also. She was a really nice girl and she was like teaching me and helping me with the lines and acting also. We do the same stuff and go to the same tent. She is very sweet and a very cute girl, also very nice person. Yeah, she helped me a lot so I have to thank her."



After listening to the first part of Daniel's interview, Kris explained, "Marami kasi kaming eksena at tinatanong niya ako sa mga linya niya at tinutulungan ko siya. Ganoon talaga kami pag may eksena na kailangan maging close kami. Naging close talaga kami sa show."



So, how does it feel now that Aljur no longer has Kris's undivided attention? Is it 50-50 attention?



"Honestly," smiled Aljur, "60-40 na siya... Siyempre, ako 'yong 40. Mas marami siyang [Kris] time kay Daniel kasi magkasama sila, nahihiya ako lumapit, e. Pag nakikita ko na kasi, e, nakakahiya naman na mag-interrupt sa kanila."



A laughing Kris commented, "Kaya pala never kami nagsamang tatlo...kaya pala!"



"Feeling ko, nakakaistorbo ako," continued Aljur. "Si Kris kasi, tawa nang tawa. Kaya ako, nasa tent na lang ako. Nagbabasa ng script mag-isa. Usually kaming dalawa nagbabasa ng script, e. Pero...lonely na lang."



"Hindi niya sinasabi sa akin 'yon," Kris said to Pia while looking at Aljur. "Kaya pala napapansin ko rin na nawawala siya bigla."



DANIEL ASKING KRIS OUT ON A DATE? Aljur's tale about giving Kris and Daniel some space just got deeper since Daniel expressed his desire to get to know Kris better. Once again, the tape rolled at the SC studio and Aljur had to look at the smiling Daniel on screen again.



"We are getting close every time we do tapings," said Daniel about Kris. "Our friendship gets better. Every time we know more about each other, gusto ko... Sobra, she's very ganda and cute, right? Anybody who knows her will say the same things. She's a very nice person.

"I think to win her is quite hard," added Daniel. "She is very different. To attract her, I'll ask her for dinner, bring her flowers, and ask her about herself and her family."



After hearing Daniel's plan to ask Kris out, Aljur said, "Kasi kung ako din nasa position niya, e, ganoon din sasabihin ko na talagang ide-date, kung puwede mas makilala si Kris. Kasi ganoon ka-interesting si Kris, e. Mabait siya at mata-touch ka sa ginagawa niya. Everybody would feel the same way and every guy na makaksama ni Kris ay mai-in love talaga."



Then, after a short pause, he said in a quiet voice, "Siyempre, may selos din. Nagseselos din naman ako. Si Kris kasi matagal ko na nakakasama. Tapos 'yong mga times na 'yon, madalang kami magkasama, so nagseselos din ako..."



Kris, on the other hand, expressed her respect for Aljur when asked if she would agree to go out with Daniel. "Magpapaalam muna ako kay Aljur," she said.



Will Aljur give his consent?



"Sa kanya naman mangagaling. Hindi ko naman hawak ang puso ni Kris, e," he replied.



What if Daniel falls for Kris?



"Thank you kay Daniel," Kris said. "Thankful ako sa kanya and very flattered ako, siyempre. Kay Aljur, thank you. Pag nagsalita si Aljur, malalim at totoo."



Does Kris think that she would ever fall in love with Daniel?



"Hindi po," Kris said after a short pause. "Si Daniel, mabait talaga. Kung naging close kami, dahil nakita ko sa ugali niya na gusto niyang matuto at approachable siya. Pero kung tatanungin ako, e, si Aljur pa rin."



"MAHAL KITA." Aljur also had to listen at Daniel's parting message.



"Kris, it was a pleasure to work with you and Aljur," Daniel said. "I really am thankful for what you guys did for me. You are very cute and thank you very much. I hope there are more opportunites for me to work with you guys. Mahal kita!"



Kris then expressed her appreciation for Daniel's message. "Happy kami na nakatrabaho namin siya at nakita namin na professional siya. Sana makatrabaho namin siya ni Aljur."



Aljur also gave his thanks, "Daniel, maraming salamat sa time at pagtanggap sa The Last Prince. It's been working with you and alam ko na nag-enjoy ka kasama si Kris. Sport naman, e. Parang...thank you."



If Daniel really courted Kris, will Aljur fight for her heart?



"Siyempre oo," Aljur quickly said. "Ang mayroon ako na wala si Daniel, e, yung pagiging Pilipino ko. One-hundred percent Pinoy ako. Alam natin ang Pilipino, iba magmahal.



"Ipaglalaban ko," repeated a now-smiling Aljur.



Kris just smiled at Aljur and said, "Kahit sino pang lalake ang ilapit sa akin, ikaw ang number one."
read more "Aljur Abrenica admits getting jealous by closeness of Kris Bernal and Daniel Matsunaga"

Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager


Jolina Magdangal gets an overhaul in terms of image when she appeared live yesterday, February 7, on Showbiz Central.



Jolens, as she is known, has changed in many ways since getting Perry Lansigan as her manager. Before Perry came into the picture, it was Jolens' father, Jun Magdangal, who managed her career since she started in showbiz. With Perry now handling her career, a new Jolina emerged—looking sophisticated and definitely ready for new challenges and her career's growth.



Her crucial change, however, left some questions about her switching managers. Rumor has it that her decision to have Perry as her new manager created a rift between her and dad and the two parted ways in a negative way.



THE NEW JOLINA. The now revamped look of Jolina—who was wearing hip and funky clothes at the time of the interview—surprised the audience and even Showbiz Central co-host John "Sweet" Lapus. Does this mean that the conservative Jolina is now going for the daring route?



"Sabihin natin na ngayong 2010 ay maraming exciting ang mangyayari at makikita nilang Jolina sa TV," smiled Jolina. "Sa lahat ng aspetong 'yon. Pagiging daring naman, e, hindi naman basta sa looks lang, di ba? Maraming bagay na daring na makikita ninyo sa isang Jolina ngayong 2010."



"In particular, movies?" asked Sweet. "Mga kasabayan mo si Judy Ann Santos, ginawa 'yan sa Sabel, si Claudine Barretto sa Kailangan Kita... Makikita ba namin ang ganoon klaseng adult and mature roles si Ms. Jolina sa isang pelikula soon?"



Jolina smiled and answered, "Siguro parang it is about time kasi nagawa ko na lahat, e, at 'yon na lang hindi. Siguro marami na rin akong nagawa sa showbiz at alam ko na marami pa akong gustong gawin na iba sa nagawa ko dati."



CHANGE OF PHASE. Jolina's overall look was not the only thing she has changed. She also changed managers, shifting from her dad Jun Magdangal to Perry Lansigan.



"Bakit ka nagpalit ng manager," asked Sweet.



"Pagpapapalit ng manager na 'yan, e, mutual decision ng buong family," explained Jolina. "Nakita namin na... May bubuksan kaming business sa Tagaytay. So, yung business na 'yon, e, hindi siya business na puwede na pupunta lang doon kung free. Kailangan tutukan. Naisip ni Daddy na kailangan niyang tutukan 'yon. Being the father of the family, kailangan niyang tutukan 'yon and siyempre, hindi naman magagawa nang sabay, e. Naisip namin na this is it and it was time. Si Perry ay isang napakagaling na manager at napakabago ng ideas. Bago ko siya naging manager, e kaibigan ko siya, so ganoong kalaki ang tiwala ko sa kanya."



Perry also handles the careers of Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, among others.



Jolina continued to reveal that her dad supported her decision to change managers. "Walang [ibang] ibig sabihin 'yon," she said.



After hearing this, Sweet followed up his question by saying that even though everything turned out okay, was Jolina's dad surprised when he first heard his daughter's decision?



"Sa family namin, pag nag-decide kami, e, hindi lang dahil nagwo-work na kumbaga as a team. Family talaga kami, e. Ang nangyari, usapan ng buong pamilya ito. Parang kailangan talaga na magkakaroon ng change, di ba? Hindi talaga kami nagkaroon ng malaking diskusyon dito."



DADDY WISHES ALL THE BEST. In a separate interview, SC got to get Daddy Jun's say on the issue and his thoughts about his daughter's decision as a whole.



"It would be hypocritical for me to say na tuwang-tuwa ako," expressed Daddy Jun. "Siyempre, may kurot 'yon, e. Pero for the sake of her career and the sake of our business, it is the best decision I have ever had.



"Nakakapanibago. Honest to goodness, I have yet to see the concrete result of what they are doing. I am happy that the day has finally come na dito na namin makikita na anong klaseng manager si Perry at anong klaseng talent si Jolina pag iba manager niya, e, dito natin makikita."



About his relationship now with Jolina, Daddy Jun said, "It turned out for the better. Iyong pagiging father ko na lang ang naka-focus sa kanya. Ngayon, ang needs na lang niya as a daughter ang focus ko. Mas tatay na ako sa kanya at good luck sa endeavors mo now that ikaw na mismo and si Perry ang humahawak sa career mo. E, alam ko na malalampasan n'yo pa kung ano ang na-establish ko sa career mo. Good luck and the best of everything!"



After hearing the interview of her dad, Jolina added this afterthought: "Kumbaga, hindi naman ako tumatalikod sa fact na kaya ko narating ito dahil kay Daddy at sa pamilya. Lahat ng natutunan ko na values sa family at showbiz na kahit anong sabihin nila, e, maging professional ka, natutunan ko 'yon kay Daddy. Ang maganda ngayon, e, mai-apply ko now kasi magaling din si Perry."



Jolina added that her dad is happy about her new look. Before appearing in Showbiz Central, Jolina performed in SOP as her comeback performance after more than a couple of months.
"Napatawag siya agad at sabi niya na nagustuhan niya talaga. Natuwa sila ng mommy ko!" she exclaimed.



How about her boyfriend Mark Escueta? Was the Rivermaya drummer drummed up as well when he saw his girlfriend's new look?



"Si Mark, lagi 'yan sumusuporta sa akin talaga," Jolina said. "Lahat ng gusto kong gawin at natutuwa akong gawin, e, go siya. Tanong nga niya agad, 'Pati ako kailangan magganyan?' Siguro hindi ko magagawa ito pag wala ang support niya sa akin."



Will she ever miss her daddy Jun as manager?



"Noong si Daddy manager ko, every day kasama," said Jolina. "Ngayon, puwede naman siyempre daddy ko, e, pero hindi na yung palagi."



Aside from having a new look and a new manager, Jolinas has also come up with a new magazine where she acts as the editor-in-chief, Jolie.
read more "Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager"

John Lloyd Cruz insists he has nothing to do with the breakup of Shaina Magdayao and John Prats


Last Saturday, February 6, ay umalis ang grupo ng pelikulang Miss You Like Crazy ng Star Cinema papuntang Malyasia para mag-shooting ng ilang mahahalagang eksena roon. Kasama siyempre ang mga bida ng movie na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.



Bago sila sumakay ng eroplano patungong Malaysia, nakapanayam ng The Buzz si John Lloyd at nahingan ng reaction tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats.



"Kailangan na lang siguro nating irespeto yung naging relasyon nila," sabi ng aktor. "Hindi lang kasi fair para sa kanilang dalawa. Kasi kung ano ang naging problema nila as couple, kailangan nating hayaan yun sa kanilang dalawa kasi kanila yun, e. Hindi natin puwedeng panghimasukan yun."



Pinabulaanan din ni John Lloyd na may kinalaman siya sa naging breakup nina John at Shaina.



Aniya, "From my end, as far as I know and as far as I'm concerned, talagang wala po tayong kinalaman. And my being friends, gaya nga ng sinasabi ko, my being friends with Shaina now has nothing to do with their breakup. Alam ni Shaina yun, alam ni John yun.



"Huwag na sanang i-push pa yung isyu," pahabol pa ni John Lloyd.
read more "John Lloyd Cruz insists he has nothing to do with the breakup of Shaina Magdayao and John Prats"

Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats


Laman ng balita ngayon ang young actress na si Shaina Magdayao dahil sa breakup nila ng boyfriend niyang si John Prats. Kung pagbabasehan ang mga lumalabas na reports, tila hindi naging smooth ang paghihiwalay nila. Idagdag pa nga rito na nadadawit ang pangalan ni John Lloyd Cruz sa naturang breakup.



Sa The Buzz kahapon, February 7, ay live na nag-guest si Shaina at sa unang pagkakataon ay nagsalita tungkol sa breakup nila ni John. Sina Kris Aquino at Boy Abunda ang nag-interview kay Shaina.



BLESSED. Pero bago pag-usapan ang tungkol sa breakup nina Shaina at John, pinaalala ni Kris sa young actress na napaka-blessed niya dahil sa malalaking projects na nagagawa niya sa ABS-CBN.



Nauna na rito ang Lobo, followed by Kambal sa Uma na na-extend nang na-extend. Now, Shaina is one of the lead stars of the new primetime series Rubi, na magsisimula sa February 15.



Ipinaliwanag muna ni Shaina kung ano ang kanyang character sa Rubi.



"Gaya nga ng sabi ni Rubi [Angelica Panganiban], isa lang akong pilantod..."



"Bakit, pinilay ba siya ni Rubi?" tanong ni Kris.



"Hindi...naaksidente kasi ako. Pero yun ang dapat nilang abangan. Maganda rito, makikita nila kung maggo-grow ba si Maribel. Kung makikipagsabayan ba siya kay Rubi. Kung lalaban ba siya," saad ni Shaina tungkol sa kanyang character.



Tinanong naman siya ni Boy, makikipagsabayan ba siya sa co-star niyang si Angelica Panganiban? Hirit naman ni Kris, "As in, boobs kung boobs!"



"Si Shaina siguro, e, makikipagsabayan. Pero kung si Maribel [Shaina's character], siguro sa first part, e, medyo hindi po. Pero tingnan natin. 'Yan po ang dapat nating malaman kung makikipagsabayan," saad ni Shaina.



Natawa at napapalakpak naman si Kris sa sagot ni Shaina na "Si Shaina makikipagsabayan!"



"You know, dati kasi takot ako na mag-experiment," pag-amin ni Shaina.



Bakit siya takot?



"Siguro dahil hindi ko pa kasi kilala ang sarili ko. Hindi ko pa alam kung saan ba ang dapat kong puntahan. But now na alam ko na, gusto ko nang maging isang actress and not just a celebrity. So, gusto ko ngayon to start it slowly," sagot ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.



THE BREAKUP. Pagkatapos nito ay tungkol sa breakup nila ni John ang itinanong ni Boy kay Shaina. Pero bago maituloy ni Boy ang tanong niya, Kris told a story about her meeting with Shaina at the airport last December 26.



Nasa counter daw sila noon sa airport. Kris was on her way to Bangkok while Shaina was going to Hong Kong. Lumapit daw si Shaina kay Kris. Sinabi raw ni Shaina na matagal na niyang gustong kausapin si Kris dahil yung interview na umeere sa SNN ay two weeks ago pa raw at nagkakalabuan na sila ni John that time. Sinabihan daw ni Kris si Shaina na palitan na niyang ang contact profile picture niya.



Si Kris na rin ang nagtanong kay Shaina kung kailan ba sila "nagkalabuan" at "nag-goodbye" ni John?



"Yung nagkalabuan, it's been months. Hindi naman yung basta-basta nag-break kami kinabukasan, di ba?" sabi ng 20-year-old actress.



Gaano katagal ang relasyon nila ni John?



"Two years."
When did it start going downhill?



"Mga ilang months na rin...mga more than three months. August-September, mga ganun."



Ayon kay Boy, sigurado raw mahirap i-memorize ang dates at this point. Pero ano nga ba ang dahilan ng pagkakalabuan nila?



"Tito, sana respetuhin na lang... It is not something na puwede kong ipangalandakan or puwede kong sabihin na I'm very proud of. So, parang huwag na lang po sanang pag-usapan. Pero kung anuman po yun, more than yung atraso namin sa isa't isa, siguro nagkulang kami sa isa't isa. Kung anuman ho yun..." pag-iwas ni Shaina.



Pero pinutol ni Kris ang sinasabi ni Shaina sa pagpapaalala rito na sa Skype daw niya, Shaina was very vocal sa kanyang love and devotion to John. So, saan siya nagkulang gaya ng sinasabi niya? At bilang girlfriend, ano yung isang bagay na she could have given or could have worked on pa?



"Siguro po yung commitment," sagot niya. "Kasi nga po, siyempre maraming tao ang nagmamahal sa akin and sinasabi nila na ngayon pa lang nagsisimula ang buhay ko. So, I have to also love myself. And yun nga po, kagaya ng ginagawa ko ngayon, trabaho na nga lang po muna."



Natuto ba si Shaina from her sisters' experiences na medyo maagang nagsipag-asawa?



"Oo naman... I don't want to have any regrets. At malaking factor yun na maraming opportunities na dumarating sa akin ngayon. At yun nga, gaya ng sinasabi ko, sana I'm starting my 2010 right," sabi niya



Bakit siya nanahimik for the longest time samantalang usually ay ang mga babae ang unang nagsasalita sa mga ganitong isyu?



"Well, siguro hindi lang ako yung ganung klaseng babae," sagot ni Shaina. "And malaking-malaki yung respeto ko sa kanya [John]. Hindi lang sa kanya kung hindi sa pamilya niya. So, kung gaano ako ka-private na tao... Sabi ko po sa kanya, kila Tita [John's mother], 'Wala po kayong... Definitely, may pagkukulang kami sa isa't isa, pero trust me, hindi po ako magsasalita ng kahit na ano against your son. Kasi may pinagsamahan naman kami at minahal ko rin naman po ang anak ninyo.'"



"Does he respect you as much?" tanong ni Boy?



"Well, sana hindi mawala. I'm actually very thankful na sobrang I'm very surrounded with good people. And sana, yung mga taong nakapaligid sa kanya, hindi yun tatanggalin sa kanya, yung respeto," sabi ni Shaina.



Can she really say that the love has died?



"Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan. So, hindi ko ho ikakaila na mahal ko pa rin siya bilang tao at bilang kaibigan," sagot ni Shaina.



Sino ba ang may malaking kasalanan sa kanila ni John kaya sila naghiwalay?



"Yun nga po, di ba? So, kung may pagkukulang ho ako, may pagkukulang din siya. Pero hindi ko puwedeng isisi sa kanya ang lahat ng pagkukulang na yun. Hindi rin nila puwedeng isisi sa akin ang lahat ng pagkukulang na yun. So I guess, pareho lang ho kami."



Was there a third party?



"Yun, definitely, wala ho," mariing sabi ni Shaina.



But now that is over, is she ready to date again? Marami na ba ang nagyayaya sa kanyang lumabas?



"Well, it's normal siguro kapag natapos ang isang relationship, di ba, merong mga nagkakalakas ng loob. Wala naman po sigurong masama dun. Pero yun nga po, at the stage ng buhay ko, gusto ko muna pong hanapin ang sarili ko ulit. Gusto ko ho munang maging kumpleto ulit para sa susunod na relationship na papasukin ko, " sabi niya.

LESSONS LEARNED. Sa nangyari sa kanya, what lessons did she learn? And at the age of 20, masasabi ba niyang si John Prats na ang pinaka-nagmarka sa puso niya sa lahat ng lalaking nakahalubilo niya?



"Oo naman," sagot niya. "I think siya ang may pinakamalaking impact. And iniisip ko na lang na siguro kaya nagwakas yun dahil meron akong maraming natutunan sa naging relationship namin."



Ano ang mga natutunan niya?



"Marami... Dyusko, unang-una, siguro kailangan ko munang irespeto ang sarili ko para respetuhin din ako ng ibang tao. You know, I owe this to the public. I owe them the truth. Alam ko naman ho yun from the very beginning dahil ito po yung pinasok kong trabaho.



"So, more than anything, gusto ko munang magpasalamat sa mga taong hindi ako iniwan. Talagang dito niyo pala makikita kung sino ang mga taong totoo sa 'yo. Kung sino yung mga totoo mong kaibigan. At napakalaking factor dun yung pamilya mo. Hindi ka iiwan. So, gusto ko hong magpasalamat dun sa mga taong hindi ko akalain na mahal ka pala.



"So, yun ho, sa mga patuloy pa rin na hindi ho makukuntento, maraming salamat na rin ho because you're making me stronger. You're making me more loved. Making me even feel that I am well-loved."



BIRTHDAY WISH FOR JOHN. Sa mismong Valentine's Day, Feb. 14, ay 26th birthday na ni John. Ano ang birthday wish ni Shaina sa kanyang ex-boyfriend?



"Well, happiness, di ba? Alam mo, you have everything na. So, siguro ang mawi-wish ko lang is good health for you and your family."



What about her wish for John?



Matagal bago nakasagot si Shaina pero aniya, "Marami, e. Honestly, hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin sa kanya. Maraming salamat sa lahat ng naituro mo sa akin. Sa lahat ng napa-realize mo sa akin, sana maging masaya ka sa birthday mo, sa lahat ng desisyon mo.



"At huwag mong kakalimutan din siguro na maraming tao rin ang nagmamahal sa 'yo. Siguro hindi natin maayos ito sa ngayon. But you know, definitely, at the end, maayos 'to. Peace of mind and happiness for you."



Pambubuking naman ni Kris na natatawa kay Shaina: "Nag-hello at nag-goodbye na nga sa 'yo kanina, di ba?"



Isang matamis na ngiti lang ang naging tugon ni Shaina.
read more "Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats"

AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top


Here are the comparative TV ratings of ABS-CBN and GMA-7 programs from February 5 to 7, based on the overnight ratings of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:



February 5, Friday

Morning:

Unang Hirit (GMA-7) 5.6%; Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 4.4%; Mr. Bean (ABS-CBN) 4.6%

Hunter X Hunter (GMA-7) 8.2%; Gintama (ABS-CBN) 2.7%

Pokemon Master Quest (GMA-7) 7.9%; Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 6%

Kekkaishi (GMA-7) 8.9%; Knock Out (GMA-7) 11.1%; Miss No Good (ABS-CBN) 4.1%

Kapuso Movie Festival (GMA-7) 13.7%; Showtime (ABS-CBN) 13.7%



Afternoon:

Eat Bulaga! (GMA-7) 21.1%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 15.4%; Wowowee (ABS-CBN) 17.8%

Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 20%; Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 12%

Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 16.3%; Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 9.1%; Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 9%

Wow Hayop (GMA-7) 9.4%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 9.8%

Family Feud (GMA-7) 11.7%; Love Is Only in the Movies (ABS-CBN) 12%



Primetime:

Ikaw Sana (GMA-7) 21.1%; Tanging Yaman (ABS-CBN) 19.1%

24 Oras (GMA-7) 26.9%; TV Patrol World (ABS-CBN) 26.6%

Darna (GMA-7) 26.9%; May Bukas Pa (ABS-CBN) 37.1%

The Last Prince (GMA-7) 28.9%; Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 29.1%

Full House (GMA-7) 29.2%; Habang May Buhay (ABS-CBN) 28.8%

Queen Seon Deok (GMA-7) 23.7%; Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 26.6%

Bubble Gang (GMA-7) 15%; SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 12.4%; Bandila (ABS-CBN) 6.5%

Saksi (GMA-7) 5.1%; S.O.C.O. (ABS-CBN) 5.7%

OFW Diaries (GMA-7) 2.8%; Trip Na Trip (ABS-CBN) 2.5%



February 6, Saturday

Morning:

Kapwa Ko Mahal Ko (GMA-7) 2.3%; Ryukendo (GMA-7) 2.9%; Salamat Dok (ABS-CBN) 2.9%

Shonen Onmyoji (GMA-7) 5.2%; Kabuhayang Swak Na Swak (ABS-CBN) 3.7%

Race-Tin Flash & Dance (GMA-7) 7.2%; Wanted: Perfect Husband (ABS-CBN) 2.1%

Art Angel (GMA-7) 8.7%; Math Tinik (ABS-CBN) 2.2%; Chaotic (ABS-CBN) 3.9%

Happy Land (GMA-7) 6.9%; Teenage Mutant Ninja Turtles: Fast Forward (ABS-CBN) 4.6%

Ka-Blog (GMA-7) 6.7%; Power Rangers Jungle Fury (ABS-CBN) 4.6%

Maynila (GMA-7) 7.2%; Kulilits (ABS-CBN) 4.2%

Kapuso Movie Festival (GMA-7) 15.1%; Showtime (ABS-CBN) 13.1%



Afternoon:

Eat Bulaga! (GMA-7) 25.4%; Wowowee (ABS-CBN) 18.7%

Startalk (GMA-7) 11.5%; Wish Ko Lang (GMA-7) 13.5%; Entertainment Live (ABS-CBN) 10.6%; Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) 10.5%



Evening:

Pinoy Records (GMA-7) 14.8%; Failon Ngayon (ABS-CBN) 12.5%; TV Patrol Sabado (ABS-CBN) 18.4%

StarStruck V Dream Believe Survive (GMA-7) 13.9%; Pepeng Agimat (ABS-CBN) 17.1%

Bitoy's ShoWWWtime (GMA-7) 14.5%; The Singing Bee (ABS-CBN) 18.5%

Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) 26.3%; Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) 22.7%

Imbestigador (GMA-7) 20.3%; Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 27.5%

Cool Center Hello It's Me! (GMA-7) 9%; Banana Split (ABS-CBN) 12.7%

GMA Weekend Report (GMA-7) 4.3%; The Bottom Line With Boy Abunda (ABS-CBN) 4.4%

Walang Tulugan With The Master Showman (GMA-7) 2.4%; Sports Unlimited (ABS-CBN) 1.6%; Pinoy Big Brother Double Up Late (ABS-CBN) 1.1%



February 7, Sunday

Morning:

Jesus The Healer (GMA-7) 1.3%; The Healing Eucharist (ABS-CBN) 3.8%

In Touch With Dr. Stanley (GMA-7) 0.7%; Kabuhayang Swak Na Swak (ABS-CBN) 3.8%

Race-Tin Flash & Dash (ABS-CBN) 4.5%; Salamat Dok (ABS-CBN) 3.1%

Ryukendo (GMA-7) 9.2%; Trollz (ABS-CBN) 4.7%

Team Galaxy (GMA-7) 8.7%; Totally Spies Undercover (ABS-CBN) 5.6%

Dragon Ball GT (GMA-7) 9.4%; Chaotic (ABS-CBN) 4.6%; Bosou Renkin (ABS-CBN) 4.5%

Pokemon Specials (GMA-7) 10.8%; Super Inggo at ang Super Tropa (ABS-CBN) 6%

Knock Out (GMA-7) 11.9%; Joey's Quirky World (GMA-7) 10.8%; Matanglawin (ABS-CBN) 11.8%



Afternoon:

SOP (GMA-7) 12.2%; ASAP XV (ABS-CBN) 17.1%

Dear Friend: Almost A Love Story (GMA-7) 11.1%; Your Song Presents Love Me Love You (ABS-CBN) 14.6%

Showbiz Central (GMA-7) 8.4%; The Buzz (ABS-CBN) 12.4%; Goin' Bulilit (ABS-CBN) 14.7%



Evening:

Kap's Amazing Stories (GMA-7) 15.7%; StarStruck V: Dream Believe Survive (GMA-7) 20.1%; Rated K (ABS-CBN) 21%

Mel & Joey (GMA-7) 22.9%; Sharon (ABS-CBN) 16.8%; George & Cecil (ABS-CBN) 18.9%

Bandaoke! Rock 'N Roll To Millions (GMA-7) 16.4%; Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 27.1%

Show Me Da Manny (GMA-7) 14.1%; TV Patrol Linggo (ABS-CBN) 16.9%

SNBO: Enteng Kabisote 2 (GMA-7) 10.7%; Sunday's Best: The Miriam Defensor-Santiago Story (ABS-CBN) 10.2%; Urban Zone (ABS-CBN) 2%

GMA Weekend Report (GMA-7) 5.2%; Diyos at Bayan (GMA-7) 2%
read more "AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top"