Your Ad Here

Saturday, April 10, 2010

Maxene at JC relasyon, pangit ang ending!


May dalawang buwan na palang hindi nagkakausap sina Maxene Magalona at JC Tiuseco. Kaya nu’ng tanungin namin siya sa suportang ibinibigay ni Maxene sa kanya sa pagsali niya sa Medicol Advance Winners’ Race To A Million, walang maisagot si JC, at ngumiti lang.


Nanatiling tikom nga ang bibig ni JC sa tunay na rason nang paglamlam ng relasyon nila ni Maxene. Ni hindi rin nito maamin hanggang ngayon na naging sila ng aktres, at totoo ang balitang nag-break sila nu’ng January pa.


Hindi rin masagot ni JC ang tanong namin sa kanya na bakit kahit sa text ay hindi sila nag-uusap ni Maxene.


Suspetsa ng marami, hindi naging maganda ang ending ng relasyon nina JC at Maxene. Ang isang pruweba nga ay ang interview muna ni Maxene na ayaw nitong makasama sa kahit na anong project si JC.


Nang tanungin namin si JC tungkol sa sinabing `yon ni Maxene, ang sagot lang niya ay okey lang daw sa kanya kung ‘yun ang gusto ni Maxene. Sabi pa niya, karapatan daw nitong pumili kung sino ang gusto niyang makasama sa trabaho.


Hindi talaga namin mapiga si JC sa nangyari sa kanila ni Maxene, kaya pahapyaw namin siyang tinarayan, at sinabi na ang damot niyang magbigay ng komento sa press tungkol sa kanila ni Maxene, gayung alam naman ng lahat na naging sila nito.


“Hindi naman! Siyempre, ang inaano ko ‘yung kapakanan ng ibang tao hindi lang ‘yung sa akin. Parang ayaw ko ring makasakit ng ibang tao. Kaila­ngang maging gentleman ka sa lahat ng sinasabi mo. I mean, oo pero kailangan siyempre, kailangang ibigay ko sa press ‘yung kailangan nila pero kung ako lang, okey lang sa akin. Pero may ibang tao na mai-involve kaya kailangang isipin ko rin,” sey niya.


Akala namin ay magsasalita na si JC nang tuluy-tuloy, pero nu’ng uriratin uli namin siya kung may masama bang nangyari sa kanila ni Maxene at bigla silang nag-iwasang dalawa, sumagot itong “wala naman”.


“Siguro baka iba na ang set of friends niya. Kasi ako madalas lang ako sa bahay, hindi ako lumalabas,” dugtong niya.


Kuntento na raw si JC sa sitwasyon nila ni Maxene na hindi na sila nag-uusap. Naintriga lang kami sa sumunod na pahayag niya, dahil sey niya, mas gusto na raw niyang in good terms sila ni Maxene at wala siyang nasasaktan.


Anyway, tutok nga si JC ngayon sa Medicol Advance Winners’ Race To A Million. At kung mananalo raw siya, sa Gawad Kalinga niya ibibigay ang isang milyong piso na premyo.
read more "Maxene at JC relasyon, pangit ang ending!"

Paglayas ni Rachelle sa Dos, ikinatuwa ni Mark Bautista!


Masayang-masaya si Mark Bautista at nasa bakuran na rin ng GMA-7 si Rachelle Ann Go.

Pumirma na nga ng kontrata si Rachelle bilang isang certified Kapuso.


Sey nga ni Mark, hindi raw niya inaasahan na makakasunod si Rachelle Ann sa kanya dahil ang alam niya ay may kontrata pa ito sa ASAP. Pero nag-expire na pala last April 4 ang kontrata ni Rachelle at agad nga siyang dinala ng Viva Artist Agency sa GMA-7.


“Actually noong tina­nong ko si Rachelle about that, hindi siya sumasagot ng maayos. Sinasabi lang niya na may inaayos pa. Kaya all the while, I thought may kontrata pa siya na hindi pa nag-expire.

Tapos nalaman ko nga na pumirma na siya,” naka­ngiting kuwento ni Mark.


Hindi lang daw sa Party Pilipinas magsasama ang dalawa dahil meron din silang mga gagawing pelikula at drama shows sa GMA-7.


“I heard nga na si Rachelle, may mga acting siyang gagawin sa GMA-7. That’s good kasi ‘yun din naman ang gusto rin niya noon pa. She wants to be a versatile performer.


“Ako naman, ‘yun din naman ang sinabi sa akin. Wala pa ngang sinasabi sa akin kung ano pang mga shows ang gagawin ko, pero may kasama ngang acting sa movies and TV.”
read more "Paglayas ni Rachelle sa Dos, ikinatuwa ni Mark Bautista!"

Jennica at Alwyn, magkarelasyon!


SA mga past interviews ni Jennica Garcia, hindi nito itinatanggi na kapag may chance, lumalabas siya with other guys or friends, mostly nga raw ay group dates naman. Matagal na rin kasi, simula nang mag-break sina Jennica at Mart Escudero. Last year pa nang mag-break ang dalawa.


May kumalat na balita noon na kesyo nagkakamabutihan sina Jennica at Rayver Cruz, but obviously, hindi nga totoo, dahil pareho rin nilang itinanggi ‘yon agad. As we all know, si Rayver ay matunog naman na nali-link kay Sarah Gero­nimo for the longest time.


Anyway, ang latest na nakarating sa amin at kung totoo nga, may bagong special someone raw si Jennica ngayon. Pero mukhang after Mart, mas nali-link si Jennica sa ilang Kapamilya stars.
Heto’t ang latest nga na nakarating sa amin, kung may maituturing man daw na special kay Jennica ngayon, ito ay ang Kapamilya star na si Alwyn Uytingco.


Hindi pa namin makonek kung paano sila na­ging close. Posibleng through a common friend din.


Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay tinanong namin si Jennica for confirmation kung si Alwyn nga ang tinutukoy niyang special someone niya, at walang malisyang sagot nito sa amin ay, “Yes.”


Well, pareho namang single and unattached sina Jennica at Alwyn, kaya walang masama.
read more "Jennica at Alwyn, magkarelasyon!"

Kris, aagawin ni Carl kay Aljur


Pantasya na raw ng mga bading at babae ngayon si Carl Guevara, lalo na at nalantad na ang makisig na katawan niya sa April issue ng Men’s Health Ma­gazine. At lalo raw pagpapantasyahan si Carl ng mga bading at babae kapag lumabas na ang billboard niya para sa Bench jeans.


Inamin ni Carl na pinaghahandaan na rin niya ang underwear fashion show ng Bench sa July 2 sa Araneta Coliseum.


“Tungkol sa pantasya ng mga bading at babae, kung mangyayari man ‘yun, I’ll be flattered dahil kung nagugustuhan nila at humahanga sila, ibig sabihin, maganda naman ang nagawa ko. And natuwa rin ako kasi sa sinabi ng editor-in-chief ng Men’s Health Magazine na nagandahan din sila sa story ko,” bungad na paha­yag ni Carl.


Anyway, wala namang magagalit kung pagpantasyahan man si Carl ng mga babae at bading ngayon, dahil single raw siya mula nang mag-break sila ni Daiana Meneses.


At dahil naka-move on na siya sa nangyari sa kanila ni Daiana, happy raw siya kung happy daw si Daiana ngayon sa rumored boyfriend nitong si Sam YG.


“Okey naman kami. Ilang beses na rin kaming nagkita sa GMA and noong unang umere ‘yung Dear Friend, natuwa naman ako when he texted me at nag-congrats siya sa akin.


“Pero ngayon, mas na-realize ko na tama ‘yung na­ging desisyon namin dahil mas okey ako ngayon na ang focus ko lang talaga career ko.”


Wala raw siyang nililigawan at hindi rin naman daw niya nami-miss ang magka-girlfriend.


“Pero, marami akong nagugustuhan na magagan­da, like sa GMA na lang, ang daming magaganda.

Sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Kris Bernal, ang dami nilang magaganda! Pero hanggang pagha­nga lang naman.”


Hindi naman kami magtataka kung mali-link din siya kay Kris dahil isa siya sa mga bagong pasok sa The Last Prince at magiging ka-triangle nina Kris at Aljur. Aagawin ba ni Carl si Kris kay Aljur?


“Sana huwag namang lumabas na kontrabida ako, kasi trabaho lang naman po. At saka, wala po akong planong agawin si Kris kay Aljur.


“Kung nasabi ko man na maganda si Kris, natural lang naman po siguro ‘yun dahil maganda naman siyang talaga. Hindi naman siguro magagalit si Aljur at kaibi­gan ko rin naman po si Aljur,” sey na lang niya.
read more "Kris, aagawin ni Carl kay Aljur"