Your Ad Here

Tuesday, February 16, 2010

PBB winners Melai Cantiveros and Jason Francisco say that their love team is not scripted


Aside from winning in Pinoy Big Brother Double Up, Melisa "Melai" Cantiveros also managed to win the heart of her fellow housemate Jason Francisco. Melai recalled that she and Jason officially became a couple on February 8, 2010. Viewers were enamored by the couple and even dubbed them as the "Melason" love team.



During the press conference of the Big Five held last night, February 15, at the PBB house in Quezon City, Melai and Jason were seated together as the media interviewed them about their romance that blossomed under the watchful eyes of Big Brother and the viewing public.



Joining them that night were runners-up Paul Jake Castillo, Johan Santos, and Tibo Jumalon.



PEP (Philippine Entertainment Portal) asked the couple to reveal their Valentine's gifts to each other. Melai replied that her gift was the bracelet that Jason was wearing on his right arm.



"Hindi pa po kasi kami nakakalabas talaga so ang ibinigay sa akin ng friends ko, yun yung binigay ko sa kanya. Boyfriend ko na siya, so member na rin siya ng women empowerment [group]. Gawa po ito ng group ko sa Gen San," said Melai.



Jason said that his gift for Melai is a Spongebob stuffed toy because it is her favorite. "Plano ko rin po puntahan siya sa [General Santos City] sa birthday niya."



There have been rumors circulating that the two will appear in Ai-Ai delas Alas's movie under Star Cinema but Melai and Jason were quick to point out that they have not yet been informed about it. But they would be more than happy to take part in the project if it were offered to them.



SCRIPTED LOVE TEAM? Some people are skeptical about their love team, prompting a member of the press to ask if anyone instructed Melai and Jason to become a love team while inside the PBB house.



"Wala pong nag-utos sa amin," said Melai. "Hindi naman kami scripted. Ang hirap naman kung scripted."



Jason explained, "Bakit naman magkakaganun, e, hindi nga po namin alam na kami'y nagiging love team na pala? Ako, suporta lang ako sa kanya. Naging best friend kami hanggang sa naging kami... Apat na buwan, matagal na rin yun para mapakita kung ano ka talaga."



Did Melai intend to look for a boyfriend while inside the PBB house?



"Hindi ko po intention yun pero kasi ang daming guwapong housemate naman talaga sa loob. Ang una kong crush ay si Kenny [Ortega, one of the twins]. Ang naging second crush ko ay si Paul Jake kasi para siyang si Sir Carlo [of Lovers in Paris]. Pero nalaman ko na three years na pala sila ng girlfriend niya kaya nalugmok ako. Hindi ko talaga naging crush si Jason kasi maliit lang siyang lalaki," she said.



But Melai had a boyfriend before entering the PBB house. Melai's boyfriend Roy was allowed to talk to Melai inside the PBB house to put an end to their relationship, but there was no formal breakup between the two.



VIRGINITY. During the general press conference, the topic of Melai's virginity came up and the PBB Big Winner did not shy away from answering the question.



Is she still a virgin?



"Noon po, pero ngayon hindi na!" she said without batting an eyelash. "Second year college po yun, binigay ko na ang aking kabuaan, pero hindi naman talaga ako easy girl. I think 19 years old ako nun."



How many boyfriends did she have in the past?



"Seven po, pang-eight si Jason," Melai said.



Is Jason shocked by Melai's public declaration that she is no longer a virgin?



"Ganito po kasi yun, bago pa kami naging kami, ang dami na niyang naikuwento sa akin. Kahit mga kaibigan niya, naikuwento na niya sa akin. Kaya marami na akong alam sa kanya kasi madaldal nga po siya," he said.

Does he get jealous when he sees male fans who admire Melai?



"Hindi naman po sa pagmamayabang, pero alam ko na sa akin na talaga sa akin si Isay," Jason confidently said.



JEALOUSY TURNS TO LOVE. PEP later asked Jason, when did he realize that he was in love with Melai?



"Nung pumasok ako sa kabilang bahay at nakilala ko si Mariel [Sorino]. Paglipat ko sa kabila, sabi niya sa akin, 'Ang ganda ni Mariel.' Sabi ko, 'Oo, ang ganda ni Mariel.' Naging crush ko si Mariel tapos nung nagkukuwento na ako tungkol kay Mariel, naiba na siya [Melai] ng salita. Nagseselos, a!. Tapos nilalambing ko... Pero ako kasi, ayoko talaga ng magaganda kasi baka ako ay lokohin.



"Maganda naman si Isay, kulang lang sa pag-aayos 'yan! Pero minsan pag nagme-makeup siya, sinasabi ko, 'Isay, hindi ikaw 'yan. Sobrang kapal.' Gusto ko simple lang, parang kay Maja Salvador," Jason said.



Does he want to change anything about Melai or does he accept everything about her?



"Sa ugali...di ko tanggap lahat po," he admitted. "Kasi may mga bagay na di dapat sinasabi pero sinasabi niya. Yung mga maselan at dapat kayong dalawa lang nakakaalam, naku si Isay, talagang pag nakakuwentuhan mo, naku masasabi na niya lahat, e. Lagi ko siyang pinagsasabihan, pero di naman nakikinig."



Would it be okay with him if Melai undergoes some changes in her body?



"Sabi niya [ipapayos raw niya ang] ngipin saka gusto niya magpaputi. Okay lang sa akin basta huwag lang mag-iba ang mukha niya, baka hindi ko na makilala," Jason answered.



Does he get tired of her motor mouth?



"Minsan po. Nalayo na lang ako. Parang armalite, e," said Jason with a smile.



But the Boy Astig ng Mindoro also had sweet words for his beloved: "Ang pangako ko po sa kanya, lagi niyang isipin na pagkatiwalaan niya ako kasi ako malaki ang tiwala ko sa kanya. Yun ang importante."
read more "PBB winners Melai Cantiveros and Jason Francisco say that their love team is not scripted"

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted shopping togetherJohn Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted shopping together


Mula sa isang PEPster, na nagpakilala sa PEPster I.D. na "shyspy," ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng dalawang litratong nagpapakita kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na magkasama.



Ayon sa PEPster, nakunan ang litrato noong Sabadong nakaraan, Pebrero 6, sa isang bike store sa Makati City. Bumibili raw ng bicycle parts si John Lloyd noon. Si Shaina naman ay mukhang sinamahan lang ang aktor sapagkat wala namang nakitang binibili ito.



Nagpakuha pa ng litrato sina Shaina at Lloydie kasama ang isang fan (inset). Tinanggal lang ni shyspy ang fan sa litrato dahil private person daw ito at baka mas shy pa ito kay shyspy.



Ayon kay shyspy, nakuha niya ang mga litrato mula sa isang "superclose friend" niya, na nagkataong naroon din sa bike store at siya mismong nag-click ng camera. Sa aming pananaliksik, ang bike store ay ang Sabak Sports and Adventure Store.



BAKIT HOT ANG LITRATONG ITO? Si John Lloyd kasi ay lumalabas na Box Office King ngayon ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Ang pinakamalaking pelikula ng Star Cinema noong 2008 ay ang A Very Special Love (P180 million gross, sabi mismo ng film outfit at ng co-producer Viva Films), kung saan ang leading man ay si John Lloyd Cruz. Noon namang 2009, ang pinakamalaking pelikula nito ay ang You Changed My Life (P240 million ayon pa rin sa Star Cinema at co-producer Viva Films), kung saan si John Lloyd na naman ang male lead.



Ang You Changed My Life nga raw, sabi ng Wikipedia, ay ang unang Filipino movie na naka-break sa P200million barrier. Kaya walang pasubali, importanteng star si John Lloyd.



Sa gayo'y inaabangan ang mga kaganapan sa buhay ng binata—na mukhang makulay nga. Hindi pa man natatapos ang three-year relationship nito with top stylist Liz Uy, na-link ito sa dating beauty queen, actress at TV host na si Ruffa Gutierrez, na kaibigan ni Liz at kapatid ng barkada ni Liz na si Raymond Gutierrez.



Nakunan pa sina Ruffa at John Lloyd na papasok sa isang Beverly Hills hotel bandang June 22, 2009, na unang lumabas sa PEP noong June 30. Inamin din sa TV ni Ruffa na sila nga ang nasa litrato; si John Lloyd ay hindi naringgan ng pahayag.



Matapos ng mga walong buwan, nabalita namang wala na ang aktor at si Ruffa, at na-link naman ang aktor sa isang non-showbiz girl. Ngunit di naglaon, mas naging maingay ang balitang nagugustuhan ni John Lloyd ang batang aktres na si Shaina Magdayao, na nagkataong kabi-break lang sa boyfriend nitong si John Prats. Dahil nagtagal din ng two years sina Shaina at John Prats, nagkaroon ng haka-hakang ang naging third party sa kanila ay si John Lloyd. Nagkataon pa, ang tatlong stars ay mina-manage ng iisang outfit, ang Star Magic.



Ngunit tigas-tanggi sina Shaina at John Lloyd na sila na ngayon at na may kinalaman si Lloydie sa breakup nina Shaina at John Prats. Sa magkahiwalay na appearances sa iisang episode ng The Buzz, nagsalita sina Shaina at Lloydie.



John Lloyd (Feb. 7): "From my end, as far as I know and as far as I'm concerned, talagang wala po tayong kinalaman. And my being friends with Shaina now has nothing to do with their breakup. Alam ni Shaina iyon, alam ni John iyon. Wag na sanang i-push ang isyu."



Shaina (Feb. 7): "Walang third party."



Ang interview na ito ni Shaina, ayon kay PEPster shyspy, ang siyang nagtulak sa kanyang i-email sa PEP ang nakalap niyang mga litrato nina Shaina at Lloydie. Ang mga ito raw ay patunay na meron ngang "something" sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars.



Gusto namang magpasintabi ng PEP, na kung meron mang "something" sa dalawa ngayon, hindi automatic na si Lloydie ang dahilan ng breakup nina Shaina at John Prats. Kapani-paniwala rin naman kasing nag-break up na sina Shaina at John Prats bago pa pumasok si Lloydie sa buhay ni Shaina.



Ngunit para matapos ang mga sapantaha, agad na kinontak ng PEP ang PR ng Star Magic na si Thess Gubi, upang hingan ng pahayag ito. Ayon naman kay Ms. Thess, wala pa silang nakukumpirma kina Shaina at Lloydie, although nagde-date daw ang dalawang artista "in groups." Babalikan na lamang daw niya ang PEP kapag may sasabihin na sila tungkol sa two young stars.



Sa obserbasyon naman ng ilang showbiz insiders, hindi magugustuhan ng Star Cinema ang paglabas-labas ng mga tsismis tungkol kina Shaina at John Lloyd sa ganitong panahong prino-promote ang John Lloyd at Bea Alonzo starrer na Miss You Like Crazy. Palabas na ang latest Star Cinema offering sa Pebrero 24.



Noong Pebrero 8, sa press conference ng Rubi—ang bagong teleserye sa ABS-CBN na pinangungunahan nina Angelica Panganiban at Shaina Magdayao—sinagot muli ni Shaina ang makulit na tanong ng press tungkol sa kanila ni Lloydie.



Sabi ng young actress, na dating mas kilala bilang kapatid ni Vina Morales, "Hindi totoo, walang third party. Nahihiya ako kay John Lloyd, wala siyang kinalaman. Nag-sorry na ako sa kanya. Nagso-sorry din ako kay Denise [Laurel], dahil pati siya nadadamay." (Si Denise, na hawak ni Arnold Vegafria, ay na-link naman kay John Prats.)



Sa kasalukuyan, hinihintay ng PEP ang statement na manggagaling kay Thess Gubi ng Star Magic. Samantala, ang mga litratong narito ay simple lang naman: sinasabi lang ng mga ito na nagsabay sa isang bike store ang good-looking young stars na sina John Lloyd, 26, at Shaina Magdayao, 20.
read more "John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted shopping togetherJohn Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted shopping together"